Chapter 11.1.3

29.9K 703 23
                                    

Published: September 2, 2013

So, paano... hanggang dito na lang 'to! wahahaha  chos!

********

CHAPTER 11.1.3

 

KATIE’s POV

             Shit!  That can’t be a dream!  It can’t be a dream!  Ilang beses kong inalog ang ulo ko pero hindi ako sigurado sa natatandaan ko.  Panginip lang ba talaga 'yun? Ganun na ba ako ka-desperada sa pangit na 'yun kaya kahit sa panaginip dinadala ko siya?!

            Bumaba ako sa may sala and sadly he’s not there. For sure, kasama niya si Alexa making out somewhere.  This is so frustrating!  Just the thought of him kissing that girl, really made me so jealous!  What could be worst than this huh?!    

            Naupo ako sa lumang sofa na nakaharap sa may pinto.  Oh there he is, smiling while walking towards me.  What’s with the smile?!  Napasimangot ako at parang nahuhulaan ko na.  Saan kaya sila naglampungan?  Ang lalandi!

            “Hi.”  Bati pa niya at sa totoo lang ay wala akong lakas kahit ngumiti.  Naiinis ako sa naiisip kong ginawa nila n'ung Alexa na 'yun.  “Did you wake up on the wrong side of the bed?”  Tanong pa niya at nanatili akong walang kibo.

            Naiinis talaga ako sa pag-iisip na kakagaling lang nila ni Alexa sa damuhan o kung saan man!

            “Siguro tayo naman ang dapat na mag-usap,”  Seryosong sabi pa niya sabay upo sa tabi ko.

            Hindi ko pa rin siya tinitingnan at wala ako sa mood.

            “May problema ka ba?  Parang okay ka naman kanina?”

          “Anong okay?  Paano tayo naging okay?”  Sinimangutan ko siya.

            “Hay…”  Humugot lang siya nang malalim na buntong-hininga bago hinawakan ang aking kamay at hinalik-halikan iyon. Shit!  Umalma ka bruha!  “Sorry talaga kung hindi ko sinabi sa’yo kaagad ang feelings ko.”

          “Ha?  Anong sabi mo?”  Kumunot ako at halos 'di ko siya marinig sa lakas nang pagkalampag ng puso ko. 

            “Are you okay?  Parang wala ka sa sarili?”  Kumunot siya at mataman akong tinitigan sa mukha.

            “Um, kasi,”  Shit, paano ko ba sasabihin?  “Anong sinabi mo kanina?”

          “W-what?”  Alanganin pa siyang mangiti na ewan.

            “'Di ko matandaan ang sinabi mo.” 

          “Ohh…”  Tumango siya at mukhang disappointed.  Shit!  Ano ba kasing sinabi niya?!

            “Maybe this way, you’ll remember.”  Mabilis niya akong kinabig palapit at mariing hinalikan sa labi.  OMG!  It's not a dream!  It's true!  “So, you remember?”  Malambing pa niyang sabi at agad na gumapang na naman ang kuryente sa aking katawan.

            “Ohh…”  Natulala ako at parang nalunok ko ang dila ko.

            “Naalala mo na?”  Hinaplos niya ang pisngi ko at napaawang lang ang labi ko panandali habang naghahagilap nang tamang salita.

            “Does it mean I’m not dreaming?” 

          “Not on your panties,”  Ngumisi siya at agad na nag-init ang mukha ko.

AND I LOVE YOU SOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon