Chapter 10

32.7K 955 51
                                    

SULLI'S

"Ang saya!"

Napangiti ako kay Sydney nang mabuksan ko na ang pinto. Kaagad siyang pumasok habang kumakandirit, dala-dala ang isang malaking stuff toy na binili ko nang maggala kami.

Pumasok na rin ako, bitbit ko naman ang mga pagkaing pinabili niya at mga bagong laruan. Isinara ko ang pinto bago ipinatong ang mga ito sa center table at pagod na humilata sa couch ni September.

Lumapit naman sa akin si Sydney, binitawan niya ang stuff toy at humiga sa ibabaw ko. I just caressed her hair and smiled as I closed my eyes. "Did you enjoy our trip?"

"Yes po." Masayang tugon ng bata ngunit bakas na ang pagod sa boses nito.

Nagmulat ako ng mata at binuhat na siya, kaagad naman siyang yumapos sa leeg ko at humalik sa aking pisngi bago tuluyang pumikit. "I love you, Momma."

Napangiti ako sa sinabi niya sa'kin. I don't know why but I feel happy because of it. Feeling ko anak ko na talaga siya. I was sure I never wanted a kid, but maybe this child was an exception."I love you, too."

Mas humigpit ang pagyakap niya habang ako naman ay naglalakad na papunta sa kwarto para makapag-ayos na siya.

Pagkarating ay pinaghilamos at sepilyo ko muna siya. Kumuha na ako ng pajama niya at binihisan siya nang matapos. Mabuti na lang nasabi na sa akin ni September kung saan ang mga gamit ng bata maging yung mga pwede kong i-check dito sa unit niya. Inalalayan ko siya papunta sa bed niya and I tucked her in with her bedsheet na sky blue ang kulay.

Inaantok na ngumiti siya as she snuggled on me, her head on my chest. "Momma."

"Hm?" I hummed.

"Dito ka na po matulog, ah." I felt her yawned softly. "Sa room po ni Mom."

But — I sighed. Gusto ko sanang kumontra kaso ayokong sirain ang araw niya. Masyado siyang masaya, eh. Sa couch na lang siguro ako. "Okay, baby. I'll just wait for your Mom, then."

She nodded. There's a small lazy smile on her lips. "Good night po."

I kissed the top of her head and I snuggled closer to her. Nakahiga na talaga ako sa bed niya. "Sweet dreams, hun."

Marahan kong hinahagod ang likod niya para mas lumalim ang tulog nito. I never thought that I'll be doing this, taking care of a child.

Lumaki ako na mag-isa. Nag-iisang anak lang ako at ang maging anak at successor ng isang malaking kumpanya ng aking mga magulang ay isang mabigat na responsibilidad.

I was forced to be mature at a very young age. Hindi ko naranasang mag-enjoy kasama ng ibang mga bata, o ang mag-aral sa isang eskuwelahan, because I went to school with kids like me who were born with a golden spoon in their mouths trained to be like our parents. We were always monitored and our education was very hard.

Kaya nang dumating sa buhay namin si Jay ─ my adoptive brother ─ pakiramdam ko ay nabuo yung isang parte ng pagkatao ko, hanggang sa...nagustuhan ko siya nang higit pa sa kapatid.

It's been a long time since I thought of him.

Napailing ako at inalis 'yon sa isipan ko. Dahan-dahan akong umalis ng kama upang hindi magising si Sydney na malalim na ang pagkakahimbing.

I kissed her forehead one last time before I went to the door. Bahagya pa akong nagulat dahil nasa harap ko na si September at maging siya ay mukhang nabigla rin.

"Y-you're still here." mahinang sabi niya. "Si Syd?"

"She's already sleeping." Sagot ko lang at pinapasok siya sa loob.

Most Wanted [To Be Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon