Chapter 10.2.2

32K 688 48
                                    

Published: September 01, 2013

Kailangan kaya natin ng ambulance ngayon? hehe  ;)

********

CHAPTER 10.2.2

KATIE’s POV

            I am crazy!  Ako na talaga ang nagtapat ng feelings ko for him?!  What just happened, Katie?!  Have you lost your mind?!  You’ve acted like a desperate woman trying to win someone who didn't want to be with you.  This is so embarrassing!

            Hindi ko alamkung gaano ako katagal naglaba.  Ibinuhos ko ang buong puso ko sa paglalaba para lang humaba ang oras na mauubos ko.  Mahapdi na nga ang mga kamay ko sa pagkakababad sa sabon.  Pero ano pa nga ba?  Matatapos at matatapos naman din talaga ang paglalaba ko.  OA ko naman kung paabutin ko pa nang maghapon ‘to! 

            Matapos ko maglaba ay naligo na rin ako kaagad.  Kakatapos lang din maligo ni Ricky noon.  Pero lakas loob akong pumunta sa CR nila at hindi na ako nagpahintay sa labas.  Pero gan'un pa rin ang pakiramdam ko sa CR nila.  Nakakatakot pa rin.  Pero wala rin naman akong lakas ng loob na manatili sa lugar kung nasaan si Ricky.  Nahihiya pa rin ako sa mga sinabi ko. At ang mas nakakalungkot pa d'un, he seemed not to care at all.

            Paglabas ko sa CR, surprisingly, nakabantay si Ricky sa labas! 

          “Hindi ka yata nagpasama?  Hindi ka na natatakot sa CR namin?”  He asked.

            “N-no…”  Umiling ako at mapaklang ngumiti.  Of course, that’s a big lie.  I still find it so creepy inside.

            “Ohh…”  Tumango-tango lang siya at parang may pader sa pagitan naming dalawa. We both feel awkward.

          “Papanik na ako.”  Paalam ko pa.  I think I need to go home. I really feel like going home now.

            At ang araw ngang ito, ang pinakamahabang araw sa lahat.

~~

            Mabilis na lumipas ang mga araw.  Ginawa ko ang lahat para umiwas na lang muna kay Ricky.  But things are hard knowing that he’s just around. And, most of the time, he’s just infront of you.

            It’s Sunday today.  Two days din kaming hindi masyadong nag-uusap.  It’s harder than I thought. I missed him.  Even if he’s so near, he seemed so far.

            Like the other day, eto na naman ako sa creepy CR nila.  Nakita kong nagbantay ulit siya sa labas pero tila isang hindi inaasahang bisita ang makikita ng mga mata ko…  si Alexa!

            “Oh my, I’m glad you’re okay.”  Sabi pa n'ung Alexa na sobrang higpit nang yakap sa kanya.  Kumirot ang puso ko sa tanawing iyon.

            “I’m cool.”  He smiled sweetly to her.  Maybe she’s the reason why he have a lot of doubts about us.  But then, heaven and earth din naman sila ni Alexa a.  Does it means he don't like me like the way he wanted Alexa?  “Ikaw?”

            “Okay naman ako.  I got really worried.  Hindi ka man lang nagte-text sa akin.”  Sabi pa ni Alexa at hindi ko maiwasang mabwisit.  Jeez, ang arte!  sabunutan ko kaya ‘to?!

            “Medyo busy.”  Tipid na sagot lang niya.  “Let’s go inside.”  Kayag pa niya and obviously, she’s so important to him para hindi na ako hintaying makatapos sa paliligo.

AND I LOVE YOU SOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon