16

49.4K 933 37
                                    






Chapter 16






ABHIE'S P.O.V






Tinitignan ko ngayon ang bracelet na ibinigay saakin ni Shane, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari nung birthday niya.






Ako pala yung pagbibigyan niya ng bracelet, muntik pa akong magsuggest ng pangit na kulay. Napapailing nalang ako sa tuwing maiisip ko yon.







Sem break nanamin ngayon at nandito lang ako ngayon sa bahay. Umalis si Tita kasi wala daw bantay sa meat shop, palagi naman haha.






Nanonood lang ako ng Tv paglipat ko sa HBO Monster Incorporated ang palabas, napangiti ako dahil yung Monster University naman ang naging dahilan para magkakilala kami ni Shane, thank you naman daw sa free cinema card na bigay ni Syril saakin!






Maya maya lang nagulat ako ng may nagdoor bell.






"Sino naman kaya yon?" - bulong ko sa sarili ko, humarap muna ako sa salamin, nakaloose tshirt lang ako saka shorts, tapos nakapony tail, okay naman mukha naman akong tao.






Lumabas na ako para buksan yung gate, at napanganga ako ng makita ko kung sinong dumating!






"Hi Abhie!!" - masiglang bati niya.





"Pa-pano mo nalaman ang bahay ko?" - nauutal na tanong ko.






"Kay Syril! Oh para sayo!" - sabi niya saka ipinahawak saakin ang bulaklak na dala niya!





Nagulat ako dahil dire diretso siyang pumasok sa loob!





"STAN!!!!" - sigaw ko! Oo si Stan! Itinalpak ko ang gate namin at tumakbo ako papunta sa loob ng bahay!






Pagpasok ko nakaupo na siya ngayon sa maliit na couch namin!





"Woah. Nice shirt Abhie." - puna niya, at nanlaki ang mata ko ng pasadahan niya ng tingin ang katawan ko!





Ibinato ko sa mukha niya yung bulaklak na binigay niya saakin!






"Grabe ka Abhie! Binigay ko yan para sayo, hindi para ibato." - reklamo niya!





"Wala akong pakialam! Anong ginagawa mo dito?!" - sigaw ko sakanya!





"Umaakyat ng ligaw!" - nakangising sabi niya, ipinatong niya yung bulaklak doon sa maliit na lamesa.





"Ano?!!"






"Gusto mo ulit ulitin ko pa? Manliligaw nga ako Abhie.. Kung sa school pinipigilan ako ni Elle, ngayong sem break sisiguraduhin kong wala ng makakapigil saakin. Tsk, yung Elle na yon iisipin ko talaga may gusto saakin yun eh! Gawin daw bang palusot si Shane! Naunahan tuloy ako ni Pareng Shane sa panliligaw sayo!" - mahabang litanya niya!





Kumunot ang noo ko.





"At sino namang may sabi na pumayag ako na ligawan mo?!" - sigaw ko sakanya!






"Sus. Ang panliligaw hindi na kailangan ng permiso! Kusang ginagawa yon! Bakit si Shane ba nagpaalam na liligawan ka?!" - sigaw niya saakin, napaisip ako.. Wala namang sinasabi si Shane, pero sa mga ikinikilos niya parang nanliligaw na rin siya. Nanlaki ang mata ko. Si Shane? Yung crush ko?! Nililigawan na ako?! Kdie, assuming much ako.





Pero sabi niya gusto niya ako! >.<






"Wala ka na dun!" - sigaw ko sakanya.





"Sus.. Magbihis ka Abhie magde-date tayo!" - tinignan ko siya ng masama!





"Sino ka para utusan ako?!!" - sigaw ko sakanya!





"Hindi naman po kita inuutusan. Pinagbibihis lang kita." - malumanay na sabi niya, inirapan ko siya at umupo ako sa kabilang couch.





"Ayaw mo?" - tanong niya!




"Ayoko!"





"Okay. Dito nalang tayo." - sabi niya saka nanood ng Tv, tinignan ko siya sobrang seryoso ng mukha niya, hindi naman siya parang naiinis pero parang medyo lumungkot siya.





Hala? Pinalungkot ko ba siya? Nakunsensya naman daw ako. Tumikhim muna ako bago ako nagsalita.





"Saan ba tayo pupunta?" - mahinang tanong ko, napansin kong nagliwanag ang mukha niya.






"Sa mall lang. Gusto ko lang may kasabay mag dinner." - sagot niya saakin.





Bakit? Wala ba siyang kasabay magdinner sakanila?!






"Ah..okay, maliligo lang ako." - sabi ko saka tumayo na ako at pumasok sa kwarto ko, napailing ako ng marinig kong sumigaw siya ng 'YES' ganun na siya kasaya?





_________





Sumakay kami ng jeep papunta sa mall, grabe ang harot harot talagang kasama nitong si Stan, lahat nalang makita pinagtatawanan kala mo nakakatol na ewan.





Pagdating namin sa mall dumiretso muna kami sa story land, naglaro kami ng bump car, nagbungguan kami ng ngbungguan. Para siyang bata kung titignan!






Nagtry din siya dun sa toy catcher, inis na inis na nga siya kasi hirap na hirap siya sa pagkuha dun sa kulay purple sa stuff toy, sabi ko kasi gusto ko yon, tinuro ko talaga yung pinakamalalim para mahirapan siya!







"Matagal pa? Maglalaro muna ako ng tekken ha!" - pang aasar ko sakanya, pero hindi niya ako pinansin, nakatuon lang yung mga mata niya dun sa itinuro kong stuff toy.






Napatawa ako ng mahina, naglakad ako papunta sa tekken at naghulog ako ng token. Bata palang ako palagi na kaming naglalaro ni Papa nito, magkalaban nga kami palagi. At kung sinong matalo lulusot sa ilalim ng lamesa ng sampung beses, nakakamiss, pero napapangiti nalang ako sa tuwing maaalala ko.





Napatingin ako sa bracelet na bigay ni Shane, kuminang kasi yon. Napansin ko yung dalawang star, naalala ko yung sinabi niya na sila Mama at Papa mga star na anghel, kaya siguro may star itong binigay niya para maramdaman kong kasama ko palagi sila Papa.





"Talo!!" - sigaw ko, nawala kasi ako sa concentration ng magvibrate yung cellphone ko.





Tinignan ko kung sinong nagtext.





Shane: Kumain ka na?





Napangiti naman ako. Nagtype ako para magreply.





•Hindi pa. Ikaw?•





Shane: Hindi pa. Abhie, hindi ka ba napapagod?





Napatawa ako! Ang korni talaga nitong si Shane! Luma na yung pick up lines na yon eh! Pero kahit ganon nagkunyare akong hindi ko alam!





•Bakit?•




Shane: Tae. Ang korni pala.






"Hahahahaha!" - ewan ko hindi ko talaga mapigilan yung tawa ko! Naiimagine ko yung magkadikit na kilay niya at yung nakakunot na noo niya!





Pero natigilan ako ng magtext ulit siya.





Shane: Gustong gusto kita Abhie.






Yung malakas na pagtawa ko napalitan ng isang malapad na malapad na ngiti. Magtatype na sana ako ng reply pero bigla siyang tumawag.





Mabilis kong pinindot yon at itinapat sa tenga ko.





Narinig kong huminga siya ng malalim. Yung tibok ng puso ko ang bilis.





"Shane.." - nauutal na bulong ko, nanlalamig ang kamay ko dahil sa kaba. Pakiramdam ko sasabog na ako sa kilig, simpleng bagay lang yung ma ginagawa niya pero sobra sobra talaga yung sayang nararamdaman ko!






"..." - siya yan! Haha! Ang cute ng conversation namin!





Magsasalita na sana ulit ako pero bigla na rin siyang nagsalita!





"Pwede naman kitang mamiss diba? Nakakamiss kang kausap Abhie." - seryosong sabi niya, pakiramdam ko sobrang pula na ng mukha ko!






"ABHIE!!" - nanlaki ang mata ko ng makita ko ang excited na mukha ni Stan! Hawak hawak niya yung kulay purple na stuff toy!






"Ah..Shane! Sandali lang ha! Tatawag ulit ako! Emergency lang!!" - sigaw ko saka pinatay ko ang tawag, shete emergency? Isinilid ko sa bulsa ko ang cellphone ko!





Tumakbo sa pwesto ko si Stan!





"Nakuha ko na! Sabi ko naman sayo! Basta para sayo makukuha ko!" - masayang sigaw niya, napatulala ako. Kinuha niya ang kamay ko at ipinahawak saakin yung stuff toy.





"Thank you!" - nahihiyang sabi ko, nakakamangha yung itsura ni Stan sobrang saya niya talaga kaya napatulala ako.





Nginitian niya lang ako yung sobrang lapad na ngiti! Hinila na niya ang kamay ko at pumunta kami sa Jollibee, batang jollibee din pala 'to. Haha.





Spaghetti, French Fries, Sundae, Burger, basta ang daming inorder ni Stan. Napanganga ako ng kumagat siya ng burger, sobrang laki kasi ng kagat niya. Kumain nalang din ako ng spaghetti.






Nakakatuwa siyang tignan, panay kasi ang ngiti niya ang creepy. O baka naman nasanay lang ako sa matipid na pagngiti ni Shane? Napailing nalang ako ng isipin ko yon.






Pagkatapos naming kumain niyaya ko ng umuwi si Stan, madilim na rin kasi. Naglalakad na kami ngayon dito sa subdivision. Hawak hawak ko pa rin yung stuff toy na bigay niya.





"Salamat Abhie." - bulong niya. Tinignan ko siya, hanggang ngayon hindi parin naaalis ang ngiti sa labi niya.





"Wala yon. Wala ka bang kasama sa inyo at wala kang kasabay mag dinner?" - pag uusisa ko.





Narinig kong ngumisi siya ng mahina.





"Mag isa lang ako." - sagot niya, napatigil ako paglalakad, tinignan ko siya medyo may lungkot na yung mata niya. Humarap siya saakin.





"Kagaya mo Abhie. Patay na rin ang mga magulang ko. Namatay sila 2 years ago dahil sa car accident, may dalawang kapatid naman ako, kaya lang may mga asawa na sila. Kaya solo na ako sa bahay, pinag aaral nalang ako ng mga Ate ko." - nakangiting bulong niya, pero kita ko sa bawat ngiti niya na may sakit siyang itinatago.





Tumingin siya sa mata ko.





"Kaya siguro ang gaan ng loob ko sayo kahit na una palang kitang nakita. Pareho kasi tayo." - sabi niya, naikwento ko na rin kasi sakanila ni Elle yung tungkol kela Papa, hindi ko naman alam na ganun din pala si Stan.





"Nung ikinuwento mo yung tungkol sa Papa at Mama mo, naramdaman ko rin yung sakit na nararamdaman mo." - seryosong sabi niya.





Lumapit ako sakanya at hinawakan ko ang balikat niya. Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko at marahan niyang pinisil iyon.





"Sobrang saya ko ngayon." - bulong niya. Nginitian ko nalang siya.





Naglakad na ulit kami, pero tahimik na, medyo naiilang nga ako kasi hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko. Pagdating namin sa tapat ng bahay namin, napatigil ako dahil nakita kong nakatayo si Shane sa tapat ng gate namin.






Napalingon siya saamin at napansin kong nakatingin siya sa kamay namin ni Stan, kinabahan ako. Mabilis kong binitawan ang kamay ni Stan!





"Shane..a-anong ginagawa mo dito?" - nauutal na tanong ko.





Nakapamulsa lang siya, tinignan niya ako sa mata. Wala nanamang emosyon ang mga mata niya.





"Wala. Akala ko kung ano ng nangyari sayo kanina. Sabi mo kasi may emergency." - malamig na sabi niya at sumakay na siya sa kotse niya, tatawagin ko pa sana siya pero umurong yung dila ko dahil sa sobrang kaba.



*****

Crush Kita Konti LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon