Chapter 5

628K 18.3K 8.7K
                                    

Chapter 5


Inaalalayan ako ng mga kaibigan ko habang naglalakad papunta sa parking. What's wrong with me? Tama ba ang nakita ko? Si Tristan Ferell nga ba ang nakita ko kanina?

But it's too impossible! Mukhang kailangan ko na namang makipag usap sa isang psychologist. Simula nang dumating ako sa Pilipinas masyado na naman akong nag iisip, ito pa naman ang mahigpit na ipinagbabawal ng aking psychologist. I shouldn't stress myself thinking too much.

Posibleng namalikmata lang ako dahil nakita ko si Lina.


"Anong nangyari sayo Florence?" nagtatakang tanong sa akin ni Camilla.


"Nothing, bigla lang akong nahilo" sagot ko sa kanya.


"Don't tell me, you're preg...nant?" nanlalaking matang tanong sa akin ni Aira. Mabilis kong hinila ang buhok niya.


"Pregnant huh? Kung hindi kaya kita papasukin sa party next week?" ang daming alam nitong si Aira.


"Excuse me? Guest ka lang rin naman Florence..wag kang feeling" sinamaan ko nga siya ng tingin


"O, magsabunutan muna kayong dalawa habang wala pa tayong sundo" sabat sa amin ni Camilla. Magsasalita pa sana ako nang mapansin na namin ang paparating na itim na starex. Haist. Tumigil ito sa harapan naming tatlo.


"Hi Ladies.." may kindat pang nalalaman si Jare sa amin.


"Naghintay ka ba ng matagal?" tanong ni Aira kay Jare.


"Not that much.." nagsisimula na kaming pumasok ng sasakyan nang may mapansin ako. Napatingin ako sa kotseng nasa likuran namin na panay ang busina.


"Kilala mo ba ang driver ng Lancer na 'yan?" tanong ni Aira kay Jare.


"Hindi..." maiksing sagot niya. Nang mas naaninaw ko ang driver ng itim na Lancer ay napababa na lang ako ng sasakyan.

I know him.


"Florence.." pakinig kong tawag ng mga kaibigan ko. Tumigil ang driver sa kakabusina sa amin, pinatay na niya ang makina ng sasakyan niya.

Nagsisimula nang magbukas ang pintuan. Akala ko ay next week pa siya dadating? Why so early?


"Ashong!"

Halos tumalon na ako sa kanya. Shit! Limang araw ko din hindi nakita ang lalaking ito. Narinig ko siyang tumawa sa salubong ko sa kanya.


"Miss me huh? Kaya ako nagmadaling umuwi" nakangisi kami ngayon sa isa't isa.


"Ehemm.." pakinig ko ang eksaheradang tikhim ng mga kaibigan ko sa likuran. Nang lumingon ako sa kanila ay nakaparada na ang starex ni Aira. Nasa labas na rin silang tatlo.



"Hindi mo ba kami ipapakilala sa fiancé mo Florence?" tanong sa akin ni Camilla na nakataas ang kilay. Napanguso ako sa sinabi ni Camilla. 

Back In His Arms Again (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon