THIRTY-ONE

2.1K 63 30
                                    

AT DAHIL CHAMPION ANG ARMY!
MAG-IINGAY TAYOOOOO!!!

*I love you ms. MVP and that person you hugged after the mvp interview 😍*

Just made my gonzaquis heart pump again!

Shiiiiippppeeerrrss! Para sa inyo tong update na to!!!!
Lab you!
So proud! 😢

Sorry na.. ngayon lang talaga ako mag aauthor's note sa simula ng chapter..
Di na uulit.. hahaha

____________________________________

JOVS' POV (MVP HA!)

"Hindi pa tayo babalik don?" Tanong ni Chel sa akin nung palabas na kami ng kusina.

"Mauna ka na.. Magpapalit lang ako ng shirt." Sabi ko at hinigpitan yung hawak ko sa kamay niya.

Bigla naman siyang sumeryoso at binigyan ako ng concerned look.

"Okay ka lang?" Tanong niya at hinawakan ako sa pisngi.

Pumikit lang ako at nag-lean sa kamay niya bago tumango-tango.

"Samahan kita?" Tanong niya.

Napangiti naman ako at nagmulat.. kinuha yung kamay niya sa pisngi ko at hinalikan.

"Hahaha! Sasamahan mo akong magbihis??" Tanong ko ng tatawa-tawa.

"Loko!" Sabi niya at itinulak yung mukha ko gamit nung kamay niyang hawak ko.
"Bakit? Pag sinamahan ba kita, may balak kang magborles sa harap ko?" Sabi niya.

Napatawa naman ako.

"Gusto mo?" Tanong kong taas baba ang kilay.

"Pssh.. magpalaki ka muna ng abs bago mo ipagyabang yang katawan mong mabilbil!" Sabi niya.

Napanguso naman ako.

"Hindi pa ba okay yung six packs ko?"

"Ha ha ha. Now you're talking about non-existent things." Sabi niya.

"Tsk tsk! Cge na! Hindi mo pa nga nakikita eh." Sabi ko. "Cge na.. mauna ka na." Sabi ko at hinalikan siya sa noo.

"Ayaw.... sama ako.." sabi niya at kumapit na sa braso ko.

"Hahaha. Gusto talaga makita yung abs ko." Tawa ko. "Tara na nga."
Sabi ko at umakyat na kami sa kwarto ko.

Habang namimili ako ng shirt ko, umupo lang siya sa may kama ko habang naglilibot ng tingin.

"I thought naglipat ka na? Pero the last time I check, hindi naman nabawasan tong mga gamit mo dito?" Tanong niya at tuluyan ng nahiga sa kama ko.

"Yun ang condition ni Lola eh.. para daw may reason pa akong umuwi dito." Sagot kong hindi lumilingon sa kanya.

Nang makakuha na ako ng shirt ko, lumapit ako sa tapat niya .

Mapagtripan nga.

"Rachel." Sabi ko ng seryoso kaya napaupo naman siya sa kama.

Hahahahaha. Ang epic ng mukha.

_____________________________________

RACHEL'S POV

"Rachel." Sabi niya bigla sa tapat ko kaya bigla din akong napatayo.

Nasa tapat ko lang siya with a look na hindi ko magets.
Para siyang seryoso na horny na nanloloko na ewan.

Napastiff naman ako sa kinauupuan ko nung hilain na niya yung laylayan ng shirt niya.

"H-hooy. Jovelyn. A-anong g-ginagawa mo ah." Sabi kong hindi matanggal yung mata ko sa mukha niyang nakangisi na ngayon.

MAYBE IT WILLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon