Kabanata 28

165K 3.5K 342
                                    

Second name

"We're here"

Napatingin ako sa labas. Narating namin ang bahay niya in less than thirty minutes. It was a big modern house, medyo malaki iyon para sakanya.

Inalis ko ang seatbelt at bumaba mag-isa. Ayoko naman na alalayan niya pa ako. Hinintay ko siyang makalapit. He held my hand immediately as he got near me. Ngumiti ako dahil doon.

"Isn't this too big for you?" Tanong ko sakanya habang papasok kami ng bahay.

Nang-iinit ang sikmura ko. The mere fact I'm entering his house can make my feelings go crazy.

"This was given by my grandfather. You see.. kahit na hindi ako close sa parents ko. I'm very much loved by my grandparents. Too bad, they're not here anymore."

Liningon ko siya dahil doon. "Kahit naman wala na sila.. you're very much loved by the people around you."

Pinisil niya ang kamay ko. "I don't need them. I just need you."

Ngumiwi ako sa sinabi niya at pinalo siya sa braso. "Bolero ka talaga no."

We both laughed while we enter his house. Natigilan kami ng may matandang babaeng nagluluto sa kusina.

"Manang?" Napatingin ako kay Caden nang tawagin niya ang babae. Bigla akong nahiya.

Baka anong isipin tungkol sa akin. Marahan akong nagtago sa likod ni Caden. Liningon niya ako saglit at kumunot ang noo niya. Marahan lamang akong ngumiti.

"Evander! Nandito ka na palang bata ka. May sinama ka pa.." parang nanigas ako nang mapansin ako ng matandang babae.

"Hello po.." ayoko naman maging bastos kaya humakbang ako paharap. Ngumiti ako at mahigpit na hinawakan sa kamay si Caden.

"Napakaganda mo naman.." puri niya sa akin. Nahihiyang napangiti ako dahil doon at napatingin kay Caden.

He was also smiling at tinaasan pa niya ako ng kilay.

"Manang, this is Adrianna Grace Montgomery, siya yung nililigawan ko."

Mabilis akong napatingin kay Caden. He was just proudly smiling. My heart pounds so fast dahil doon. Nagiinit din ang pisngi ko. Tumawa naman ang babae sa sinabi ni Caden kaya lalo akong nahiya.

"Grace, this is Manang Gina, she's been with the Claveria for a very long time." Paliwanag niya kaya ngumiti ako at binalingan ang matanda pero napaawang ang labi ko nang makitang may gulat sa mata niya.

"Grace? Hindi ba 'yun yung nasa tattoo mo?"

Napakagat ako sa ilalim ng labi ko. Liningon ko si Caden kahit na nahihirapan akong tignan siya, natatakot ako na tignan siya. Kita ko ang pagkagulat sa mata niya. What's with his expression?

"Yes po. Sige manang, pasok lang ako sa kwarto. Mag papalit lang po ako ng damit." mabilis niyang sabi.

Liningon naman niya ako. "Wait here, papalit lang ako. We'll eat after."

Ang nagawa ko nalang ay tumango. Pinanuod ko siyang pumasok sa isang kwarto. Liningon ko pagkatapos si Manang Gina. Pinagpatuloy niya ang pag-luluto. Lumapit ako sakanya at pinanuod siya sa kanyang ginagawa.

Sobra ang pintig ng puso ko. May naglalaro sa aking tyan pero hindi 'yun ang mga paru-paro at bubuyog na nararamdaman ko tuwing nandyan si Caden. Hindi ko alam kung para saan ang paninikip ng puso ko.

"Grace po yung tattoo ni Caden?"

Damn. Bakit hindi ko mapigilan. Sandaling napatingin sa akin ang babae. She smiled at me. Kinakabahan ako habang hinihintay ang sagot niya.

MONTGOMERY 1 : Caught (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon