Kabanata 34

157K 3.3K 151
                                    

Land

Hinawi ko ang buhok kong linilipad ng hangin mula sa malaking bintana ng 6th floor ng building namin.

"I heard what happened.."

Napalingon ako sa tumabi sa akin. Binalik ko ang tingin sa labas. Mula sa pwesto namin ay kitang kita ang mga nag P.E sa labas.

"Osiris.. not now." Mahina kong sabi. Naiyukom ko ang mga palad ko.

Hindi ako nakatulog kagabi sa kakaisip nito. Dalawang araw na ang nakalipas simula nang gabing 'yon at sa dalawang araw na walang pasok ay yun lang ang iniisip ko.

Hindi ko kayang hanggang dito ay pepestehin ako ng mga problema ko mula sa mga Claveria.

"I am sorry.." doon ko lamang siya nilingon. Kita ko ang lungkot sa mga mata niya. Kumunot naman ang noo ko dahil sa paghingi niya ng tawad.

Sorry saan?

"Anong alam mo?" Deretso kong tanong sakanya. Kita ko ang pagawang ng labi niya at ang gulat sakanya.

Napalapit ako sakanya lalo at hinawakan ang kamay niya. Napakagat ako sa labi ko. Nararamdaman ko nanaman ang pananakit ng puso ko. Nararamdaman ko nanaman ang kagustuhan kong malaman ang katotohanan.

Ginagawa na ni Carl ang lahat, nag papa-imbestiga na siya. Si Adrian naman ay nangangalap na ng impormasyon. Pero kung iisipin ay mas madaling malaman ang katotohanan sa isang Claveria mismo.

"Tulungan mo ako Osiris. Kailangan ko malaman ang totoo. Diba bestfriend kita? Alam kong alam mo kung paano ako nahihirapan ngayon. Hindi mo ako lalapitan kung alam mong hindi mabigat ang problema ko." Tinignan ko siya sa mata at halos mag makaawa ang boses ko sakanya.

Napabagsak ang hawak ko sakanya nang yumuko siya. He's still a Claveria. Hindi niya ako matutulungan. Kahit hindi niya sabihin ay kitang kita ko na hindi niya kaya.

Nag angat siya ng tingin sa akin at kita ko ang lungkot sa mata niya.

"I am sorry Adrianna. Hindi kita matutulungan sa ngayon. Hindi ko kayang sirain ang pinaghirapan ng kapatid ko. Sorry.."

Hindi ko magawang magalit sakanya dahil nakikita ko ang sinseridad sa paghingi niya ng tawad pero hindi ko kaya na lalong dumadami ang tanong sa utak ko.

"Pinaghirapan? Alin? Ano? Wag niyo akong gawing tanga, Osiris. Dahil pag nalaman ko kung ano ang totoo at nakasakit 'to sa pamilya ko. Pagsisisihan niyo." Saad ko na may diin ang bawat katagang sinasabi ko.

Inabot niya ang balikat ko at hinawakan 'yon. Nakipag titigan siya sa akin at sinalubong ko ang mga tingin niya.

"Mahal ka ng kapatid ko." Mariin akong napapikit sa sinabi niya. Lumitaw sa utak ko ang mukha ni Caden kaya lalong nanikip ang puso ko.

"Alam ko.."

Alam ko nga ba? Pag iniisip ko na may posibilidad na tama ang mga pinsan ko ay parang dudurugin ang puso ko. Ang buong katawan ko ay nanghihina.

Huminga ako ng malalim at tumingin sakanya.

"Hindi mo ako kayang tulungan? Alam ko na kung bakit, dahil Claveria ka. Po-protektahan mo ang pamilya mo at naiintindihan ko 'yon. Hindi ko alam kung bakit ka nakipaglapit sa akin pero hindi na ke-kwestyunin 'yon. Nagpapasalamat nalang ako na.. nandoon ka nung mga panahon na wala akong kausap."

Unti-unti niyang binaba ang hawak niya mula sa balikat ko. Bahagya akong ngumiti at tinapik siya sa balikat.

"Bayad na ako sayo mula sa mga pakikinig mo sa akin."

MONTGOMERY 1 : Caught (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon