Epilogue

401K 5.1K 464
                                    

Finished: 04/23/16

Ang book version ay maraming nabagong scene... medyo naiba siya. Thank you!

***
Ilagay ko lang dito ang epilogue para makita niyo si Yaya J at David. Parang hindi ko rin pala nabago ang story na ito. Iba yata yung mga scene sa books dahil sa revision na pinagawa ng editor.

LIMANG buwan na ang lumipas matapos niyang kompirmahin kay Matthew ang pagbubuntis niya. At tatlong buwan na ang nakararaan nang maganap ang the best enchanted-wedding of the year. Iyon ang nais ni Matthew. Ang enchanted-wedding proposal nito noon na hindi nangyari ay ginawa sa kanilang kasal. Ginanap ang kasalan sa probinsiya ng kanyang Mommy Camellia. Sa mismong malawak na lupain nito. Sa tanang buhay niya ay noon lang siya nakasaksi ng kasalang ganoon ang settings, at sa sariling kasal pa niya mismo. Sa mga Disney movie lang niya madalas makita ang mga ganoong kasalan. Halos lahat ng Disney Princesses ay naroroon. 
             She was wearing an extraordinary sleeping beauty wedding gown. Sa unang pagkakaton, si Aurora ng sleeping beauty ay sumakay sa modern pumpkin carriage ni Cinderilla na siyang nagdala sa kanya sa pagdarausan ng kasal. Si Amira ang bridesmaid niya at suot nito ang gown ni Cinderilla, si Andra naman ay si Belle at si Preyh ay si Snow White na siyang mga matron of honor niya. Naiinis naman si Vivienne dahil Princess Fiona ang costume nito. Hindi naman daw kasama si Princess Fiona sa Disney Princesses. Nagtawanan na lang sila nang barahin ang dalaga ni Preyh. “Pasalamat ka nga at sinama ka pa rito, e. Pero mas bagay sa 'yo maging Ariel, sarap mo sigurong panoorin na gumagapang sa aisle.” The exact words Preyh said that Vivienne immediately encountered.
           “Tse! 'Di hamak naman na mas sexy ako sa 'yo. You are ruining Snow White‟s image. May Snow White bang mukhang butete? Mas bagay sa 'yong maging Shrek,” mataray na balik ni Vivienne kay Preyh. 
           Malaki ang tiyan ni Preyh nang mga panahon na iyon at maternity Snow White Gown nga ang suot ng kaibigan. Halos mamula si Precious dahil sa sobrang iritasyon para kay Vivienne at sa walang humpay na tawa nila ni Andra. Mabuti na nga lang at apat na buwan pa lang ang kanyang tiyan nang ikasal siya kaya hindi pa iyon halata. Ngayon ay pitong buwan na ang kanyang tiyan at si Preyh naman ay muling nagsilang ng isang napakaguwapong sanggol na lalaki noong nakaraang buwan lang na pinangalan ng mag-asawang Ryder.  
           Si Russo at Stephanie ay kasal na ngayon. Wala nang nagawa pa si Russo dahil sinabi ni Stephanie sa mga magulang nito ang nangyari sa dalawa at ayon nga, pinakasal ang dalawa nang wala sa oras. Aayaw-aayaw ito kay Stephanie pero kapag nakita si Stephanie na nakikipag-usap sa iba ay daig pa ang tigre kung magalit.
And now, the reveal gender party was held in the garden sa mismong bahay ni Matthew at dito na rin sila nakatira matapos ang kasal. Napag-alaman niyang pinagawa pala ni Matthew ang bahay na ito para talaga sa kanya. Nais nitong sa oras na maikasal na sila ay gawa na ang kanyang dream house. Palihim talaga nito iyong ipinagawa para sana sorpresahin siya.
          “David, dude!” Tumayo si Matthew mula sa silya at agad na sinalubong si David na kaibigan nito. Mark, David, Iñigo and Matthew are best of friends. Si David ay dating manliligaw ni Andra noong nasa kolehiyo pa lang sila pero sa kasawiang palad ay b-inasted ni Andra dahil sa biglang pagbubuntis ng kaibigan na hindi inaasahan at si Iñigo pa ang nakabuntis na kaibigang matalik ni David. Sa Canada ito namamalagi.
          Umupo si David sa kabilang bahagi ng mesa katabi ni Mark, sa katapat nila matapos itong bumati sa lahat.
         “Malapit na akong magtampo sa 'yo, Dude. Hindi ka dumalo sa kasal,” ani Matthew.
         “Pasensiya na, dude, masyadong busy,” tugon ni David. Lumapit si Mateo kasama si Jona, may tangan si Jona’ng ice cream na nasa porcelain ice cream bowl. Umupo si Mateo sa tabi ni Reghie.             “'Siya na ba ang anak niyo? Kumukha mo, Dude, pero sana huwag lumaking katulad mo,” pagbibiro ni David.  
        “Yaya Jona, please sit beside me,” yaya ni Mateo sa kanyang yaya. Ang tangkang pag-upo ni Jona ay natigil nang mabitiwan nito ang hawak na ice cream bowl. Napatayo si David mula sa kinuupuan nito habang nakatitig kay Jona at ganoon din si Jona.  
         “Ehem! Ano 'yan, Dude, love at first sight?” biro ni Mark at noon naputol ang titigan ng dalawa. Nagbaba-taas ang dibdib ni David sa sunod-sunod na marahas na paghinga nito saka muling umupo. Pinaupo na rin ni Reghie si Jona at nag-utos na lang sa isang staff ng caterer para siyang kumuha ng ice cream ni Mateo.                   “She’s a nanny?” tanong ni David habang nakatitig sa nakayukong si Jona.  
            “Yes, yaya siya ni Mateo,” sagot ni Reghie.
           Noon naman lumapit si Shiela na siyang namahala sa lahat para sa gender reveal party at maging sa kasal nila ay ito rin ang kinuha nilang gagawa ng lahat.
            “It’s about time to reveal the gender of the baby. Move your ass couple and slice the cake,” magiliw na utos ni Shiela.  
           Excited na tumayo si Reghie at Matthew. Ito na ang pinakahihintay nila, ang malaman ang kasarian ng kanilang anak. Malalaman nila ang gender ng kanilang anak kapag hiniwa nila ang cake. Kapag pink ang kulay ng loob ng cake ay babae at kapag blue ay lalaki. Last week ay muli siyang nagpa-ultrasound pero ang tanging nakakaalam ng result ay si Shiela at ang Mommy Camellia niya.
           Nakaalalay si Matthew kay Reghie na tinungo ang lugar kung saan nakalagay ang isang white fondant cake with cute toppers; there are lots of baby pink and baby blue dots with different sizes scattered the whole cake and the blue and pink shoes  on top of it.
May nakasulat din sa gilid ng cake na “He or she? Can’t wait to see”. May mga blue and pink cup cakes din na nasa cupcake stand.  
           Agad na kinuha ni Matthew ang cake knife at ibinigay kay Reghie. Nagsitayuan ang lahat. Katulad nila ay mababakas din ang excitement sa mga mukha nito. Hindi pala lahat. Si David at Jona ay naiwan na nakaupo. Nakatitig pa rin si David kay Jona. Napangiti si Reghie nang mapansin iyon. Hinawakan ni Matthew ang kamay niya at saka sinimulang hiwain ang cake nang patatsulok. Pigil ang hininga niya habang kinukuha na ni Matthew ang slice cake. Nais niya ay isang babae talaga ang maging anak at ganoon din ang nais ng asawa niya.
          As Matthew took a slice of cake the colored candies with color blue and pink was revealed. Para itong mga holen na nagsilaglagan mula sa loob ng cake. Ang agad niyang tiningnan ay ang kulay ng loob ng cake pero walang kulay iyon. Just a plain normal sponge cake. Hindi niya inaasahan ang mga candies kaya naguluhan siya bigla at maging ang lahat, maliban sa mother-in-law niya at kanyang Mommy Camellia na tuwang-tuwa.           “Congratulations! You are having a baby boy and baby girl. Your babies are twins!” Shiela declared na lubos na nakapagpagulat sa kanila dahil hindi naman kambal ang ipinagbubuntis niya.
          “What?! Pero hindi iyon ang resulta ng unang ultrasound.” Lumapit ang kanyang Mommy Camellia sa kanya na siyang kasama niya sa huli niyang prenatal check up.
          “The doctor didn’t detect on the ultrasound that you are carrying two babies since it was your first prenatal checkup.” Isang beses nga lang siyang nagpa-ultrasound noon at sinundan nga nitong seven months na ang kanyang tiyan. Kaya pala kakaiba ang mommy niya noong araw na iyon. Hindi mapalis-palis ang ngiti sa mga labi.            Napapa-wow si Matthew nang paulit-ulit. Umuklo ito, marahang hinaplos ang tiyan niya saka hinalikan iyon. Muli itong tumuwid ng tayo at hinalikan naman siya sa noo at kapagkuwan sa mga labi. Kitang-kita ang kaligayahan sa mukha ng asawa niya at kahit siya ay hindi makapaniwala nang sobra.   
           “Dude, paano mo nagawa 'yon?” naibaling nila ang tingin kay Iñigo na siyang nagsalita. Proud na itinaas ni Matthew ang isang braso at pinalo-palo ng kamay ang bicep nito.  
           “Sharp shooter, Dude! Sharp shooter!” Nagtawanan ang lahat sa sinabi ni Matthew, sumimangot naman si Iñigo at napansin iyon ng asawang si Andra kaya mabilis nitong sinapo ang mukha ng asawa at hinalikan sa labi. Gusto na ng mga ito na masundan ang kanilang anak pero hindi pa uli binibiyayaan. 
            “This is a pleasant day for all of us.” Bigla ang pagsalita ni Enrique gamit ang microphone. 
            “Regina, Matthew, congratulations for both of you. Maraming taon ang nasayang but at the end, kayo pa rin. Minsan may mga bagay talaga na hindi natin inaasahan na mangyayari. May mga taong akala natin ay hindi na muling makikita. Pero may isang bagay akong napatunayang totoo pala ang sabi ng iba.” Tumingin si Enrique kay Camellia.
            “Na kahit ilang dekada pa ang lumipas, true love never ends and the magic of first love will never fade. May pangako ako sa isang tao noon na hindi ko natupad at gusto ko sanang tuparin ngayon.”               Lumapit si Enrique kay Camellia na ngayon ay bahagyang nanglalaki ang mga mata. Ilang minuto nitong tinitigan si Camellia bago may hinugot sa bulsa at lumuhod sa harap nito. Napuno ng ingay ang paligid na lahat ay kinikilig. Tiningala ni Enriqu si Camellia at binuksan ang maliit na kaheta, tumambad ang isang napakagandang singsing.
           “Camellia, mahal ko, please be my wife. Will you marry me?” Hindi nakapagsalita si Camellia, nakatingin lang ito kay Enrique habang tutop ang sariling bibig ng isang kamay. Bakas ang pagkagulat sa mukha nito at hindi mapigilan ang mapaluha.
            “Diyos ko! Oo, papakasal ako sa 'yo!” Agad na tumayo si Enrique at isinuot ang singsing kay Camellia. Humiyaw naman nang paulit-ulit ang lahat ng “Kiss.” Nahihiyang nagpahid ng luha si Camellia.  
            “Go, Camellia! Ngayon ka pa ba magpapakipot? Palihim ka na ngang nagpapahalik diyan kay Enrique, e!” kantiyaw ni Nathalia at nagtawanan ang lahat.
            “Ate Nathalia, talaga!” Pinaunlakan naman ng dalawa ang request ng lahat. Ginawaran ni Enrique ng isang damping halik si Camellia sa labi saka masayang nagyakap ang dalawa. Napuno ng palakpakan ang buong paligid. Her parents are an ample of a happy and contented family.
              Nag-uumapaw sa kaligayan ang puso ni Reghie dahil sa mga nangyayari. Maayos na maayos na sila ni Amira ngayon at ito pa nga ang nagpresintang maging ninang ng ipinagbubuntis niya. Ang Mommy Almira naman ay tinanggap na si Christopher sa buhay nito. Tatlong linggo matapos ng malaking pagbabago sa buhay niya ay kinausap niya ang inang si Almira. Humingi ito ng tawad sa kanya. Naging emosyonal silang dalawa. Nagawa raw nito ang lahat ng iyon dahil sa pagmamahal nito kay Enrique at dahil na rin sa utos ng Ama nitong si Senior Claudio. Si Enrique ang gusto ng senyor para kay Almira at hindi si Christopher dahil mahirap lang ito.
               Hindi siya nito nagawang mahalin dahil naaalala raw nito si
Camellia sa kanya. Responsableng asawa si Enrigue at talagang napakabait pero hindi raw nito nagawang mahalin nang lubos si Almira dahil hindi raw nawala ang pagmamahal nito kay Camellia. Si Almira na rin mismo ang nagbigay sa kanya ng divorce paper na may pirma mismo nito. Alam nitong si Camellia pa rin ang mahal ni Enrique kaya dapat lang na palayain na nito si Enrique. Ngayon, alam niyang masaya na rin ang nakagisnan niyang ina sa panibagong buhay na mayroon ito. At hindi rin magbabago ang pakikitungo niya rito. Totoong minahal niya si Almira at mamahalin niya ito bilang kanyang Mommy Almira.
              

REGHIE felt Matthew’s grip tightened on her shoulder, planting a tender kiss on the side of her head. She gaped on his tall stance and he mildy shot her a mischievious wink. Tons of warm jitteries and giddy butterflies rushed into her stomach. Her sickening heartbeat made her feel happy yet enthralled. Hindi pa rin nagbabago ang epekto nito sa kanya. Kinikilig pa rin siya sa mga simpleng pagkindat nito sa kanya.
            “Do you love me?” asked Matthew. 
            “I love you, I fucking do!” then she replied and they both laughed with delight. 

-WAKAS-

My Bastard Ex  (Published Under LIB BARE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon