Chapter 12

33.7K 695 12
                                    

Published: September 5, 2013

CHAPTER 12

 

RICKY’s POV

            Maaga pa lang ay umalis na kami ni Katie sa bahay.  Bitbit niya ang knapsack na may damit pamalit naming dalawa, ako naman ay ang pagkaing de lata at kanin na niluto na rin namin sa bahay.

            Kitang-kita ko ang excitement sa mga mata niya.  Nakakatuwa siya kasi para siyang bata talaga.  Tipong first time makalabas ng siyudad.  Kaunting bagay lang na nagandahan siya, gan'un na lang ang reaksyon niya.  I thought marami na siyang alam pero hindi pa rin pala. All of a sudden ay isang inosenteng dalaga ang nasa harapan ko ngayon.

            “Akyat tayo d'un.”  Itinuro ko pa sa kanya ang trail na pagdaraanan namin.  “Gusto mo pa rin bang tumuloy?”  Nag-aalala ko pang tanong sa kanya.

            Hindi naman kasi madali ang daraanan namin.  Madudulas at naglalakihang mga bato na kailangang akyatin para marating yung falls na pakay namin sa may bandang tuktok.

            “Of course!  Nandito na ‘to e!”  Ngumiti lang siya na tipong determinado.  She's really happy and I felt it.

            Hindi madali ang makarating sa tuktok.  Kung tutuusin ay puwede rin naman dito sa may bandang ibaba, kaya lang ang kagandahan ng mga munting falls na ‘to, nand'un sa may bandang tuktok.  Mas malinis rin ang tubig 'di katulad ng mga nadaanan namin na medyo masukal sa mga tuyot na dahon.

            May mga pagkakataong  nadudulas siya pero buti na lang at hindi nasusugatan. Haist!  Papatayin ako ng papa niya kapag nagkataon! 

            Kaya naman nang makarating kami sa tuktok ay sobrang kaligayahan talaga namin.  Para kasing may munting pool sa gitna na sobrang linaw tapos ay may nakapaikot na mini falls sa paligid namin.  The view is just worth all the effort.

            “It’s so beautiful here…”  Halos mapunit ang labi niya sa pagngiti.

            “It is.”  Ngumiti lang din ako at ibinaba muna ang mga bag na dala namin sa isang tabi.

            “How many times have you been here?”

          “A lot.”  Tipid na sagot ko lang.

            “Nadala mo na sina Gelyn at Pikoy dito?”

          “Nope.”  Mabilis na sagot ko pa.  “D'un lang sa madaling akyatin ko sila dinadala noon.”

          “Oh…”  Parang natuwa pa siya sa sinabi ko at nagningning ang mga mata niya.  “May pupunta rin dito mamaya?”

          “Possible…”  Tumango pa ako at nagmasid sa paligid.  Dinungaw ko ang madulas na mga batong dinaanan namin sa ibaba at nakahinga ako nang maluwag na wala sa amin ang nasaktan.  “Pero medyo madulas kasi ang trail kaya normally puro lalaki lang din ang sumusubok pumunta dito.  Sure ka?  Hindi ka man lang ba nasugatan?  Dami mo hinuling palaka e.”  Biro ko pa.

            “Hindi 'no!”  Umirap pa siya at ngumuso.  She’s just so cute!  “Tara!  Ligo tayo!”  Hinila pa niya ako palusong sa tubig.  Bato man ang paligid namin, buhangin pa rin ang ilalim.   “Shit! Ang lamig pala!”  Bahagya pa siyang napaigtad at napangiti lang ako. 

            Hawak kamay kaming pumapagitna at kahit ako ay nilalamig.

            “Whoa, it’s really cold…”  Halos mamilog ang mga mata niya at 'di ko naman maiwasang mapatitig sa kanyang mukha. Maganda talaga siya even without make-up.  Kung sabagay, kahit naman noon sobrang light lang niya magmake-up.  Kung hindi siguro siya masungit at mataray, baka nga nakapila rin ang mga manliligaw niya.  Kaso nga, dahil sa ugali niya, intimidated agad ang lalaki hindi pa man.

AND I LOVE YOU SOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon