Wakas

2K 114 46
                                    



Byun Baekhyun.

Nandito kami ni Chanyeol sa bahay na pinagawa ng Mommy at Daddy niya para sa kanila sana ni Chaelin. Hindi na natuloy iyong reception dahil pagtapos ng kasal ay mabilis niya akong iniwan sa simbahan. Inaasahan ko na naman na ganito iyong magiging reaksyon niya kaya somehow nakapag-handa for the worse na ako. Mabuti na lang at kahit alam kong gulong-gulo siya sa mga nangyayari kanina ay hindi niya ako tinakbuhan habang on going pa yung kasal.

Muntikan na akong malaglag sa kamang inuupuan ko nang makarinig ako ng nabasag na vase sa bed side table namin. Pagtingin ko kay Chanyeol isang matalim na tingin ang ipinupukaw niya sa gawi ko at kahit papaano ay nagsisimula na akong makaramdam ng takot dahil itsura niya ngayon. Lumapit siya sa akin at mahigpit na hinawakan iyong bagang ko. Kahit na sobra akong nasasaktan sa higpit ng hawak niya ay pilit kong itinatago iyon. Kaylangan kong maging matatag dahil mahaba-habang eksplanasiyon ang gagawin ko.

"Tangina, Baekhyun. Anong klaseng pakulo ito?"

"I can explain. Pero bitawan mo muna ako dahil nasasaktan ako," mas lalo na akong kinabahan dahil mas humigpit lang iyong hawak niya sa bagang ko.

"Explain? After all the pain you've caused? Alam mo ba kung anong nangyari sa akin dahil sa mga pinag-gagawa mo?" Oo, alam ko every single detail, dahil ni minsan hindi naman kita iniwan, palagi lang akong nakatanaw sayo sa malayo. "You fucking left me tapos ngayong nakabangon na ako babalik ka na parang wala kang ginawang kasalanan sa akin?!" Gusto ko siyang sigawan at sumbatan. Hindi ba't ganito rin iyong ginawa niya dati noong problema pa namin si Krystal at Jessica? Hindi ba't naglihim din siya sa akin? Pero inintindi ko iyon dahil somehow sobrang thankful ako sa heroic stunt niya na iyon. Tapos ngayon pagsasalitaan niya ako ng ganito? Pero I guess this is not the right time para sumbatan siya, pilit kong ipapaintindi sa kanya ang lahat.

"Chanyeol, let me explain," sa wakas ay binitawan niya na iyong bagang ko dahil pakiramdam ko sobrang namumula na iyon dahil sa higpit ng hawak niya. Naupo siya sa tabi ko pero sobrang layo ng distansya namin dalawa.

"I won't promise to be the Chanyeol you've known before upon hearing your explanations pero sige, I'll try to digest every-fucking-thing," may kung anong-kumikirot sa dibdib ko kapag naririnig ko siyang nagmumura. Yes he cuss but not in a regular basis. Sa ilang linggong pagsunod ko sa kanya kahit masaya siya ay nagmumura siya.

-

-

"Chanyeol, maghiwalay na tayo," sobrang sakit sa pakiramdam na nanggagaling iyan sa bibig ko, ayaw ko mang gawin pero kaylangan kong piliting magpakatatag para sa aming dalawa. Lalayuan ko muna siya at ako naman ang lalaban para sa relasyon namin ngayon. It's time for me to stand up and let him rest for a while. It's time for me to man up and give him back every little thing he sacrificed for the both of us.

"B-Baekhyun. . ." I wanted to hug him right now. Ngayon pa lang ay parang sinasaksak na ako ng paulit-ulit dahil umiiyak si Chanyeol sa harapan ko. Alam kong masyadong padalos-dalos ang desisyon ko pero kaunting oras na lang ang natitira sa akin dahil malapit na ang kasal nila ni Chaelin.

"Chanyeol, kung tayo talaga ang para sa isa't-isa, kahit maghiwalay pa tayo ng ilang taon, magku-krus at magku-krus muli ang landas natin. Sa ngayon, siguro kaylangan na muna nating magparaya. Kumpanya niyo ang nakasalalay dito, Chanyeol," I had to fight back those tears trying to stream down on my face. Sobrang gusto kong umiyak at tumakbo sa mga bisig niya dahil nasasaktan ako sa mga sinasabi ko at sa nagiging reaksyon niya. I hate seeing him cry pero ito lang iyong naiisip kong paraan para ako naman iyong makatulong sa kanila.Napaiwas ako ng tingin nang lumuhod siya sa harapan ko habang mahigpit na hinahawakan iyong dalawa kong kamay.

[COMPLETED] Untouchable BTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon