Kabanata 26

182K 3.5K 151
                                    

Tattoo

"Ngayon ko lang nakita si Claveria na tumawa." Ani Shey.

Nakaupo kami ngayon sa booth. Hapon na kaya sinara na namin 'to. Malaki naman ang nakuha namin kahit walang free hug o free kiss. Sapat na rin para bumalik sa amin anf ginastos namin.

"Oo nga! Akala ko nga hindi siya marunong tumawa." Natatawang saad ni Wendel. Natawa din ako dahil doon.

"OA mo! Tumatawa naman.. kaya lang pag may napansin siyang nakatingin sakanya ay mabilis na mag se-seryoso." Dagdag ni Yumi. Ako naman ay nakatingin lang sakanila.

Hindi ko naman siya kilala dati kaya wala akong masasabi.

"Kayo na ba?" Tanong nila sa akin. Maagap akong umiling. Binigyan naman nila ako ng ekspresyon na hindi makapaniwala.

"Hindi pa." Depensa ko sa tingin nila sa akin. Natawa naman silang sabay-sabay.

May nasabi ba akong mali?

"Pa? So kailan mo siya balak sagutin?" Mabilis na tanong ni Wendel. Natigilan ako dahil doon. Hindi ko pa iniisip 'yon.

Kontento pa ako sa kung anong meron kami at napaka-aga pa. Isang linggo palang siyang nanliligaw sa akin. Naging vocal siya doon, sinusundo niya ako sa klase basta sakto sa sched niya. Naging close na siya sa mga pinsan ko kaya halos lagi namin silang kasama, pati na rin si Sky at Jacob.

Lagi rin kaming lumalabas.. lagi rin niya akong nililibre. Lagi rin niya akong binibigyan ng bulaklak at tsokolate. Pero hindi 'yun ang tumatatak sa akin. Mas nararamdaman ko ang panliligaw niya kapag kahit maraming tao ay sa akin lang siya nakatingin. Parang wala siyang pakielam..

Maisip ko palang 'yon ay pakiramdam ko liliparin na ako.

"Hindi ko pa alam.. gusto ko muna siyang makilala ng pamilya ko." Wika ko at sabay sabay nanlaki ang mata nila. Yun naman talaga ang plano ko..

"Meet the parents agad?! Paano kung mag-break kayo? Sayang lang ang pagpapakilala." Gulat na gulat na tanong ni Yumi. Tumango ako ng marahan.

"Ano ka 'ba, Yumi? Kita mo naman kung gaano siya kagusto ni Claveria. Hindi na niya pakakawalan 'yan!" Natatawang wika ni Shey pero ngumiwi si Yumi.

"Walang forever 'no" Saad ni Yumi sabay irap.

Natawa pa ako dahil doon. I get where she's coming from.

"Bitter" pang-aasar ni Wendel sakanya.

Hindi siya pinansin ni Yumi at bumaling ulit sa akin. "Pero paano kung ganon, hindi ka ba nanghihinayang?"

Huminga ako ng malalim at ngumiti.

"Ganon naman talaga pag papasok sa isang relasyon. You shouldn't enter in to a relationship just for the sake of having it. Dapat ay nandoon ang nararamdaman niyong dalawa, ang mga plano niyo at dapat tinitignan niyo rin ang future. Then ask yourself, do you see that person with you in the future? Doon mo lang malalaman kung sigurado ka. Kung mag break, edi mag-break.. just make sure you did something to fight for it. Kasi ganon talaga dapat.."

I don't know kung saan nanggaling ang mga pinagsasabi ko. Pero hindi ako natatakot para sa aming dalawa. Alam ko kung anong nararamdaman ko para sakanya. It's strong.

Marahan akong humalakhak dahil sa titig nila sa akin.

"Did you ask youself? I mean.. if you see yourself with him?" Tanong ni Shey sa akin. I was a bit stunned by her question.

"Yeah I did and yes, I can see myself with him. Sana lang ay wag akong magkamali. Pero kung hindi talaga.. I won't regret anything. Napasaya niya ako, 'yon ang importante." Natatawang wika ko pero hindi sila natawa. They're looking at me like I said something that can change the world.

MONTGOMERY 1 : Caught (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon