Chapter 7 - Nightmare

182K 4.7K 108
  • Dedicated kay James Obrero
                                    

Chapter 7

Ingrid's POV

"AKO ANG mag-i-sketch, 'tapos ikaw ang magka-cut, okay?" sabi ko kay Erina.

Nandito pa siya sa penthouse. Gumagawa kami ng pang-cheer para sa tournament bukas ng madaling araw.

Ako ang nagdodoodle ng name ni Hansel sa red cartolina habang si Erina naglalagay ng glitters sa paligid ng placard na pagdidikitan ng gugupiting doodles. Kung paano kami nagkaroon ng school supplies? Ewan ko rin. Basta nagpaalam sa akin si Erina na lalabas muna at wala pang five minutes nakabalik na siya at may mga dala-dala na.

"Kyaah! Ate, excited na ako."

"Ako nga rin, eh. Hindi ba magagalit ang Kuya mo na gagawa tayo nito?"

"Hay naku, Ate Ing, madaming babae ang gumagawa nito kay para kay Kuya kapag tournament. Kaya nga gagawa tayo ng colorful para mamukod-tangi, 'di ba?"

"Maraming fans ang Kuya mo?"

"Oo daw. Haha, wala naman akong pakialam sa mga fans ni Kuya eh."

"Hmm, puwede bang magtanong tungkol kay Hansel?"

"Sure, Ate, ano 'yon?"

"Nagka-girlfriend na ba siya?"

Napatingin sa akin si Erina. "Hindi pa, 'no. Kahit marami sakanyang nagkaka-gusto, ni isa wala man lang pinag tuunan ng pansin. Hindi ko alam kung pihikan lang siya o wala talaga siyang nagugustuhan sa kanila."

"I can't even imagine Hansel being in a relationship. He's so uptight and moody."

"Haha. You got that right. At saka si Kuya kasi ang successor ng crown kaya hindi siya puwedeng mag girlfriend lang nang mag girlfriend."

"Gano'n? Pressured pala siya kasi expected na dapat lahat ng decisions niya would be great."

"Yup. Kaya ganoon siguro ugali niya eh." I nodded. Dapat siguro intindihin ko rin si Hansel. "Oh, my Kuya is coming." dali-dali naming itinago ang art crafts.

"Paano mo nalaman?" nagtatakang tanong ko nang mailigpit namin ang lahat.

"I just know." Kibit balikat niya. "Ayan na."

Hinila niya ako paupo sa kama ko. We pretend na nagkukuwentuhan. Hindi ko rin alam kung bakit, siguro kasi ayaw niyang makita ni Hansel ang ginagawa namin.

"Erina, it's time for Ingrid to sleep. Umuwi ka na muna," sabi ni Hansel pagpasok niya sa kuwarto.

"Ha? Okay lang naman. 'Di pa ako inaantok," nakangiti kong sabi.

"Kuya naman, eh. Nag-e-enjoy pa kami ni Ate Ing, eh!" Pagmamaktol ni Erina.

"Huwag makulit, Erina! Kailangan na niyang matulog! Tingnan mo nga, oh. Ang groggy na ng hitsura niya."

Napasimangot naman ako sa sinabi niya. Nang-inis pa talaga, ah.

"Anong groggy pinagsasabi mo? Okay pa ako, hindi pa ako pagod!"

"Sige matulog ka na. Bukas na lang natin tapusin," Erina said with a knowing smile.

"Tapusin ang alin?" tanong ni Hansel.

"'Yong kwentuhan namin ni Ate," palusot ni Erina.

Pagkalabas ng dalawa bigla na lang akong napahikab. He's right. Inaantok na pala talaga ako. Mukhang nag-enjoy lang ako sa company ni Erina kaya hindi ko naramdaman ang antok.

Vampire City: Not Your Ordinary Vampire StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon