Prologue

20.6K 462 107
                                    

Taong 2037 ito ang taon na naimbento ng Felix Corp. ang larong Dragon World Online. Sa tulong ng mga magagaling at matatalinong scientist ay nabuo nila ang game na to. Ang Dragon World Online ay isang Virtual Reality Massively Multiplayer Online Role Playing Game o mas kilala sa tawag na VRMMORPG. Maraming bansa ang nagpagawa ng sarili nilang server dahil na rin sa kasikatan nito ay napagdisisyunan ni Felix T. Ackerman ang may ari ng Felix Corp. na gumawa rin ng Server ng sarili niyang bansa.

Makalipas ng isang taon ay nilabas na rin ang Philippine Server ng Dragon World Online. Maraming kabataan ang naging excited dahil sa wakas ay nagkaroon na ng Server ng larong ito sa Pilipinas.

Ang Dragon World Online ay ginagamitan ng Cyber Rift. Ang Cyber Rift ay isang goggles at watch na magkakonekta. Mahahalintulad ito sa Nerve watch, Pulse Linker at Dimension Splitters na kailangan mong isuot at sabihin ang katagang "initiate" para maactive ang game system ng Dragon World Online. Automatic ng dadalhin ang iyong diwa sa loob ng laro.

============================================================

"Kuya gising na malelate na tayo sa school!!" *yawn* ang aga aga nang gigising na tong magaling kong kapatid.

"5:30 palang ng umaga nang gigising na to tsk! hayaan na nga lang." inayos ko na muna ang aking hinigaan bago bumaba.

Pagkababa ko ay binati agad ako ng kapatid ko.

"Good morning kuya heheh," Sinamaan ko lang siya ng tingin bago siya binati.

"Morning din, nga pala nasan si Mama?" Kaming tatlo at ang mga kasambahay namin ang nakatira sa 0bahay na to dahil nasa ibang bansa si Papa kasama sina Lolo Felix at Lola Victoria.

"Andun sa kusina kasama sina manang Krising," sagot naman nito.

"Ahh sige," tipid kong sagot.

"Good morning mga anak!" nakakagulat naman si mama.

"Ma nakakagulat naman kayo!" Napatawa na lang ako sa kapatid ko.

"Sorry mga anak hahaha, by the way ready na ba kayo sa bago niyong school?" Oo nga pala first day of school ngayon.

"Oo naman ma handang-handa na ako pero ewan ko sa isa jan hahaha!" Tsk! Ako naman ang pinagtitripan nito.

"H-handa na ko noh!" Pagsisinungaling ko.

"Sus. kuya wag mo ng itanggi alam ko naman na hangang ngayon di ka parin nakamove-on sa pagbubully sayo." Totoo ang nababasa niyo dahil mula grade 7 hangang grade 10 ay palagi na lang ako binubully.

"Shhh! Tama na yan baka malate pa kayo kung magaaway pa kayo." Saway samin ni mama.

Pagkatapos namin kumain ng agahan ay pumunta na ako agad sa kwarto para maligo at magayos.

"Ma alis na po kami ni kuya." Nagpaalam na kami kay mama at pumunta na sa school.

Hinatid ko muna ang kapatid ko sa school niya, grade 6 student palang ang kapatid ko at ako naman ay grade 11 kaya magkaiba ang school namin.

Di pa pala ako nagpapakilala sa inyo. Ako nga pala si Louie Ackerman, 17 years old, medyo may kaputian at syempre gwapo hahaha nasa lahi na namin kasi. Ang mama ko ay Half British, Half Filipino at ang papa ko naman ay Half Filipino, Half American.Nagaaral pala ako sa St.John International High School. Nerd rin pala ako kaya palagi akong nabubully doon saa dati kong school.

"Oi brad sa Misty Forest tayo mag hunting ang balita ko kasi ay magaganda daw ang bigay na loots dun."

"Oh sige brad maya paguwian."

"Tungkol saan kaya ang pinaguusapan nila?" Tanong ko sa sarili ko.

Pinabayaan ko na lang sila at pumasok na sa gate ng school, pumunta muna ako sa bulletin board para tingnan kong saang section ako.

Dragon World Online: Rise Of The Dragon GodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon