Chapter 15

1.1M 25.3K 10.4K
                                    

Warning: SPG.

--------------------------------------------------

Chapter 15

Ang Mesa

Pa BP nga, tumataas yung blood pressure ko dahil sa lakas ng pagkakahigit ni Jayden sakin.

Likod niya lang ang nakikita ko. Nakikita ko na ang mga nagtatakang expresyon ng mga pinsan kong babae. Si CJ naman ay kumaway lang habang tumatawa.

"Jayden, bitiwan mo ako!" Sabay piglas ko sa pagkakawahak niya.

Kaya lang, masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya sa wrist ko.

"JAYDEN!" Sigaw ko nang dumadaan na kami doon sa mga may nag iinuman.

Consistent parin ang higpit ng hawak niya sa kamay ko. Ganun parin kabilis ang paglalakad niya. Hindi na ako pumiglas dahil nanghihina ako. Dulot na rin siguro ng traydor na tequila. Tsaka lang ako natauhan at nabunutan ng tinik nang naaninaw ko na yung kwarto ko.

"Ano-Ano bang problema mo, Jayden!"

Hinila ko ang kamay ko. Hinila niya rin iyon at hinarap ako. Nakita kong halos umuusok na yung pisngi niya sa galit.

"What do you want me to do? Magmukmok dito sa kwarto ko while my cousins are damn here!" Hinawi ko ang buhok ko at humalukipkip.

"Sa tingin mo kinaladkad kita dito kung umupo ka lang doon at nakipagkwentuhan, Charity?" Sigaw niya pabalik sakin. "Hindi. Hahayaan kita. Pero lumapit ka sa lalaking iyon at may balak ka pa yatang dilaan yung kamay niya."

PASALAMAT KA NGA AT KAMAY LANG YUNG BALAK KO, HINDI YUNG LEEG!

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"You... You were there the whole time?" Nanliit ang mga mata ko. "Why? Bakit mo ko sinundan, Jayden?"

Natahimik siya at nag iwas ng tingin sakin. Ito ang unang pagkakataong nakita ko siyang nahihirapang sumagot sa tanong ko.

"Is it because you hate me..." Pumiyok ang boses ko.

Hindi ko maiwasan yung pagbabara ng lalamunan ko.

"You hate me kaya naghanap ka pa ng ibang rason para mas lalo mo akong kamuhian? Okay... You got what you want. Now... hayaan mo na lang ako. If you fvcking hate me... then hate all you want."

Lalagpasan ko na sana siya nang hinila niya ulit ang braso ko.

"I hate seeing you with other men, Cha!"

Tumindig ang balahibo ko sa leeg. Hindi ko maiwasang di tumingin sa kanya.

"Ano-Anong sabi mo, Jayden?"

"Ayokong nakikita kang may ibang nilalandi. You said you want me... why can't you want me alone?"

Kahit kailan, ang daya talaga ni Jayden. Alam niyang hindi ko siya kayang tiisin, lalo na paghumihirit na siya. Alam niyang siya lang talaga. Na kahit anong landi ko... siya parin yung gusto ko.

"Bakit importante sayo na ikaw lang ang magustuhan ko? You don't even like me, Jayden. What's the big deal?"

Hinawakan niya ulit yung kamay ko, pumiglas ako pero mahigpit ang pagkakahawak niya.

"Stop it, Cha." Sigaw niya sakin.

"Bitiwan mo ako!" Sigaw ko sa kanya.

Why Do You Hate Me? (To be Published under Majesty Press)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon