20

44.9K 927 22
                                    








Chapter 20




"Abhie bilis!!" Tumatawang sigaw ni Shane! Hila hila niya ang kamay ko at nagmamadali kaming tumakbo palabas ng mall! Hinahabol kasi kami ni Stan!





Naaawa nga ako kay Stan kasi kanina yung itsura niya nung nakita niya kami parang inis na inis siya kay Shane! Umakma pa nga siya susuntukin niya si Shane kaya naman nagpahila na rin ako kay Shane!




Hingal na hingal kami pagtakbo pero kasabay non ang malakas na halakhak naming dalawa!





Nakalabas na kami ng mall pero nasapo namin ang noo namin dahil sa likod ng mall kami napadpad! Naririnig pa rin namin yung sigaw ni Stan at nila Elle, kaya naman tumakbo ulit kami ni Shane!





Hanggang sa makarating kami sa isang bakanteng lote, mataas ang damo at may mga malalaking bato, inalalayan ako ni Shane na makaupo sa isang malaking bato.




"Okay ka lang?" Nakatawang sabi niya, ang bilis ng paghinga naming dalawa.




"Haha. Oo, pero hindi kaya makita tayo ni Stan? Baka bugbugin ka non." Pang aasar ko.




"Hindi yan." Matipid na sagot niya pero nakangiti pa rin siya.




Medyo malakas ang hangin dito dahil may mga puno rin, napangiti ako ng makita ko yung isang puno na may kulay purple na bulaklak, hindi ko alam kung anong tawag dun pero madalas akong makakita non sa park ng subdivision namin.





"Purple." Bulong ko, naramdaman kong tumingin saakin si Shane.




"Gusto mo yon?" Tanong niya habang tinuturo yung mga bulaklak. Ngumiti lang ako.





Dahang dahan na tumayo si Shane at lumapit dun sa isang puno na may bulaklak, kumuha siya ng isa pagkatapos bumalik siya sa tabi ko.





Akala ko iaabot niya saakin pero napapitlag ako ng ilagay niya yon sa gilid ng tenga ko.




"Bagay talaga sayo ang purple." Bulong niya, napatingin ako sakanya.




"Shane..ang ganda mong ngumiti." Sabi ko sakanya.




"Gwapo ngumiti." Biro niya.




Hinampas ko siya sa braso niya!




"Ang yabang mo!!" Sigaw ko sakanya, humalakhak nanaman siya. Grabe, pati pagtawa niya ang gwapo talaga.




"Crush mo naman." Bulong niya.




Nag init ang mukha ko!




"Grabe Shane!! Ang kapal ng mukha mo!" Sigaw ko sakanya habang tumatawa, para kaming baliw na tawa ng tawa dito.




Ang sarap isipin na nakakatawanan ko ng ganito si Shane, dati rati mailap siya saakin samantalang ngayon heto, katabi ko na siya at nakakabiruan.




"Bakit hindi ba?" Yung boses niya grabe.




Napatigil ako ng hulihin ng mata niya ang mata ko. Nakangiti pa rin siya saakin pero yung mga mata niya ang seryoso ng tingin saakin, para bang ako lang yung nakikita niya.




"Crush kita Shane.." Bulong ko, shete! Nakakahiya man, pero yung bibig ko bigla nalang bumuka at sinabi yon!




"Pero! Konti lang!" Bawi ko! Natawa siya, pero nagsalita siya.




"Gusto kita." Sabi niya.




"Sobra, sobra." Patuloy niya.. Pakiramdam ko namumula ako.




Napapikit ako ng pisilin niya ang pisngi ko.



"Namumula ka." Pang aasar niya.. Nanlaki ang mata ko! Grabe halatang halata talaga ako!




"Pero, isa yon sa sampung dahilan kung bakit gusto kita." Patuloy niya, para akong kinikiliti ng kung ano dahil sa mga sinasabi niya saakin!




"Sampung dahilan? Edi may nine pa?" Nakakunot noong tanong ko sakanya, tumango siya.




"Ano pa yung siyam?" Nahihiyang tanong ko. Pero nginitian niya lang ako at nagulat ako ng halikan nanaman niya ang pisngi ko.



"Dalawa.." Bulong niya.




"Tatlo..Apat.." Napapikit ako ng halikan niya ang magkabilang mata ko.




"Lima.." Hinalikan niya rin ang buhok ko.




At napalunok ako ng mapansin kong nakatingin siya sa labi ko. Napaubo siya at nag iwas ng tingin.




"Saka nalang siguro yung limang natitira Abhie.."

****

Crush Kita Konti LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon