Before the wedding

6.6K 207 31
                                    

Photoshoot and video coverage  ng kasal ni Dean. Dalawa lang sila sa kwarto at ang iba ay nasa receiving area ng room Alden stands as Dean's Best Man.

"Ikakasal ka na talaga, bro." Alden told Dean before tapping his shoulder.

"Ang tagal kong hinintay ang pagkakataon na ito Kuya. Ang akala ko mag-aabito ako pero God has another plan for me, at eto pala yun. Ikaw kuya, Kamusta ba kayo ni Menggay?"

Nagpakawala ng buntong hininga si Alden at saka tumingin sa labas ng bintana ng kwarto.

"Siguro kung meron syang taong kinamumuhian sa buong mundo sa mga oras na 'to ako 'yun. So, hindi ko alam paano sasagutin ang tanong mo kasi kahit ako hindi ko alam ang isasagot sa tanong mo. May karapatan ba kong mag reklamo sa kung ano kami ngayon? Nasaktan ko siya ng sobra at hindi madali patawarin 'yun. At di lang sya ang sinaktan ko.. Sarili ko, pamilya ko lalong lalo na ang pamilya nyo Dean." Napatungo sya. Malungkot at hiyang-hiya sa mga nangyari. Sabay lapit ni Dean at tinapik nya si Alden sa balikat

"Pasensya na kayo sa kagaguhan ko Dean. Pero nagdadasal pa rin ako para sa amin ni Meng at Thirdy. Sa sarili kong pamilya."  Kinuha nya agad ang panyo nya sa bulsa at pinahid ang mga luha.

"Hanggang ngayon ba naman Kuya, iyakin ka pa rin?" Napatawa ng konti si Alden. "Pero tandaan mo ito, lahat ng ito may dahilan. May dahilan kung bakit kayo muling nagkita ng kapatid ko at ng anak mo. Oh, chill na, kasal ko to.. GV lang!"

Nag fist-bump at nag brotherly hug silang dalawa. May sumilip sa room nina Dean.

"Picturan na naman outside. Labas na kayo dyan!" Nico told then.

"Sunod na kami Kuya Nico. Sus, ganito pala ito walang humpay ang ngiti. Lika na bro!" Yaya ni Dean kay Alden.

"Daaaaad!" Patakbong bati ni Thirdy sa tatay nito. Andun pala ang anak nya sa labas.

"Uyy, you are here na!" Umupo sya para pantay sila at hinalikan nya si Thirdy. "You look good in your suit, gwapong-gwapo. Who brought you here? Mommy?

"Tita Nikki with kuya Matti."

"How's Mommy anak?"

"Putting her make-up. Fixing her hair." And he rolled his eyes na kinatawa ni Alden.

"Palagi mo akong pinapatawa anak, just like your Mom..."before" Sambit nya sa sarili nya. "Let's take some pictures anak selfie? Gusto mo mag wacky ulit tayo."

"Parang si mommy".

"Yes, anak". at tumango lang si Thirdy.
Kinuha agad ni RJ ang phone nya at sinimulan nyang mag capture ng selfies nila. Tawanan sila ng tawanan. May kilitian sticking their tongue out crossed eyes shots, palaliman ng dimples and  serious shots courtesy of Nico.

The main door opens and it was Maine, fetching Thirdy and Matti. Nasa pintuan lang sya, di sya lumalabas naka robe lang kasi sya.

"Thirdyyy!?? Matti?!! Where are you guys?"

"Sinusundo na ka ni mommy mo. Lika na. Look for your Kuya Matti" wika ni Alden, sa anak niya. Sinunod naman ni Thirdy ang utos ni RJ. Hinatid niya ang dalawang bata kay Maine

"Hi." Nakangiting bati niya kay Meng.

"Hi. Let's go kids,  magreready na tayo. One last pee sa inyong dalawa okay."

"I see you later Meng"

Tumango at nagpakawala ng konting ngiti si Maine and left.

Sinundan ni Alden ng tingin ang tatlo habang naglalakad palayo. Napahawak sya sa dibdib nya at di maiwasang mabighani sa kagandahan ni Maine.

Naunang dumating sina Maine at pamilya ni Nikki. Sumunod sina Tay Ted, Nay Mary Ann. Pumasok na sina Maine pero hanggang bungad lang. May nakita syang vacant na luhuran at nagdasal sya.

Maraming salamat Panginoon sa pagkakataon na ito. Sa muli naming pagsasama ng pamilya ko. Salamat muli sapagkat nakita ko sila sa maayos na sitwasyon. Sa pagbabalik ko pong ito, dala dala ko pa rin po ang po-ot at galit sa puso ko. Maaring handa ako sa ibang bagay, pero ang maging handa sa ama ng anak ko ay mananatiling palaisipan sa utak ko. Patawad po Panginoon na hanggang ngayun ay ito pa rin ang nararamdaman ko para kay Alden, pero aaminin ko po na sa kabila ng lahat na galit sa puso ko ay masaya ako para sa anak ko. Ang relasyon ni Thirdy sa ama nya na ni minsan ay di ko ipinagkait simula ng ibinigay Nyo po sya sa akin sa amin"

Nagpakawala sya ng bunting hininga at muling nagputuloy.

"Gabayan nyo po ako Panginoon sa anumang desisyon na aking gagawin. Hindi ko pa man maisagawa ngayon pero naniniwala pa rin po ako na darating ang araw na magiging maayos ang lahat. Alam ko po na naiintindihan nyo kung anu ang laman ng puso ko. Ang lahat ng ito ay hiniling ko in Jesus name Amen." Kumuha sya ng tissue sa clutch bag nya at pinahid ang mga luha nya 

"Ay naku Menggay, ang make up mo sayang.. mahal pa naman ng mascara mo pati lipstick!"

Tumayo si Maine at nagulat syang bahagya, nakatayo ang mag-ama nya sa bandang likuran. Naka-shades si Alden at pusturang pustura sa tuxedo na suot nya. Magkahawak kamay ang mag-ama. Nilapitan nya ang mga ito at kinuha si Thirdy.

"Honey, get yourself ready punta ka na dun and find your place"

"Buddy, walk properly ha and dont forget to show your dimples!" Natatawang ani Alden.

"Opo, daddy."

"Una na ko." Paalam ni Maine na wala man ni kahit anong emosyon.

"Hatid na kita" alok ni RJ

"i am okay. i can manage." At iniwan na nga nito si Alden.

"Whew! Ang tigas mo Maine! " sigaw ng puso ni Alden

Nag umpisa ng maglakad ang buong entourage Hawak hawak ni Maine ang camera nya pero pigil na pigil nya ang pag capture kay Alden. Kitang-kita ni Alden na binaba ni Maine ang camera nyang hawak nung dumaan sya. Just starring blanky at him. Para lang syang hanging dumaan sa harapan ni Meng.

Nagsimulang maglakad ang mga bata. Muling sumigla si Maine ng makita nya ang anak nya. Walang humpay pagkuha nya ng litrato. Halos magkandarapa na nga sya kung tutuusin. Alden witnessed all these and he took some pictures of his son too pati na rin si Maine. He suddenly remembered something,..

"Loove Look here." Ani Meng kay Alden.

"Click*

"Ano ba yan love, click agad!"

"Ang saya kaya." Sabay yakap sa leeg ni RJ.

"Isang KIIIIITTHH love, Daliiiii, yung matharap na kiith!" At agad namang humalik si RJ sa lips ni Maine.

*CLICK*

"Aray susko love ang ilong ko" Ani Alden.
Nagtawanan lang sila sa mga pinag-gagawa nila..

Napangiti si Alden, ng maalala nya ang lahat ng yun. Ayun si Meng eh, lahat ng bagay kailangan dokomentaryo

"Those memories of ours will still linger until i die, Maine." He bit his lips and lowered his head

10 years laterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon