Chapter 26

301K 2.9K 320
                                    

Chapter 26


KYLE'S P.O.V

"Hahaha! Sinasabi mo bang may kakambal si Kei?" Natatawang tanong sa akin ni Felix. Binato ko naman siya ng papel na hawak ko. Sira 'tong tomboy na 'to. Psh.

"Baliw. Kambal ka jan. Nag-iisa lang si Kei." Sabi ko saka tinalikuran ko na siya. Minsan talaga walang kwenta kausap 'tong tibo na 'to eh.

Sumunod naman siya sa office ko pagkasabi niya sa mga model na break muna.

"Biro lang Kyle. Sabi mo kasi hindi siya si Kei." Nakangiting sabi niya at umupo siya sa tapat ng lamesa ko.

"Siya si Kei. Basta." Naiinis na sabi ko. Ang gulo.

Napansin ko rin na hindi na ako tinatawag ni Kei sa pangalan ko. Takte, nami-miss ko na yung pagtawag niya sa akin ng 'Kyle'. Malambing yung boses niya sa tuwing tatawagin niya ako.

"Lunch muna tayo!" Aniya.

Tumayo na kami at lumabas muna kami ng studio. Napag-usapan namin na sa mall mag-lunch para maiba naman. Tinatawagan ko pa rin si Kei pero patay yung cellphone niya.
"Anong sa'yo, Kyle?" Tanong ni Felix.

"Kahit ano, tibo!" Pang-aasar ko.

"Lul! Hindi ako tomboy." Naiiritang sabi niya. Tinawanan ko lang siya.

Tumalikod na muna ako para tawagan nang tawagan ang patay na cellphone ng girlfriend kong malabo. Aish.

Napakunot ang noo ko nang makita ko siyang naglalakad habang tulak-tulak ang isang cart, may laman na kahon 'yon.

Mabilis akong lumapit sa kanya at hinila ko siya sa braso niya.

*

KEI'S P.O.V

Napalingon ako nang biglang may humila sa akin at nanlaki ang mata ko nang makita ko si Kyle.

"What are you doing here?" Nakakunot noong tanong niya.

"K-Kyle..." Nauutal na bulong ko. Kita ko sa mukha niya ang pagka-inis.

Sobrang seryoso ng mukha niya at nakatiim ang panga niya. Hinila niya yung push cart ko na may lamang electric fan. Kasabay non ang paghila niya sa kamay ko. Pumasok kami sa isang restaurant. Nakita ko pa si Felix na nakapila sa may cashier. Nginitian ako nito.

Padabog niyang hinila ang isang upuan at kahit maingat niya akong pinaupo ramdam kong galit siya sa akin.

Tumabi siya sa akin at pilit niya akong iniharap sa kanya.

"Now, sabihin mo sa akin kung ano bang nangyayari sa'yo? Naligo lang ako kanina sa unit ko, pagbalik ko sa unit mo wala ka na." Sermon niya sa akin. Tinignan ko lang ang gwapong mukha niya.

Natauhan ako nang tawagin niya ako.

"Kei!" Napalunok ako. Si Marie ang tinutukoy niya na umalis.

Hindi sila dapat mag-away.

"Ah... I'm sorry, Kyle." Bulong ko.

"Damn. Hindi mo ba alam kung gano ko na-miss ang pagtawag mo sa pangalan ko?" Naiinis na sigaw niya. Niyakap niya ako at isinubsob niya ang ulo ko sa balikat niya.

Na-miss ko 'to. Na-miss ko ang yakap niya. Biglang tumulo yung luha ko. Pagdating kay Kyle ang babaw ng luha ko. Napansin niya yatang humikbi ako kaya dahan-dahan niya akong nilayo sa kanya.

Tinignan niyang mabuti ang mukha ko.

"Hey, bakit ka umiiyak?" Pabulong na tanong niya. Umiling-iling ako. Pinunasan niya ang luha ko.

"Baby, aish, sorry. Sorry kung nasigawan kita. Promise hindi na mauulit." Natatarantang sabi niya at sunod-sunod na pinunasan ang luha ko gamit ang thumb niya.

"A-ayaw tumigil." Humihikbing sabi ko.

Nagulat ako nang itaas niya ang laylayan ng T-shirt niya at ipinahid yon sa mukha ko.

"Kyle..." Suway ko sa kanya dahil pinagtitinginan kami ng mga tao.

"Wa-wala akong panyo baby." Bulong niya.

"Ihh. Makikita nila yung abs mo." Shit, kung ano anong sinasabi ko. Narinig kong tumawa siya ng mahina. Ibinaba niya ang T-shirt niya. Basa na 'yon dahil sa luha ko. Inilapit niya lalo ako sa kanya at hinalikan niya ang labi ko, kagaya ng dati, binasa niya lang ito.

"Okay, baby. Ikaw lang ang makakakita nito." Bulong niya at napasinghap ako nang ipasok niya ang kamay ko sa loob ng T-shirt niya. Ang tigas ng abs niya.

"Kyle naman." Miss na miss ko na talaga siya. Gusto ko ng sabihin sa kanya ang totoo pero natatakot ako.

Ngumisi siya at tinignan ako sa mata. Nilalamon na naman ako ng mga titig niya sa akin.

"Hindi ko alam baby, pero bakit na-miss kita?" Bulong niya nang hindi inaalis ang tingin sa mga mata ko. Ako rin Kyle, ako rin na-miss kita.

Niyakap niya ulit ako ng sobrang higpit, wala akong pakialam kahit pagtinginan kami dito sa restaurant.

"You are my Kei." Bulong niya. Ipinikit ko ang mata ko, sana nga Kyle. Sana nga ako na lang yung totoong Kei.

Yung malakas na pagtibok ng puso niya, na-miss kong marinig ang mga 'yon.

"I love you..." Bulong niya. Gumanti ako ng yakap sa kanya, yung sobrang higpit na yakap.

"Ehem!PDA lang? Hahaha!" Humiwalay ako kay Kyle nang marinig ko ang boses ni Felix. Inaayos na niya ngayon yung pagkain nilang dalawa ni Kyle.

"Istorbo ka talagang tomboy ka. Namiss ko lang siya." Naiiritang sabi ni Kyle.

"Tangina naman, hindi ako tomboy. Saka ano?! Na-miss? Magkasama lang kayo kagabi ah!" Ganti ni Felix.

"Hindi ba? Mukha ka kasing tomboy! Kahit palagi ko siyang kasama nami-miss ko pa rin siya. Di ba, baby?" Natatawang sabi ni Kyle. Umiling na lang si Felix.

Hinila ni Kyle yung pagkain niya, dun ko lang napansin na nagpa-extra rice si Felix.
"Para kay Kei yung isa ha!" Sigaw ni Felix.

"Alam ko." Sagot ni Kyle. Inilayo niya yung isang plato.

"Bakit mo nilayo kay Kei yung plato?!" Sigaw ni Felix sa kanya.

"H'wag kang makialam. Susubuan ko na lang, na-miss ko 'tong baby ko." Sabi ni Kyle habang nire-ready yung pagkain namin.

"Ang corny mo talaga! Mahiya ka naman!" Natatawang sabi ni Felix.

Akin Ka [Published under Sizzle/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon