Chapter 19 ♥ Maeda Mora High

42.3K 459 88
                                    

Dedicated sa kanya <3 Maraming maraming salamat dear sa pagbabasa ng stories ko. Godbless always and keep inspiring!! ^3^)/

♥♥♥

Chapter 19 

"Seriously ang tagal na nating naghihintay dito ah. Sisipot ba ang kumag na yun o hindi? Gosh. Ang init! Pakiramdam ko ang lagkit lagkit ko na dahil sa pawis!" ginamit ni Clarisse ang kamay bilang pamaypay. Paikot ikot at pabalik balik syang naglalakad sa harapan ko. Kanina pa nya ginagawa yan at nahihilo na ako. 

"Sshh! Clarisse tumahimik ka nga! Baka may makarinig sayo at malaman na nandito tayo eh!"

"Pfft. I don't care. Ikaw lang naman ang alanganin dito eh. I'm sure hindi mo pa nasasabi sa mga kaibigan mo lalo na kay Jace ang tungkol dito. Poor you."

Binigyan ko sya ng masamang tingin. Sa totoo lang kanina pa sya ngawa ng ngawa rito sa tabi ko. Ngayon pinagsisihan ko na kung bakit inilagtas ko pa sya sa parusa ni Souta kahapon. Kapag talaga hindi ako nakapagtimpi, ipapalapa ko sya sa bwaya ng matahimik. 

"What?" taas kilay nyang tanong na akala mo walang naoffend sa sinabi nya. Napa-'oh' shape ang mga labi nya sabay lagay ng isang kamay sa dibdib. Binigyan nya ako ng tingin na para akong isang kaawa awang nilalang. May nalalaman pa syang pailing iling "I hit a nerve didn't I? Ano na lang kayang mangyayari kapag nalaman ni Jace na may inililihim ka sa kanya? Tsk, tsk. Ito na ba ang magiging katapusan ng ating famous Princeton Academy's loveteam?"

"Alam mo, mas mabuting tumahimik ka na lang." iritado kong sambit. Gayunpaman, maririnig ko pa lang ang pangalan ni Jace ay kinikilig na ako. Hindi pa rin kasi ako makaget-over sa lullaby na kinanta nya sa akin. 

"Ooh. Medjo naiinis?" ngisi nya sa nakikitang iritado kong mukha. Isang magandang rason na rin siguro kaya ako naiirita ay dahil sa init, sa inip ng paghihintay at syempre, sa kanya. "Sabagay, kapag naghiwalay kayo, marami ang sasaya."

"At isa ka na doon?" masungit kong tanong. Seriously? Sana dumating na si Souta dahil sa bawat minutong lumilipas, numinipis na ng numinipis ang pasensya ko sa kasama ko. Talking to her is just a waste of time. Goodness.

Nandito kami sa likod ng school tulad na rin ng sinabi ni Souta. Kanina pa kami naghihintay dito since tumunog ang bell para sa first period. Pahirapan pa nga bago ako makapunta rito dahil nanjan si Niel, Reece at syempre si Jace. Tumakas lang talaga ako hindi lang sa kanila kundi pati sa mga klase namin ngayong araw na 'to. So basically, Clarisse and I are practically skipping. 

"Of course!" walang anu't ano nyang sagot. "Sino bang hindi? Oh. Wait oo nga pala, meron." huminto sya saglit at maarteng tinakpan ang bibig gamit ang isang kamay "Ikaw." sabay tawa nya na akala mo may nakakatawa sa sinabi nya.

Souta parang awa mo na dumating ka na please. Dahil kapag hindi ako nakapagpigil, kinabukasan nasa missing list na ng pulisya ang pangalan ni Clarisse.

"Anong nangyari jan sa mukha mo? Nakipagbubugan ka na naman ba sa mga gangmates mo kaya nagkapasa ka sa pisngi?" napakunot noo ako sa sinabi nya. Pasa? Sinong may pasa?

Inilabas ko ang cellphone ko para magsalamin sa may camera app. at dito, nakita ko ang tinutukoy nya. Wala ngang kaduda duda, isa nga itong pasa. Saan ko naman kaya nakuha 'to? Tapos biglang bumalik sa isipan ko ang pagsampal sa akin ni Reece bago pumasok dito sa school kanina. Grabe ganun na ba talaga kalakas ang sampal nya para magkapasa ako ng ganito?

"Gangster na gangster ah. Pero sana sa mata na lang noh? Para nagkablack eye ka. Kapag ayun ang nangyari, gangster na gangster ka na talaga at wala na akong masasabi." 

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon