{ TBUP -79: Temporary Happiness }

369K 7.4K 1.2K
                                    

{ TBUP –79: Temporary Happiness }

 

 

 

--Zico’s Point of View--

 

Sumama ako kay Yanna sa pad niya. Nandito si Baby Zee habang naglalaro ng crossword puzzle. Hangang-hanga nga ako sa talino ng batang ‘to. Hindi ko alam, sa akin kaya nagmana si Baby Zee? Siguro nga. Kamukhang-kamukha ko kasi siya.

Hindi ko mapigilang magpakawala ng isang ngiti habang pinapanood ang anak kong nag-iisip. Napaka-galing niya. Para siyang henyo.

Pero sana, sana wala siya ngayon kung hindi dahil sa pagiging padalos-dalos namin ni Yanna.

Napatingin ako sa sofa kung nasaan si Yanna. Nakatingin siya sa amin ni Baby Zee. Nagtama ang mga mata namin. Sinasabi ko na nga ba… hindi siya masaya.

Naglakad ako papunta kay Yanna. Umupo ako sa tabi niya.

Hindi ka masaya ‘di ba?” Tanong ko sa kanya.

Kitang-kita sa mga mata niya ang matinding lungkot. Alam kong alam niya na hindi ko ‘to gusto. Alam kong alam niya, na hinding-hindi na ulit ako babalik sa kanya. Pero ang hindi ko alam, eh kung bakit pinagpipilitan pa rin niya ang sarili niya sa akin.

Magiging masaya rin ako—lalo na ngayon na nandito ka na.” She smiled. A fake one.

I love her, Yanna.

Napasinghap siya at halatang pinipigilan ang luha, “Alam ko… pero pinamigay ka na niya. Hindi ka niya kayang ipaglaban.

I smirked.

Pinamigay? O ipinahingi? Ang dalawang ‘yun… magkaibang bagay para sa akin. Alam kong hiningi ako ni Yanna. Alam kong nakiusap siya kay Athena. Alam ko ring ibibigay ako ni Athena. Pero alam ko… mahal pa niya ako. Alam ko… umaasa pa rin siya katulad ko. I know we’ll get through this. I just need to get to the real plan.

Me being with Yanna? It won’t be too long.

It won’t be too long my love… Athena…

--Ericka’s Pov--

 

So yeah? Asan ba ako? Well, nandito lang naman ako sa bagong tamabyan namin ng mga bitches—and when I say bitches—you know, Scarlet at Carmeen. Astig nga eh, yaman ni Carmeen! Pabili-bili na lang ng bar para may matambayan! Taray lungs! >:))))))

The Break Up Planner (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon