MPML Book 2 (21)

3.3K 86 3
                                    


Oras ng lunch, nasa cafeteria ako at kasalukuyang may hawak na plato habang namimili ng kakainin ko.

"What's this?" Tanong ko sa tindera habang nakaturo ako dun sa ulam na may broccoli.

"Beef broccoli po Ma'am."

"Sige bigyan mo ko ng isang order at isang kanin." Sabay ngiti ko sakanya.

Beef broccoli, isa pang bagay na nakakapagpaalala sakin kay Yuji. Yung broccoli na palagi naming pinagaawayan noon dahil pinipilit nya kong kainin yun kahit ayaw na ayaw ko. But still, natutunan kong kainin yun para sakanya.

Matapos na iabot sakin ng tindera yung order ko, pagtalikod na pagtalikod ko si Travis agad bumulaga sakin.

"Hey, Travis!" *Sabay alis*

"Hep." Dadaanan ko lang sana sya ng hawakan nya yung braso ko at paupuin ako sa malapit na table.

Tumabi sya sakin habang ginigitgit ako.

"Ano ba ang daming space dun, dun ka nga." Sabi ko pero tiningnan nya lang ako ng seryoso.

Hindi pa sya nagsasalita, alam ko na kailangan nya.

"No." Sabi ko habang sumusubo ako ng pagkain.

"Sha please, I really need to see her. It's been years since the last time I saw her."

"Yes and it's been years since she told me to not tell you where she is." Subo ko naman ng broccoli.

Kung nakikita lang siguro ako ni Yuji ngayon magiging proud sakin yun e. Kumakain na ko broccoli oh.

"Shaaaa, matagal ko ng syang hinahanap. Sa probinsya nila, sa bahay ng parents nya pero wala akong napala. Tapos malalaman ko nalang na nagkikita pala kayo, ang daya mo bestfriend mo ko diba?"

Yan dyan talaga sila magaling e, ang sumbatin na bestfriend mo sila.

"Travis, Penny's my bestfriend too. Tatlo kayo nila Jess na BFFs ko kaya kahit na sinong pangakuan ko, tutupadin ko. At yun ay nagpromise ako kay Penny na hindi ko ituturo sayo kung nasaan sya. Just respect her decision okay? You do remember what you did to her right?"

Napayuko naman sya sa sinabi ko.

"Tandang tanda ko at pinagsisisihan ko na yun, Sha. Naging mahina lang ako ng malaman kong buntis sya noon kaya bigla akong nawala. Hindi pa ko handang maging tatay nun kaya ko nagawang pagtaguan sya pero ngayon Sha, handang handa na kong harapin yung responsibilidad ko."

Nanlulumo yung mga mata nya sakin, konting pilit pa nya masasabi ko na kung nasaan si Penny but promise is a promise.

"Travis, alam mo namang sasabihin ko sayo kung pwede diba? Hindi mo ko kailangan pilitin  pero kasi nangako ako kay Penny, I won't let her down."

Yung mahigpit na hawak nya sa mga kamay ko kanina unti unting bumibitaw. Napayuko sya sa lamesa and I can tell na pinagsisisihan na nya yung nagawa nya 18 years ago kay Penny.

"May anak ako Sha, lumaki yung anak ko ng hindi ko sya nakikita, na hindi nya ko kilala, na wala syang ama. Napakawalang kwenta ko sa mag-ina ko, gustong gusto kong bumawi sakanila, please Sha gusto ko silang makita."

Minsan ang pagiging matigas waepek din, dahil sa mga ganitong sitwasyon na kahit anong tigas ng puso mo, lalambot at lalambot parin.

That's it, hindi ko na kayang maglihim kay Travis. I'm sorry, Penny.

"Travis, Penny lives in---"

"Goodafternoon, Ms. Briones and Mr. Rajishima."

Natigil yung sasabihin ko ng biglang lumapit si Ria at nagbow samin.

"Oh Ms. Cuenca, do you need something?" --Travis

"Yes sir, magtatanong lang po sana ako tungkol dun sa thesis na pinapagawa nyo? I wonder if pwede ko pong kunin si Marcus para maging partner ko?"

Nakaharap sakanya si Travis kaya nagawa kong tingnan sya ng masama dahil sa sinabi nya. Kaya sila nagaaway ni Penny dahil pinipilit nya palagi ang gusto nya kahit tutol ang Mommy nya.

"Ms. Cuenca, you're smart and you are beautiful. Pwede kitang ipartner sa iba pero hindi kay Marcus. Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi sya nababagay sayo, plus we all know that he's a playboy. Is that a kind of guy you really want to get partner with?"

Habang tinitingnan ko silang naguusap hindi ko mapigilang hindi maguilty. Naguusap ang mag-ama ni Penny ngayon without knowing that they are connected to each other. Walang alam si Ria na si Travis ang tatay nya, at wala ring alam si Travis na anak ni Penny si Ria.

Lord, bakit nyo hinayaang mapunta ako sa ganitong sitwasyon? Ako ang nahihirapan sa sitwasyon nilang tatlo.

"Sir, please? Ayoko po talagang maging kapartner yung iba. Promise po tutulong sakin yun si Marcus sa paggawa ng thesis namin. Please Sir."

Tiningnan ko naman reaksyon ni Travis at halata sakanya na wala syang magawa sa pagpupumilit ni Ria.

"Fine, sige na magkapartner na kayo ni Marcu---"

"Kyah!! Thankyou sir! Bye po Ms. Briones."

Nagbow pa sya samin pero tinaasan ko lang sya ng kilay. Alam na nya yun na kailangan naming magusap mamaya sa office.

"Ang bait bait ng batang yun. Alam mo ba minsan nakikita ko sakanya si Penny? Ganyan na ganyan din kasing mamilit noon si Penny nung pinapabili nya ko ng pakwan, hindi namin alam naglilihi na pala sya nun haha"

Kanina paiyak na sya pero ngayong inaalala nya si Penny tumatawa na sya.

"Sige Sha, may klase pa ako. Pasensya kana kung mapilit ako ha? Hayaan mo kahit hindi mo sinasabi sakin, hahanapin ko parin mag-ina ko."

Nginitian pa nya ko bago sya umalis at naiwan akong magisa. Yung gutom ko kanina nawala na, para na kong kinakain ng sarili kong konsensya pag iniisip kong naguusap at nagkikita araw araw si Ria at Travis without knowing na mag-ama sila.

Napatingin ako sa relo ko nakita kong oras narin pala ng klase ko. Iniwan ko yung pagkain sa lamesa at umakyat na papunta sa office ko ng laking gulat ko ng makita kong bukas ang pinto at may nakalabandarang lamesa sa labas.

Pumasok agad ako at  si Yuji agad nakita kong nagaayos ng mga gamit nya.

"What are you doing here? And why there's a desk outside my office?" Nagulat sya ng magsalita ako likod nya kaya tumayo naman sya ng maayos sa harapan ko.

"Hindi ba nila nasabi sayo?"

I crossed my arms.

"Sinabi ang ano?"

Mapapatulan ko na talaga si Lolo pag may nalaman na naman akong ginawa nya na hindi ko ikatutuwa.

"They're renovating Ms. Lina's office that's why they told me na share muna tayo ng office dito."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya at masyadong maraming salitang pumapasok sa utak ko para makapagreact.

"WHAT?!"

----

My Professor, My Love 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon