Chapter 13.2.3

31.3K 596 7
                                    

Published: September 7, 2013

CHAPTER 13.2.3

RICKY's POV Cont.

Natahimik na ako sa sinabi niya. Damn it, Ricky! Just accept the gift and move on!

"S-sorry, baby.  Okay, I'll accept it. Thank you." Hinimas-himas ko pa ang braso niya ng isang libre kong kamay. "Puwede bang isuot mo sa akin 'to?" I tried to lighten her mood.

She nodded pero mukhang malungkot pa rin. Isinuot na nga niya sa akin ang relo.

"This is a Rolex Chronograph. 12 pieces lang mayroon nito sa buong mundo and I happened to own one."  Sabi pa niya at napalunok na lang ako.

Natulala ako sa sinabi niya at kahit hindi man niya sabihin ang presyo ay  alam kong hindi birong halaga ang watch na 'to! Nickel finish siya, may silver and gold ang pinakaloob na design at leather strap siya na kulay brown.

"That looks good on you." Noon na nabago ang aura niya at sumaya na ulit.

Her gift is simply freaking me out.  I can't helped it. Felt like she bought me a house or something. Shit.

"T-thank you..." Pinilit kong ngumiti at hindi ko masabing masaya ako sa bigay niya pero alam kong wala akong choice kundi tanggapin ito. Alam kong sa ganitong paraan ko lang siya mapapasaya.

"You're most welcome."

I lean closer para halikan ulit siya sa labi. Agad niyang ipinulupot ang kamay niya sa leeg ko at alam kong gusto niyang palalimin ang halikan naming dalawa. Her reaction to my kisses is driving me nuts! I put my hands on her waist and pressed her impossibly closer against my body.

Bigla niyang pinutol ang halik.  Leaving us both, breathless... "H-hindi pa ako naliligo..." Nahihiya pang sabi niya.

"Hmmm..." I pressed my lips on a hard line. It's good na kinokontrol din niya ang sarili niya. Pakiramdam ko kasi nawawala din ako sa sarili ko.

"Magluto muna kami ni nanay ng para sa merienda. Right after at tsaka ako maliligo."

"You can't do that, mapapasma ka." Alala ko pang sabi sa kanya.

"Don't worry, magpapahinga naman ako after ko magluto."

"Okay..." Tumango ako at alam kong hindi naman siya papapigil.  She's giving a lot of effort. I am still not comfortable with this wrists watch. Hindi tama 'to pero ayoko namang ma-disappoint siya.

Naupo ako sa may hagdan habang pinagmamasdan ko si Katie na magkikilos sa kusina. Ang laki na talaga ng ipinagbago niya at alam kong malaki ang contribution ko sa pagbabago niya. Pero hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin completely nagsi-sink in sa akin na girlfriend ko ang anak ng isa sa pinakamayamang business tycoon ng bansa. At ang realidad, hindi siya nababagay sa akin.

Nang makita niya akong nakaupo sa may hagdan ay sinenyasan niya akong lumapit. Hindi na rin naman ako nag-alangan at lumapit na nga ako sa kanya. Abalang-abala rin ang nanay sa pagluluto. Ngumiti lang siya sa akin at kumindat. She likes Katie a lot... I think.

"Marunong na akong maghiwa ng vegetables!" Masayang balita pa niya at para siyang bata. Maliit na bagay lang na natutunan niya ay ikinakasaya na niya agad.

"Congratulations..." Ngumiti lang ako at bahagya kong pinindot ang ilong niya.

"Wala ka bang gustong imbitahin na friends mo?"

"Sa tingin ko karamihan sa kanila nasa Manila na. Nag-aaral at ang iba baka nagta-trabaho na." Naupo ako sa bangkito.

"Ahh... so, wala kang bisita?"

AND I LOVE YOU SOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon