15

46.6K 1K 26
                                    






ABHIE'S P.O.V







Hahampasin ko pa sana siya pero hinuli niya ang kamay ko, at napalunok ako ng paglapitin niya ang mukha naming dalawa.







One inch nalang ang layo ng mukha naming dalawa, napansin kong napalunok din siya.







Ipinikit ko ang mata ko at...






•Don't say love me you
don't even know me, if
you really want me then
give me some time..•






Napapitlag ako ng magring ang cellphone ko!







Lumayo naman si Shane at narinig ko ang sadyang pag ubo niya! Pakiramdam ko namumula ako!





Syril Calling...






"Answer it." - nahihiyang sabi niya, tumango ako at sinagot ang tawag ni Syril.







[Abhie!! Ano na?? Ano na?? Saan kayo nagpunta?!] - excited na tanong niya, kung kaharap ko 'tong si Syril kinurot ko na 'to.. Narinig ko naman ang paghagikhik ni Elle sa kabilang linya.







"Pwede ba.." - hindi ko natapos ang sasabihin ko, dahil sumenyas si Shane na ibababa lang yung mga pinagkainan namin.







[Yiiie.. Sige na nga baka nakakaistorbo pa kami sa date niyo ni Monster ng kagwapuhan! Babye na!] - yun lang at pinatay na ni Syril ang tawag, napatawa ako ng mahina, muntik na akong magkafirst kiss, napakagat ako sa ibabang labi ko.







Maya maya lang bumalik na ulit si Shane dito sa taas, nagulat ako ng lagyan niya ng kumot ang hita ko.







"Thank you." - nauutal na sabi ko, napansin kong tumingala siya at parang pinagmamasdan niya yung mga bituin.







"Abhie..naniniwala ka ba na lahat ng taong namamatay nagiging bituin?" - bulong niya, tumingala din ako.






"May nakapagsabi saakin..pero hindi ba parang ang weird naman nun?" - sagot ko sakanya.







"Yeah. Weird nga. Pero hindi mo ba napapansin kadalasan kapag humihiling tayo, sa bituin natin inaasa." - sobrang manly ng boses ni Shane, hindi ako makapaniwalang nagkakausap kami ng ganito, yung parang walang ilangan.







"Minsan..pero minsan naman kasi kay Jesus ako nagwiwish.." - sabi ko, narinig kong tumawa siya ng mahina.






"Pareho tayo. Sakanya rin ako humihiling." - napatingin ako sakanya, nanatiling nakatuon ang mga mata niya sa langit na para bang may isang bituin siya don na sinusuri.







"May nakapagsabi kasi saakin na lahat ng namamatay nagiging bituin, kadalasan nalulungkot tayo sa pagkawala nila.. Pero nandyan lang pala sila, kagaya ng Papa mo, isa sa mga bituin na yan Papa at Mama mo, pinapanood lang nila tayo.." - seryosong sabi niya.






"Sinong nagsabi sayo niyan?" - tanong ko sakanya, kaagad siyang tumingin sa mga mata ko.






"Ate ko." - malamig na sabi niya. Napangiti ako, gaano kaya sila kaclose ng Ate niya?






"Pero Shane, anghel na ngayon sila Papa." - sabi ko.






"Alam ko. Lahat ng bituin na yan anghel Abhie. Subukan mong magwish." - napatawa ako, may pagka childish din pala ang isang Shane Briones, pero nakakatuwang makita yon sakanya, para bang hindi na siya yung dating Shane? Na parang may kinatatakutan kaya nananahimik nalang.







"Hindi ba ikaw ang may birthday, bakit hindi ikaw ang humiling?" - nakangiting sabi ko. Umiling iling siya.






"Hindi na kailangan, natupad na kasi." - nakangiting sagot niya, bigla akong nacurious. Ano kayang hiniling niya?







Nagulat ako ng kuhanin niya ang kamay ko at ipinatong iyon sa kaliwang dibdib niya kung saan nandoon ang puso, napapitlag ako ng maramdaman ko ang malakas at mabilis na pagtibok ng puso niya!





Nakatingala pa rin siya.






"Natupad na. Hindi na ako nasasaktan kagaya nung dati. Dahil dumating ka." - seryosong sabi niya, napalunok ako. Bakit ganito si Shane? Nagwawala yung puso ko dahil sakanya!!







"So..sorry Shane pero tungkol ba 'to sa..babaeng naging dahilan ng pagbebreak niyo ni Elle?" - naiilang na tanong ko. Narinig ko ang mahinang pagtawa niya.






"Nakita mo pala kami." - natatawang sabi niya. Lumunok ako.






"Ah..oo, nagbreak kayo kasi hindi mapalitan ni Elle yung babaeng mahal na mahal mo." - nahihiyang bulong ko, tumingin siya saakin.






Tumungo siya at umiling iling.. Tumingin ulit siya saakin, napansin kong may kinukuha siya sa bulsa niya, at ng makuha niya yon mabilis niyang ikinuyom ang kamao niya na para bang itinatago niya saakin yon.






"Yeah..siguro nga tama yung narinig mo nung araw na yon.. Pero--" - natigilan siya.






"Pero??" - pag uusisa ko.






Napapitlag ako ng kuhanin nanaman niya ang kamay ko, at nanlaki ang mata ko ng isuot niya saakin ang isang pamilyar na bracelet! Yun yung bracelet na inorder niya sa isang shop sa facebook, may nakaukit na pangalan ko dun at kulay purple yung mga bato sa pangalan ko, may dalawang star dun sa bracelet.






"Pero kagaya ng sinabi ko kanina.. Dahil sayo napalitan na siya."







Tinitigan niya ako sa mata.






"Shane nakakainis ka." - natatawang bulong ko, tumawa siya.







"Nakakainis na ba ako? Ang korny ko na ba?" - natatawang sabi niya! Umiling iling ako, maybe ang korny nga ni Shane pero kasi alam niyo yung feeling na dahil saakin nagpapakakorny siya?! Oo na!! Nakakakilig na!






"Oo ang korny mo!" - sigaw ko, pero natigilan ako ng bigla nanaman siyang nagsalita.






"Ganun yata talaga kapag gusto mo yung isang tao."



*****

Crush Kita Konti LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon