Kabanata 36

148K 3.4K 428
                                    

Revelations

"Si Uno daw ang maghahatid sa atin." Ani Tulip.

Palabas na kami ng building. Kasama ko sila Alice, Tulip at Agatha. Luminga linga ako sa paligid. Ang mga pinsan kong lalaki ay nasa gym para sa basketball.

"Hindi ako sasabay." Saad ko kaya natigil sila.

"Why? Hihintayin mo sila Kuya?" Umiling ako sa tanong ni Agatha. Kinuha ko ang phone ko at pinakita sakanila ang message ng mommy ni Caden.

Kita ko ang inis at gulat sa mata nila. Napabuntong hininga ako. Hanggang ngayon ay hindi pa ako nakaka isip ng strategy. Kanina ko pa iniisip kung anong gagawin ko pag nagkaharap na kami.

"Walang'ya! Hindi ba niya pwedeng pagpaliban 'yan? Birthday mo!" Inis na wika ni Agatha.

"Tama si Gath. Gusto mo sumama kami? Tara kalbuhin na natin!" Wika ni Alice. Napailing nalang ako.

"No need. Kaya ko 'to. Besides, magtataka sila Kuya. We can't lie to them.. kaya ang gagawin ko. Uunahan ko silang umuwi. I promise to go home before them." Saad ko.

Napatingin ako sa orasan ko at nakita kong kaya pa naman 'to.

"Paano si Uno? Hahanapin ka non.." mahinang tanong ni Tulip.

Huminga ako ng malalim at lumapit sakanya. Hinawakan ko siya sa kamay kaya napatingin siya sa akin.

"I need your help, Tul. Ikaw lang ang makakapag pasunod kay Uno. Tell him to act normally and tell him not to say something, lalo na kina Kuya. I'm not asking you to lie. Just don't say something hanggang wala naman tinatanong. Please.. Uno will listen to you."

Kita ko ang pag awang ng labi niya. Ngumiti ako at tinapik siya sa balikat. I know more.. I know what's happening.

"Okay.." mahina niyang tugon at tumango nalang.

Kita ko ang pag busina ng isang kotse sa hindi kalayuan sa amin. Kasabay non ang pag ka-tanggap ko ng mensahe.

From: Mrs. Claveria

I'm here.

Hindi ako natatakot o kinakabahan. Pero ramdam ko ang pagbilis ng puso ko dahil sa hanggang ngayon. Wala akong ideya sa mangyayari. Hawak niya ang mangyayari sa amin pero hindi ko hahayaan na maging ganon. I won't let it happen. I will protect myself.

"Nandyan na siya.. I need to go." Saad ko habang tinuturo ang kotse kung saan tingin ko nandoon si Mrs. Claveria.

"Oh! Nandyan na si bruhilda with her own car. Magdahan dahan ka ate. Baka mamaya nakakamatay ang sasakyan niyan." Ani Agatha sabay irap. Tumawa nalang ako at umiling.

"Uwi kang maaga. Mag luluto daw sila mommy." Ani Tulip. Tumango ako at yinakap sila.

"Call us when you need us. Hindi pa namin sinasagot ang tawag, pasakay na kami ng kotse para sunduin ka. We will track you down, Ri." Seryosong wika ni Alice. Tumango ako at ngumiti.

I need strength. Pakiramdam ko mauubusan ako ng lakas ngayong araw na 'to.

Tumalikod na ako at tinungo ang sasakyan. Huminga ako ng malalim ulit. Tumapat ako sa kotse para masigurado muna na siya 'yon. Binuksan niya ang bintana ng sasakyan niya at iminuwestra ako sa loob.

I'm not expecting her to be very considerate though. Pumasok ako ng sasakyan niya at parag automatic na narinig ko ang boses ni Caden.

Seatbelt

Bahagya akong napangiti at pinilig ko ang ulo ko. Sinuot ko ang seatbelt at pinanuod siyang pinaandar ang sasakyan. Tahimik lamang siya. Hindi ko man alam kung saan niya ako dadalhin.

MONTGOMERY 1 : Caught (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon