HGG [43]

126K 2.3K 119
                                    

Chapter 43

<HALLOWEEN PARTY>

Janine's POV

"B-bes... ayaw ko na... back-out na ako" nanginginig na sabi ko.

Napatawa na lang si bes sa akin. "What's the matter First? Afraid of ghosts?" nang-aasar na sabi niya.

Napahawak na lang ako ng mahigpit sa kanya nang may dumaan na isang white lady sa harapan ko.

Habang nakapikit ay parang nakakita ako ng white light kaya't napadilat ako. "Lindsey!!" inis na sigaw ko.

Nag-peace sign muna siya bago tuluyang makaalis.

Napabuntong-hininga na lang ako. Baket ba kasi ako takot sa mga walangyang KABABALAGHAN na to???

Kasalanan ko bang nakakita na ako ng totoong multo? At ayaw na ayaw ko ng mangyari yon.

"Yeowang, give your best scary face naman" nakangising sabi ni King habang may camerang nakatapat na naman sa mukha ko.

Pero imbwes nakakatakot na mukha ang pinakita ko ay natatakot.

Narinig ko ang pagtatawanan nila dahil daw sa "epic" face na ipinakita ko. Pero hindi ko sila magawang tignan.

Napansin ata nila ang pakatahimik ko. "Bes? Anyare?"

"M-may nakita akong...b-batang babae na nakadungaw.. s-sa bintana kanina"

At yan ang dahil kung bakit natakot ako bigla. Ramdam na ramdam ko ang pagtaas ng balahibo ko nang magtama ang tingin namin ng batang babae.

Halata namang multo siya dahil nagmimistulang kumikislap ang buo niyang katawan. Pero hindi iyon ang kinatakot ko.

Nakita ko ring wala siyang mata!! 

"What are you saying Yeowang?" nagtatakang tanong ni King.

"Bes! Imposible naman yun, eh bawal namang pumasok dito sa eskwelahan ang mga hindi 4th year highschool. Tsaka hindi sila nagpapapasok ng mga batang pagala-gala. Tingin ko, gutom ka. Lika na nga"

Nagpahila na lang ako kay bes nang kaladkarin niya ako. Muli akong sumulyap sa bintana at nakahinga ng maluwag nang makita kong walang batang nasilip doon.

Baka nga gutom lang ako.

***

Maya-maya ay haunted house tour na. OHMYGOD.

His Gangster Girl  [STBP by LIB; Unedited Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon