MPML Book 2 (31)

3K 89 6
                                    

Yuji's POV

Dinner, tahimik sa lamesa at walang nagsasalita ni isa. Maxine is not talking to me since Yuri arrived, Marcus has just came back home from his school trip meaning wala syang alam kung bakit hindi ako kinakausap ng Mommy nya.

"So, how's your schooltrip, Marcus?" I asked as I broke the silence.

Uminom muna sya ng wine bago sya sumagot sakin.

"It was great Dad, Steven and I met this cool kids from the lake and invited us to this awesome party, we met few new friends and Flyn and Mitch was so jealous about it."

Natatawa sya habang nagkukwento kaya tumatawa nadin ako. Pero yung Mommy nya hindi nakikisama sa kwentuhan namin, kain lang sya ng kain na para bang hindi nya kami naririnig na nagtatawanan.

"By the way thanks for letting me go on that trip, Dad." He said while smiling at me.

"You're welcome, Son." Nginisian ko sya pero hindi mawala yung pagka-ilang ko sa nananahimik na si Maxine.

"Mom, are you ok?" Tanong ni Marcus sa Mommy nya.

"Just finished your dinner, Marcus." She said without even looking at him.

"Mom, what's wrong?" Approach ulit ni Marcus.

Tumigil sya sa paghahati ng steak at tumingin sya sakin ng masama.

"Bakit hindi mo tanungin yang magaling mong ama kung anong problema."

Natigil nadin ako sa pagkain ko.

"Dad?"

"The other day Yuri came here in our house." Sagot ko.

"Who's Yuri?" --Marcus

Ako dapat ang sasagot sa tanong nya pero inunahan ako ni Maxine.

"Your father's sister, but that is not the problem. Alam mo kung sino kasama ng kapatid ng Papa mo ng pumunta sya dito?"

Nakayuko lang ako sa hapagkainan dahil alam kong eto na naman kami.

"Wh--"

"YANG MAGALING NA BABAE NG PAPA MO NOON!"

Hindi natapos si Marcus dahil pinangunahan na sya ng sigaw ng Mommy nya.

"Max, will you please calm down." I tried to calm her down pero ayaw nya paawat.

"Calm down?! Yan lang sasabihin mo?! Paano nalaman nyang Charlotte na yan ang bahay natin ha?!"

"Mom, I'm her student she probably got our address from my student form or something." Sagot ni Marcus pero sinigawan lang sya ng Mommy nya.

"I'M TALKING TO YOUR FATHER!"

"Maxine!" Sigaw ko narin sakanya dahil alam ko namang sakin sya nagagalit pero hindi tamang pati si Marcus idadamay nya sa galit nya.

Padabog na tumayo si Marcus at iniwan kaming dalawa ng Mommy nya sa lamesa. Sinubukan ko pa syang pigilan pero dali dali syang umakyat sa kwarto nya.

"Hindi kaba talaga marunong makipagusap ng mahinahon kaya pati anak mo sinisigawan mo?!" Sigaw ko kay Maxine.

"Wag ako ang sinisisi mo dito, Yuji! How come na may kapatid kang hindi sinasabi sakin?! Asawa mo ako!"

"Hindi ko rin alam na buhay sya, nagulat din ako na makita sya sa labas nung gabing yu--"

"AT TALAGANG KASAMA SI CHARLOTTE?! NAGKIKITA PA BA KAYONG DALAWA?!"

"I don't want to talk about this." Tumayo ako sa lamesa at dinaanan sya pero hinila nya ang polong suot suot ko.

"Don't turn your back on me!"

Nagpadala lang ako sa panghihilang ginawa nya, hindi na ko nagulat sa ginawa nya dahil sa loob ng labing walong pagsasama namin, busog na busog na ko sa mga pananakit nya sakin physically.

"Tinatanong kita! Nagkikita pa ba kayo ni Charlotte?!"

Alam nyang nagtatrabaho ako ulit as a Professor but she never knew that I work at PATScolleges again kung san nagtatrabaho din si Charlotte doon.

"Sa PATS ako nagtatrabaho, they hired me again and Charlotte and I share in one offic---"

Hindi na natapos yung pagsasalita ko ng sampalin nya ko sa kaliwang pisngi. Mababa sa labi yung pagkakasampal nya kaya may nalasahan akong dugo sa labi ko.

"How could you lied to me!"

Pinaghahampas nya ko sa dibdib pero hinahayaan ko lang sya. Umiiyak sya habang pinaghahampas nya ko pero hindi ko sya magawang pakalmahin.

"Bakit hindi ko sinabi sayo? Yan! Yan ang dahilan Maxine! You would never understand kahit sabihin kong trabaho lang ang ginagawa ko dun, iisipin at iisipin mo parin na may ginagawa kami ni Charlotte kahit wala!"

"Mag Ex kayo! Kahit sinong asawa, yun ang iisipin sainyo! Tapos pupunta yung kapatid mo kasama sya?! Bakit sya pa?! Nakita mo rin ba kung paano ako itrato ng kapatid mo?! Ni wala kang ginawa ng mas piliin nyang magstay sa bahay ng babae mo!"

"That was her choice!"

"KAHIT NA! Sana inisip mo yung mararamdaman ko! Wala kaba talagang pakialam sa nararamdaman ko Yuji?! For almost 18 years na nagsasama tayo, kahit kailan hindi ko naramdamang minahal mo ko! Tapos ito pa igaganti mo?! Na kahit sa kapatid mo ni hindi mo ko magawang kampihan?! Bukas na bukas sunduin mo yang kapatid mo at dito mo sya patirahin, and please just do it cause I am not asking!"

Nagsimula syang maglakad palayo sakin pero sumagot pa ko.

"Hindi ko sya mapipilit kung ayaw nya dito!"

Napatigil sya sa sinabi ko at dahan dahan na humarap sakin.

"Gawin mo dahil kung hindi, mapipilitan akong balikan si Charlotte. Don't force me to make her life a living hell, Yuji."

----

My Professor, My Love 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon