Ikalimang Kabanata

2.2K 113 67
                                    



Park Chanyeol.

"Hyung, tara na umuwi na tayo. May pasok ka pa sa opisina bukas," napatingin ako sa nagsalita at nakita ko ang mukha ni Kai. Anong ginagawa niya dito sa China? Ang alam ko nasa Pilipinas silang lahat ah.

"Iwan mo na ako dito, Kai! At alam kong may pasok ako bukas!" Medyo nawalan siya ng balanse dahil sa biglaang pagtabig ko ng kamay niya sa braso ko.

Pagtapos akong takbuhan ni Baekhyun sa playground kanina ay dumiretso na ako dito sa bar na palagi kong tinatambayan. Naiinis ako sa sarili ko. Inaamin kong nagdilim iyong paningin ko kanina kaya ko nagawa iyon pero fuck! Sobrang sakit makita sa mga mata ng sarili kong asawa iyong takot na baka may gawin ulit akong masama sa kanya. Sa sobrang pagkamuhi ko sa sarili ko ay hindi ko na nagawang sundan si Baekhyun dahil alam kong itataboy niya lang ako palayo. Hindi na ako magtataka kung isang araw ay bigla na lang niya akong sukuan. I'm being too much of a jerk, idiot, and asshole towards him since the day of our wedding. Hindi ko rin alam kung bakit hindi ko mapatawad si Baekhyun. Oo, naiintindihan ko na ginawa niya lang iyon dahil para rin sa kapakanan naming dalawa at ng kumpanya ng pamilya ko, pero ewan! I loathe myself so much!

"Pero hyung, naghihintay si Baekhyun hyung sa bahay niyo kanina pa," bigla namang nanlambot iyong ekspresyon ko sa mukha dahil sa simpleng pagkabigkas ng pangalan ng asawa ko. Naghihintay pa nga ba siya sa pag-uwi ko o iniwan niya na ako dahil sa ginawa ko kanina? The latter made my heart ache so much. Hindi ko kakayanin kapag iniwan ako ng asawa ko.

"Wala akong pakielam sa kanya! Umalis ka na rito!" Pero iyong mga lumalabas sa bibig ko ay kabaligtaran ng nararamdaman ko. Must be my pride eating me up. Ayaw kong malaman nila na muntik ko ng malagutan ng hininga kanina ang asawa ko. Pero hindi ako nilubayan ni Kai at naupo lang siya sa tabi ko habang paikot-ikot iyong mata niya sa loob ng bar. "Bakit ka nandito, Kai? Akala ko ba nasa Pilipinas kayong lahat?" Mabilis naman naging mapakla ang mukha ko dahil sa biglaang pag-guhit ng alak sa lalamunan ko.

"Wala lang. Gusto lang sana namin kayo kamustahin ni Baekhyun hyung. Pero mukhang magtatagal pa ang pamamalagi namin dito sa China dahil sa nakikita ko ngayon," nagtataka ko siyang tinignan habang sinandal naman niya ang ulo niya sa upuan at ipinatong ang isang paa niya sa hita niya."Chanyeol hyung, wala na ba talagang pag-asa?"

Mabilis kong nilagok iyong isang baso ng Martini at naramdaman kong mas umikot na iyong paningin ko dahil sa sobrang kalasingan. Sino ba namang hindi? Kaninang tanghali pa ata ako umiinom dito. Kahit hindi pa opening ng bar, tinanggap nila ako dahil regular customer na nila ako rito. "Hindi ko alam," sinabunutan ko ang sarili ko dahil gustong-gusto ko ng makipag-ayos kay Baekhyun pero may kung anong pumipigil sa akin kapag sinusubukan kong makipag-usap ng mahinahon sa kanya.

"Chanyeol hyung. . ." Mataman kong tinignan si Kai na ngayo'y nakikipaglabanan ng matapang na tingin sa akin. "Sumosobra ka na ata. Noong una naiintindihan ka namin bakit ka ganyan, pero talaga? Nakayanan mong pagbuhatan ng kamay si Baekhyun hyung?"

Napaiwas ako ng tingin at muling ininom iyong hawak kong panibagong baso ng Martini. "P-Paano mo nalaman?"

"Hindi na mahalaga kung paano namin nalaman iyon, hyung. Ang gusto lang naming ma-realize mo ay hindi habangbuhay na magpapakatatag si Baekhyun hyung para sayo. Dadating ang araw, iiwan ka rin niya kung hindi mo aayusin ang sarili mo," hindi ko na napigilan ang sarili ko at naibato ko na iyonh hawak kong baso sa pader. Sobrang pagkainis ang nararamdaman ko ngayon. Una, dahil sa nagi-guilty ako sa ginawa ko. Pangalawa, hindi malayong mangyari yung sinabi ni Kai. Pangatlo, dahil isa akong walang awang asawa. I'm merciless, hopeless, and heartless. Ako na ata iyong pinakamasamang tao na nabuhay sa mundo.

"H-Hindi ko na alam ang gagawin ko," pero imbis na makarinig ng sagot mula sa kanya ay tinapik niya na lang ako sa balikat at iniwang nakatulala sa kawalan. Malapit na ngang mawala sa akin si Baekhyun, pati ba naman mga kaibigan ko? Ano bang nangyayari sa akin?Iinumin ko na sana iyong huling baso ng Martini nang bigla akong tumalsik sa sahig dahil sa isang napakalakas na suntok. Naramdaman ko iyong pagdugo ng ilong ko at kaunti na lang ay mukhang hihimatayin na ako dahil sa sobrang pagkahilo.

Hindi ko maaninag iyong mukha ng sumuntok sa akin pero nakilala ko siya dahil sa galit at baritono niyang boses habang hinihila ang kwelyo ng suot kong damit. "Fuck you! You fucking tried to choke him to death! I'm gonna make your death happen tonight!"

Hindi na ako nanlaban kay Daehyun at hinayaan ko na lang siyang paulanan ako ng suntok. Deserve ko naman ito eh. Pakiramdam ko namamanhid na ang mukha ko kaya hindi na ako nakakaramdam ng sakit dahil sa pagsuntok niya. Hindi rin siya maawat ng mga bouncers ng club na ito dahil ako na mismo ang nagsabi sa kanila na 'wag siyang pigilan. Siguro nga deserve ko na rin na malagutan ng hininga ngayon. Kahit na nanlalabo na iyong paningin ko, kitang-kita ko kung paano binabalot ng sarili kong dugo iyong kamao ni Daehyun na pinangsusutok niya sa akin.

"Fucking! Why aren't you dead yet?! Ganito ba talaga ang mga masasamang damo?! Mahirap mapatay?!" Isang sipa sa tiyan ko ang ginawa niya dahilan para mapasuka ako ng dugo ng wala sa oras. Napaaray na lang ako nang maramdaman ko iyong sakit at namimilipit akong nanatiling nakahiga sa lapag. Bugbog-sarado na ako ngayon. "That's for fucking hurting Baekhyun to pits! Kulang pa iyan, Chanyeol! I really want you to be a dead corpse right now!"

Akmang sisipain niya ulit ako sa tiyan nang biglang may humila sa kanya palayo sa akin dahilan para bumagsak silang dalawa sa lapag. Hindi ko na makita ng ayos kung sino iyong dumating dahil nararamdaman kong sumasara na iyong talukap ng mata ko hindi dahil sa sobrang pagkalasing o sakit ng katawan pero namamaga na iyon dahil sa dami ng suntok na binigay sa akin ni Daehyun.

"Oh my, Chanyeol!" Naramdaman kong tumulo na ang mga luha sa mata ko at impit akong napaaray nang dumampi iyon sa mga sugat ko. I am being held by my husband right now. Mahigpit niya akong niyayakap ngayon habang nakasiksik ang sugatan kong mukha sa dibdib niya. "C-Chanyeol. . ."

"I-I'm sorry," ang tanging sambit ko ng magtama ang tingin naming dalawa, parehas na kaming umiiyak ngayon pero mas malala iyong iyak ni Baekhyun sa akin dahil siguro natatakot na siya sa kalagayan ko ngayon, I can feel him shaking so bad. "S-Sorry."

"Nakakainis ka! Bakit hindi mo man lang nilabanan si Daehyun!" Napasubsob na naman iyong mukha ko dahil sa biglaang paghila sa akin ni Baekhyun. I married the right person but he married the wrong person.

"I-I deserve this."

"No! You don't!" Napangiti na lang ako ng mapakla at pinilit na ibalik iyong yakap niya sa akin. Sobrang bait talaga ni Baekhyun. Kahit anong tulak ko ay hindi siya lumalayo sa akin, sana lang kayanin niya pa hanggang sa dumating iyong araw na maibalik ko na sa dati ang sarili ko. "And for you, Daehyun!" Pumikit na lang ako at nagmistulang parang bata na nagsu-sumamo kay Baekhyun, pagod na pagod na kasi iyong katawan ko. Hindi ko ramdam iyong sakit pero ramdam ko iyong paghina ng katawan ko. "Who gave you the permission to hurt my husband up to this extent?!"

"P-Pero ginawa ko lang iyong alam kong tama! Ipinaghiganti lang kita!"

"I don't demand to get even with my husband! Damn! Daehyun! I appreciated what you did but you almost killed my husband!" Hinawakan ko ng mahigpit iyong kamay ni Baekhyun dahil bumalik na naman iyong panginginig ng katawan niya but this time, dahil sa galit.

"He almost killed you, too! Kailan mo ba mare-realize na hindi mo deserve si Chanyeol?!"

"I don't fucking care if all of you think that I don't deserve him! He's the love of my life! I promised to be with him through thickness and thin! Si Chanyeol lang, despite of how he treats me!" Medyo pumiyok na rin si Baekhyun doon sa huling sinabi niya at mas lalo akong nakaramdam ng guilt noong binanggit niya iyong paraan ng pagtrato ko sa kanya.

"I'm outta here!"

-

-

Naramdaman ko na lang na umaangat ang katawan ko mula sa pagkakahawak ni Baekhyun. Pagtingin ko ay may isang bodyguard na kasama ni Baekhyun ang may bitbit sa akin habang nakasunod si Baekhyun sa amin. "Chanyeol, 'wag kang matutulog. Dadalhin ka namin sa ospital," naunang pumasok si Baekhyun sa back seat at iginiya ako ng bodyguard sa hita niya para makahiga ako. Nakapikit lang ako at malalim ang paghinga habang nararamdaman kong hinahaplos ni Baekhyun yung buhok ko.

"Baekhyun. . ." Parang gusto ko na lang pumikit muli nang makita ko iyong takot na ekspresyon sa mga mata ni Baekhyun. Bumalik na naman iyong mga takot sa mata niya na baka saktan ko siya ulit. Tangina.

"B-Bakit?"

"Salamat," at tuluyan ng pumikit iyong talukap ng mata ko dahil sa sobrang pagod.

[COMPLETED] Untouchable BTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon