19

44K 972 50
                                    





Chapter 19



ABHIE'S P.O.V




"ANONG GINAGAWA NIYO?" Napatingin kami ni Shane sa may pintuan.




"Stan??" Pagtataka ko.




Kasunod niya si Elle at Syril.




"Oh my ghad!!" Magkasabay na sigaw ni Sy at Elle. Binitawan ko ang kamay ni Shane.




"A-anong ginagawa niyo dito?!" Tanong ko sakanila!





"Kami dapat ang nagtatanong niyan?! Bakit kayo nandito sa kwarto mo ha Abhie?! Pinapunta ako ni Tita Marie dito dahil wala ka daw kasama!!" Sigaw ni Syril!





"Psh." Narinig ko ang pagka irita ni Shane, naglakad siya papunta sa pinto ng kwarto ko at lumabas, pumasok naman si Sy at Elle, pero si Stan nakatayo pa rin sa may pintuan.





"Abhie umamin ka!" Sigaw ni Elle! Tinignan ko sila ng masama, itinuro ko yung glow in the dark na stars.





"Ang dudumi ng isip niyo! Nilagyan lang namin ni Shane ng glow in the dark na stars yung kisame ng kwarto ko!" Sigaw ko sakanila! Tumingala naman sila at sinuri nila yung mga stars.





"Kaya pala magkaholding hands kayo." Pang aasar ni Syril saakin.





Pinandilatan ko siya ng mata at lumabas na rin ako ng kwarto ko at bumaba, nakita kong nakaupo na ulit si Shane sa couch, umupo ako sa tabi niya.




"Istorbo." Bulong niya, napangiti naman ako.



Dumating naman si Stan at nagulat ako ng magsumiksik siya sa gitna namin ni Shane!





"A-aray!! Ano ba Stan?!!" Sigaw ko!





"Gusto ko rin maupo Abhie." Nakangising sabi ni Stan.



Hinila naman ako ni Syril.




"Ang daming upuan! Abhie dito ka maupo!" Sigaw ni Syril saka pinaupo ako sa maliit na couch.





"So! Tutal naman kumpleto tayo, bakit hindi tayo magmovie marathon?!" Suhestiyon ni Elle.




"Ano namang panonoorin natin?" Tanong namin ni Syril.



"Kahit ano!" Sigaw ni Elle saka naghanap siya sa cd rack, nye eh puro luma naman ang palabas dun!





"Hmm.. What about this?" Tinaas ni Elle yung A walk to remember na cd.





"Duh.. I know maganda yan, pero nakakasawa na." Bored na sabi ni Syril.





"Wala ng bago dito eh.." Bulong ni Elle.





"Eh kung manood nalang tayo ng sine?!!" Excited na sigaw ni Syril!




Nagkatinginan kami ni Shane.




"My treat." Walang ganang sabi ni Shane, hahaha wala nanaman siya emosyon.





"No dude, my treat!" Bawi ni Stan!




"Hindi pare--"





"Hep!! Sige Shane ikaw sa sine, ikaw naman Stan sa pagkain!" Sigaw ni Syril.





"Call!" Nakangiting sabi ni Shane, ayan.






"So tara?!"





"Huy teka lang! Maliligo muna ako!" Sigaw ko sakanila, tumawa naman si Elle at pinagtulakan na ako paakyat sa kwarto ko.





•••





Nandito na kami ngayon sa mall, hindi pala kasama ni Shane ang driver niya kaya nagcommute lang siya papunta sa bahay, nakakatuwa.





Showing parin yung Bakit Hindi Ka Crush ng Crus Mo. Yun kasi ang gusto panoorin ni Syril.





Nakapila na si Shane sa bilihan ng ticket, napapangiti ako dahil naalala ko kung paano kami unang nagkakilala. Napalingon siya sa pwesto ko, kung dati amg sungit ng tingin niya saakin, ngayon naman nakangiti siya saakin, yung puso ko ang bilis nanaman ng pagtibok.





Maya maya lang lumapit na siya saamin ni Elle, wala si Syril at Stan bumibili ng pagkain. Nagulat ako ng hilahin ni Elle yung cinema card kay Shane at binigay saakin yung dalawa.





"Pumasok na kayo sa loob hangga't wala pa sila Stan!!" Sigaw ni Elle saka pinagtutulakan kami ni Shane!




Narinig kong ngumisi si Shane kaya napatawa na rin ako, hinila ni Shane ang kamay ko at nagmadali kaming pumasok ng sinehan.




Sa gitna kami pumwesto, kasisimula simula palang nung palabas, tawanan na ng tawanan yung mga nanonood.





Pero hindi ako makaconcentrate sa tawa ni Shane, kasi naman unti unti na talaga yung pagbabago niya kahit minsan nagsusungit pa rin siya.





Tinignan ko siya, tawa siya ng tawa kay Kim Chui. Napalingon siya saakin.





"Hindi ka ba nag eenjoy?" Tanong niya, umiling ako.





"Nag eenjoy ano ka ba." Natatawang sabi ko sakanya, nag eenjoy akong panoorin siya.





Natigilan ako ng pitikin nanaman niya ang noo ko.





"Shane.." Pasigaw na bulong ko!




"Hmm?" Sagot niya saakin tapos binalik na niya ulit yung tingin sa big screen.





"ABHIE!!" Nagulat ako ng may sumigaw! Boses ni Stan yon!





"Hoy Abhie lumabas ka jan!"




"Stan!! Manahimik ka nga!!" Boses ni Syril at Elle yon.




"Sorry po! Sorry po!" Paumanhin nila Elle.




Narinig kong tumawa si Shane, pero natigilan ako ng magsalita siya.




"Mabaliw siya kahahanap sayo, hindi kita ibibigay sakanya."

****

Crush Kita Konti LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon