Kabanata 35

162K 3.4K 99
                                    

CC ♡  AG

"Adrianna."

Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko.

It's Reig.

Nakakagulat na kinakausap niya ako ngayon. Sa buong pamamalagi ko dito, ang napansin ko lang ay medyo malapit din siya kay Caden. Lagi niya kaming pinagmamasdan lalo na pag magkakasama kami ng mga pinsan ko.

I find it creepy sometimes..

"Bakit?" Napatingin ako sa loob ng classroom namin at wala pang prof. Kaya siguro siya nakalabas?

"Here.."

Kumunot ang noo ko sa inabot niya sa akin. It's a post-it note.

"What is this for?" Tanong ko habang binabaliktad ang post-it note.

"Goodluck." Aniya at tinapik ang balikat ko.

"And.. Happy Birthday."

Bago pa ako makapagsalita ay iniwan niya na ako at pumasok sa classroom namin.

He knows? I mean.. muntik ko ng makalimutan na birthday ko kanina kung hindi lang ako pinasok ng mga pinsan ko sa kwarto, dinaganan, at sinigawan ng happy birthday hindi ko pa maalala.

Binalik ko ang tingin sa post-it note. Naramdaman ko ang pag baliktad ng sikmura ko.

Go to the rooftop - CC

Kumalabog ang puso ko at sinundan ang nasa post-it note. Tinungo ko ang rooftop ng building namin. Bawat hakbang ko ay lalong bumibilis ang tibok ng puso ko.

Tatlong araw ko na siyang hindi nakikita. I miss him so much pero hindi ko siya kaya harapin. Maybe I'm too cruel pero pag naiisip ko palang na makakaharap ko siya ay hindi ko na alam ang gagawin ko. Pag kaharap ko na siya, anong gagawin ko? Anong sasabihin ko?

Pag kaharap ko siya.. nawawala na lang ako. Baka makalimutan ko ang lahat.

Pinihit ko ang pintuan at pumasok ako doon. Napalunok ako ng makita ko siyang nakatalikod sa akin. Nanikip ang dibdib ko habang pinagmamasdan ang likod niya. Sobra ko siyang na miss. Walang minuto na hindi ko siya iniisip.

Unti-unti akong humakbang palapit sakanya.

"Caden.." mahina kong tawag sakanya.

Mabilis siyang lumingon sa akin. Nagkasalubong ang mga mata namin at marahan akong napangiti. Bumilis nanaman ang tibok ng puso ko. Sakanya ko lang naman nararanasan 'to.

I'm happy na mukhang sinunod niya ako. He look so well.

"Hey.." he breathed.

Damn his voice. I missed it.

Hindi ko alam na manunubig ang luha ko dahil lang sa simpleng boses niya.

Linipad ng hangin ang buhok ko at kasabay non ang paghakbang niya palapit sa akin. Ito na, ano ng sasabihin ko. Ito ang iniiwasan kong mangyari..

"Hindi mo pa rin ba ako kakausapin?" Rinig ko ang hinanakit sa boses niya. Napayuko nalang ako.

"I'm sorry.." saad ko habang pinaglalaruan ang mga daliri ko.

"For three days, hindi mo ako kinausap, hindi ka sumasagot sa mga tawag at text ko at hindi mo ako kinikita. I tried various ways to see you. Lagi kong binubugbog sa practice ang mga pinsan mo para pumunta ka sa gym pero wala pa din. Lagi kong dinadalaw si Reig sa klase niyo pero lagi kang busy. I tried asking your cousins pero mukhang galit din sila sa akin."

MONTGOMERY 1 : Caught (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon