Chapter 10

601K 16.3K 2.2K
                                    

Chapter 10


Nakaharap ako ngayon sa napakalinaw na salamin. Hindi ako humble para sabihing hindi ako maganda. Pinanganak na akong maganda at mas gumanda pa ako sa ayos ko ngayon. Hindi ko akalaing may igaganda pa pala ako.


"Perfect!" sabay na sabi ng mga supportive kong kaibigan. Sila lang naman ang nagbantay sa mga baklang nag ayos sa akin. Hindi ko alam kung bakit parang sila pa ang handang handa sa gabing ito.

Sa halip na ilugaw ang aking mahabang alon alon na buhok ay mas pinili ng aking mga kaibigan na itaas ito.

It's a messy bun.


"Tama 'yan Florence.. you should show your best asset..your sexy neck, your sexy shoulder..your sexy nape na nagpabaliw sa Ferell na 'yon" hindi na ako sumagot sa sinabi ni Aira.

I want to look beautiful, not for him but to myself. Napairap na lang ako sa aking sarili. Pati ba naman sarili ko ay niloloko ko?


"Florence listen..hindi mo aakitin si Nero okay? Just punish him for that Montero incident.. he can stare at you forever but he can't touch you. Learn his limits, you're already taken. Ibang klase talaga ang Ferell na 'yon" Kita ko sa repleksyon ng salamin ang sabay na pag irap ng mga kaibigan ko.

Hindi ko na lang sila pinansin at muli kong hinagod ng tingin ang aking kabuuan. Tumama sa hakab ng aking katawan ang napili kong isuot. And I love it.

This lush long dress emphasizes my curves and even my delicate skin.


"Hindi ba masyadong labas ang cleavage ko dito?" bahagya kong itinaas ang dress ko na agad namang tinampal ng mga kaibigan ko.


"'Yan ang uso ngayon, huwag kang masyadong maria clara okay? Baka masabunutan kita" inirapan ako ni Aira na nakasuot lang naman ng red tight fitting dress na labas ang magkabilang tagiliran.

Pinayagan ba siya ni Jare na magsuot ng ganyan?


"Ngayong gabi na magkakaalaman Florence...kung makukumpirma mong si Nero nga ang walang hiyang driver ng Monterong 'yon at malaman mo rin na siya ang textmate mo? Back in each other arms again na ba ang sunod?" nakataas na kilay na tanong sa akin ni Camilla.

Diretso kong tinitigan ang kaibigan kong nakasilver tight fitting dress din na labas naman ang pusod.


"I have Ashong and he has Cassidy, tapos ang usapan" lalong umarko ang kanilang mga kilay sa sinabi ko.

Siguro ay hindi na talaga matatapos ang usapan naming ito kung hindi pa ako ang titigil.


"Mauuna na ako sa venue, wala si Ashong para sunduin ako may meeting pa siya hanggang 8:00, kayo? Mukhang susunduin kayo ng mga boyfriend nyo right?" sabay silang tumango sa tanong ko


"Gusto mong sumabay sa amin?" tanong sa akin ni Aira


"Baka sa gulong ako pasakayin ni Jare" ismid na sagot na tinawanan naman niya


"Sa amin ka na lang sumabay Florence..." sabat naman ni Camilla


"Baka kapain pa ni Doctor Thomas kung may bukol ka pa, you need privacy" sabay kaming tumawa ni Aira sa sinabi ko habang napanguso naman si Camilla sa sinabi ko.

Back In His Arms Again (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon