Chapter 23

64.4K 1.6K 104
                                    

Premier's POV

"Kuya san lakad niyo?" Humarang sa dadaanan namin si Liclic.

"Move. We're in a hurry."

"Asus. Late na kayo sa date niyo no?" Nilagpasan niya ko at nilapitan si Ces. "Nako Ces, san ba date niyo? Ikaw na lang ang mag-kwento sakin dahil yang su kuya never nag-share no. So san date niyo?"

"Angelique naman. Ako makikipag-date diyan sa kuya mong konti lang ang kagwapuhan? Patayin mo na lang kaya ako?"

"Ay grabe ka naman Ces. Gwapo kaya yang si kuya. Yun nga lang hindi gwapo ang kanyang ugali. Haha. Tsaka parehas pa talaga kayong denial ha? Sabihin niyo na kase." Nakangusong sabi ni Liclic.

"Tigilan mo na kami Liclic." I interrupted. "Let's go Ces." Hinatak ko siya pero hindi ko namalayan na kamay niya pala ang nahawakan ko.

"Ay sus sila kuya holding hands o! Kinikilig naman daw akooo!"

Hindi ko na lang siya pinansin at naglakad na paalis.

"Pasensiya ka na sa kapatid ko Ces." I apologized.

"Okay lang no. Nakakatuwa nga sila e. Ang kukulit."

"Nakakatuwa talaga sila sa umpisa but let's wait kung hanggang kailan."

"Okay nga lang Homme." She said. "San ba tayo pupunta?"

"Somewhere." I answered.

***

"Seriously?! Anong ginagawa natin dito?!"

"Shhh.." Tinakpan ko ang bibig niya.

"Ajisjsskaosgsjwjbsksks-"

"Promise me you'll keep quiet when I remove my hands." Tumango siya.

"ANO BA KASENG GINAGAWA-"

"One more word Ces." Sabi ko na nagpatahimik sa kanya. "Kailangan nating magbago ng itsura."

"Wait. Napapanood ko to a! Yung nagbabago sila ng istura dahil sa mission! Waaaaah! Magu-undercover ba tayo? Makikipagbarilan din tayo? Tapos makikipagbakbakan?" Excited na tanong niya.

"Yes. Pero hindi kagaya ng mga napapanuod mo. You are not allowed to hold a gun. No weapons will be given to you."

"What?! How can I defend myself? Pwe! Ano ba yan nagagaya na ko kaka-english mo ha!" Napangiti ako. "Nginingiti-ngiti mo diyan ha? Siguro may plano ka no? Ah alam ko na! Alam mo sigurong delikado yung pupuntahan natin kaya ayaw mo kong pagdalin ng baril para-"

"Don't stress yourself too much. You're not allowed to use a gun because I will be the one to protect you."

***

"Ano ba yan Homme! Ang kati-kati naman nito! Pwede namang wala tayong make-up a."

"Hindi pwede. They can recognize your face." I can't risk that.

"Tsk! Osiya oo na! Ano bang gagawin ko ng matapos na to?"

"We'll dine near their table. Magbabantay tayo from our place then if perfect timing will be given to us, bubungguin mo siya and you need to place this small chip on him." I gave her a small chip.

"Ano to?"

"That's a recorder. Kapag nailagay mo yan sa kanya, we can hear them."

"Wow! Talaga? Game na game!"

"Are you ready?" I asked her. Inayos ko ang wig niya. Nagulat naman siya sa ginawa ko. "Sorry. Ayoko lang makilala ka nila."

She nodded. "Pumunta siyang cr Homme."

"Good. Wait for him outsidem make sure na mababangga mo siya at mailalagay yan."

"Okay. Kinakabahan ako-"

I held her hand. "Don't be. I can see you from here." She smiled at naglakad na papunta sa labas ng comfort room.

Bumukas na ang pintuan at lumabas na si Miguel. Siya ang leader ng grupong nakita ni Ces noon na pumatay sa isang ka-meeting nito. He own chains of toy business around the world but I believe na hindi lang ito ang negosyo niya. I need to know more about it.

They bumped into each other. Napaupo si Ces sa floor and Miguel offered his hand. She winked at me kaya paniguradong mission accomplished siya.

***

"Grabe Homme! Ginutom naman talaga ko sa pinagawa-"

"Don't talk when your mouth is full. Please act like a lady woman." Paalala ko.

"Eto namangsjsosoo.. marunong naman ako nun. Kaya lang iba siyempre ang kainan no. Ang sarap-sarap kumain e. Tikman mo to." Sinusubo niya sakin yung cake.

"I don't want."

"Ba yan parang bata naman-"

"Quiet please."

"Osige tatahimik ako kapag sinubo mo to." Naka-pout na sabi niya.

"Ang kulit mo talaga. Tsk. Ah." Sinubo ko na yung cake dahil paniguradong hindi naman ako titigilan nito.

"Oo naman kumpadre.." May nagsalita na mula sa headset na gamit namin. Connected ito sa micro chip na nakadikit kay Miguel.

"Ayoko ng problema Miguel." Sabi ng kausap niya.

"Pinapangako kong malinis ang lahat. Maisasagawa ng maayos ang plano kay Dawson."

"Fvck. May pinaplano sila kay daddy."

"Hala! Dapat paalalahanan mo ang daddy mo na wag lalabas ng-"

"I can't do that Ces. Hindi pwedeng malaman ni daddy ang ginagawa ko dahil siguradong magagalit yun." I said.

"Edi tayo na lang. Team Cemier laban sa kanila!"

"We need to make a plan first. Umalis na yung kasama niya. Tara sundan natin."

"Eh teka lang naiihi ako!" Nagtatakbo na siya papuntang CR pero hindi niya napansin si Miguel na paalis na din.

Nagkabanggaan ulit sila. But this time, for REAL na.

Malakas ang pagkakaupo ni Ces kaya naaalis yung wig na suot niya.

"Dito lang pala kita matatagpuan." Rinig kong sabi ni Miguel bago niya biglang hinatak si Ces sa fire exit.

Wait for me Ces.

***

Good Afternoon loves! ❤❤❤

Wait niyo po ang chapter 27 for the biggest revelation ever. Mwamwa! 💋

MARRIED TO A MAFIA BOSS Book 3 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon