Chapter 4

642K 18.2K 3.4K
                                    

Chapter 4


Maaga akong nagising kinaumagahan dahil may usapan kami ng mga kaibigan ko na magkikita kita ngayon. Ang tagal na rin naming huling namasyal na magkakakasama, oo madalas nila akong dinadalaw sa ibang bansa pero iba pa rin ang mamasyal sa Pilipinas.

Tiningnan ko ang telepono ko kung may messages ba ako mula kay Aira man lang o Camilla. And yes, tinatadtad na nila ako ng text.


Camilla: Where are you?


Aira: Natraffic te?


Camilla: Don't tell me nasa Las Vegas ka pa?


Aira: Wag na kaya tayong tumuloy? Tulog ka pa ata.


Camilla: Bruha! Pinaghihintay mo talaga kami?

Nagreply na ako sa kanila.


Ako: Umayos kayong dalawa pwede?

Parehas ko silang nisendan


Ako: I'll be there for few minutes, ang aarte nyo!

Mabilis silang nagreply agad.



Camilla: Kami pa ang maarte ha?



Aira:  Bilisan mo friend


Pagkasakay na pagkasakay ko sa sasakyan ko ay pinaharurot ko na ito. Masyado na kasing naiinip ang mga magagaling kong kaibigan nakakahiya naman kasi sa kanila. Haist.

Tulad ng nakagawian ay sa isang coffe shop kaming tatlo nagkita kita. Halos sabay nila akong inirapan pagkaupong pagkaupo ko pa lamang. Napakagandang bungad. 


"Late ka pa rin lagi" panimula ni Aira sa akin.


"Walang pagbabago" sabi naman ni Camilla.


"Sorry na okay? Let's go to mall" pag anyaya ko sa kanila na sabay nilang ikinatulala.


"Are you sick Florence?" nagtatakang tanong sa akin ni Aira. Sinipat naman ni Camilla ang noo ko.


"Hindi ka naman mainit..hmmm are you sure Florence? Sa Mall? Baka mamatay ka sa mall" naningkit ang mga mata sa akin ni Camilla.


"Maraming manikin sa Mall, baka magcollapse ka na lang bigla dun. Remember? Never pa tayong gumala sa mall, nakakalimot ka na ba Florence?" tanong sa akin ni Aira

Bahagya akong tumawa sa reaksyon nilang dalawa. Nakalimutan ko nga pa lang sabihin sa kanila na matagal akong ng undergo sa napakadaming sessions para lamang mawala ang napakadami kong takot sa buhay.


"Okay na ako, I can stand seeing mannequins kahit itim pa ito" halos sabay na naman silang napanganga sa gulat.


"Kailan pa?" nagtatakang tanong sa akin ni Aira.


Back In His Arms Again (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon