Kabanata 27

174K 3.9K 153
                                    

Worried

Tinitignan ko lamang sila habang lumalangoy. They're too happy kaya napapangiti na rin kami. Sa likod ng sasakyan ni Adrian kami nakaupo. Binuksan namin ito para gawing upuan.

"Balik tayo ulit dito! Grabe! Madaya!" Nai-inggit na wika ni Agatha. Tumango naman ako. Of course gusto ko din naman bumalik dito.

"I'll tell Caden." Saad ko sakanila at tinignan naman nila ako ng nakakaloko.

What?

"Kailan mo siya balak pakilala?" Natawa ako sa sinabi ni Alice. Bakit ba parang mas excited pa ang mga tao kay'sa sa akin.

They keep on asking things na sa hinahanarap pa mangyayari. I don't even know the answer.

"Ewan. Pagnakahanap na ng bwelo. I'm just looking for the right moment." Dad is somehow very strict sa amin, so I need to play with my luck.

"Siguradong iisipin ni Tito na magpapakasal ka na pag pinakilala mo siya." Natatawang saad ni Tulip. That's what I'm talking about.

Sure ako na ganon nga ang iisipin ni daddy. Napa-buntong hininga ako at lumingon sa mga lumalangoy. Napatayo ako nang makita si Caden na mabigat na ang mata. He looks so tired. Hindi ko nga minsan mapigilang maawa.

He is so independent. He lives on his own, he has his own business, he pays for himself and basically he is living on his own. That made me admire him more.

"Sandali lang.."

"Sige lang. Gawin mo na ang girlfriend duties mo." Umikot ang mata ko dahil sa sinabi ni Alice. Humagikgik pa silang tatlo.

Napailing ako at lumapit sa mga lumalangoy. Naghalukipkip ako kaya napatingin sila sa akin.

"Umahon ka na." Simple kong sabi habang nakatingin sakanya. Lahat sila ay napalingon sa pwesto niya.

Ngumiti siya dahil doon. He really enjoys stuff like this. Pinanlakihan ko siya ng mata dahil hindi siya gumagalaw. Tumango siya at sumunod.

"KJ mo, Ri!" Reklamo ni Clyde habang umaahon si Caden. Sinamaan ko siya ng tingin.

"He's tired." I traced. Naramdaman kong nasa kabilang tabi ko na si Agatha.

"He is a busy person unlike you na puro pasarap sa buhay, Clyde." Saad ni Agatha habang nakangisi. Natawa naman ang iba dahil doon.

I also laughed. Kita ko ang pamimilog ng mata ni Clyde.

"Burn!" Natatawang wika ni Uno.

Lumapit sa akin si Caden at inabot ko sakanya ang towel at sando niya, pinahawak niya ito kanina sa akin.

"Grabe Gath! If hindi lang kita kilala. Masasaktan talaga ako sa sinabi mo!" Natawa na din si Clyde.

Kami-kami lang naman ang pwedeng sumampal ng katotohanan sa isa't isa. No one has the guts to do that. As much as possible ay 'yan ang ginagawa namin. Even if it hurts.

"Thank you, Gath. Love you." Saad ko at tumango tango naman siya. Kinindatan pa ako ng Clyde na 'to.

Umiling ako at sumabay kay Caden sa paglapit sa kotse niya. Binuksan niya ang pinto ng sasakyan niya at umupo doon. Nagpunas siya habang ako ay pinapanuod lang siya. I'm still standing near his car's door.

"Ka-inggit si Agatha." Mahina niyang bulong. Kumunot naman ang noo ko at bahagyang sumandal sa pinto ng kotse niya.

Oh.. I think I get it.

MONTGOMERY 1 : Caught (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon