Chapter 78

300K 8.1K 186
                                    

Chapter 78

With you

Paalis na sina Mommy at Daddy ngayong araw. At ngayon, wala silang tigil kakabilin sa amin ni Apxfel.

"Sige na, anak. Aalis na kami ng Daddy mo ha? I'll contact you as much as I can." sabi ni Mommy sa akin. Ngayon naman ay kay Apxfel siya bumaling. "Christan, take care of our daughter, okay?"

"Opo, tita." sagot ni Apxfel.

Hindi na namin hinatid sila Mommy dahil ayaw nila. Mag pahinga na lang daw ako at baka mapagod pa ako sa byahe.

I saw Apxfel smirked after my parents left.

Binato ko siya agad nung unan na nakalagay doon sa couch.

"Tigilan mo ako." sabi ko habang natatawa.

Yung tingin niya kasi parang abnormal, e. Alam mo 'yun? Parang may balak!

"Joke lang! Grabe ka." aniya.

Pareho na kaming nagtatawanan nang bigla kong naalala na lunes ngayon. First day na ng klase sa Chandford.

"Anong oras ang pasok mo?" tanong ko sa kanya.

"Ang sabi nila Tita, kailangan kita bantayan 24/7! Meaning, nasa tabi mo lang dapat ako lagi." giit niya.

"Apxfel, hindi pwede. Saglit lang naman ang klase mo diba? Hindi naman ako mapapano."

"Ako ang mapapano pag iniwan kita dito. At saka, baka bugbugin pa ako ni Tito pag iniwan kita." saad niya habang  hawak yung picture ni Daddy na naka patong sa table.

Kinuha ko iyon at binalik doon sa table.

"Ako ang bubugbog sayo pag hindi ka pumasok."

Natawa naman siya. Ako hindi, dahil medyo seryoso ako. Hindi pwedeng hindi siya papasok!

"Abigail. Hindi nga kita pwedeng iwanan. Ayaw ko."

"Apxfel.. okay lang ako. Ilang oras lang naman 'yun. Wag ka ng makulit, please."

Tumahimik siya at para bang saglit na nag isip.

"Okay, sige. Pero tatawagan kita pag ka tapos ng bawat klase ko. I te-text din kita." Sabi nito.

Napa ngiti naman ako. He's really my protector at all times. Kahit minsan over acting na siya.

"Okay." Sagot ko sa kanya.

"And make sure that your phone is always close to you. Kasi pag hindi mo nasagot ang tawag ko o pag hindi mo ako na replayan, mag aalala ako at uuwi agad ako dito. Okay?"

Tumango ako.

Hindi naman siya dapat masyadong mag alala.

Pag alis ni Apxfel, na bored ako agad. Kaya naman nanuod na lang ako ng tv.

Habang nanunuod ako, bigla na lang akong nakaramdam ng kirot sa dibdib ko.

Tumayo ako para kumuha ng tubig. Ang sakit. Bakit ang sakit nanaman? Kakainom ko lang ng gamot kanina.

Malapit na ako sa kusina pero hindi ko na kinaya kaya naman napa upo na lang ako sa may sahig.

Dumating si Manang at agad akong inalalayan patayo.

"Ma'am! Okay lang po ba kayo?!" Tanong ni Manang. Dama ko sa tono niya na nag aalala siya.

"Okay lang po ako, manang. Pahingi na lang po ako ng tubig." Sagot ko dito.

Nang maka inom ako ng tubig, medyo guminhawa naman kahit papaano ang pakiramdam ko.

Humiga na lang ako sa kama. Kailangan ko lang siguro ng pahinga.

Destined with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon