Chapter 29

296K 2.9K 162
                                    

Chapter 29

MARIE'S P.O.V

Kinabukasan nagising ako nang mag-ring ang cellphone ko. Tulog pa rin siya sa tabi ko, napagod yata kahapon sa charity. Namigay rin siya ng mga stuff toys sa mga bata tapos kaunting pera sa charity.

"Hello?"

"Marie! Omayghad! I miss you!!" Sigaw ng isang babae sa kabilang linya. Inilayo ko ng kaunti yung phone sa tenga ko para tignan kung sino. Napataas ang kilay ko nang makita kong si Jasmin ang tumatawag, barkada ko.

"Gaga! Miss agad?" Natatawang bulong ko. Gumalaw ng kaunti si Kyle kaya naman tumayo ako at sa CR ko siya kinausap.

"Hoy bru! Birthday ko bukas! Hindi pwedeng hindi ka pupunta sa party ko!" Sigaw niya.

Nanlaki ang mata ko.

"Shit. Bukas na ba yon?! Hahaha! Sure pupunta ako! Sa dati pa rin ba?" Masayang tanong ko. Nami-miss ko na ring magparty, you know maglasing with my bitch friends. Ang boring lang ng buhay ni Kei, si Kyle lang hindi boring.

"Yep! Sa dati pa rin! 8pm sharp bitch! Ciao!" Tumango-tango na lang ako kahit hindi niya ako nakikita. Pinatay ko na ang cellphone at paglabas ko gising na siya.

Nakaupo siya sa kama habang hinihimas ang sintido niya. Lumapit ako sa kanya.

"Hey, you okay?" Tanong ko. Nakakunot ang noo niya sa akin, pero ngumiti siya.

"I'm fine, baby." Malambing na sabi niya. Hinila niya ako at hinalikan sa ulo, kung ganito ba naman ang yayakap at hahalik sayo pag umaga talagang maganda ang simula ng araw mo!

"Sumakit lang ang ulo ko." Sabi niya. Maya-maya tumayo na rin siya at naligo, may mga damit pala siya dito sa unit ni Kei pero bakit wala pa ring nangyayari sa kanilang dalawa?

*

"Tomorrow? Bakit biglaan?" Narinig kong tanong ni Kyle dun sa Felix. Siya pala yung babaeng bumati sa akin kahapon, akala ko naman lalaki siya.

Nakatingala lang ako habang pinagmamasdan ang mga pictures dito sa office niya, hmm mahilig pala siya sa photography.

"Hindi ko alam, pero pinaayos ko na sa secretary natin yung function room para sa mga guest. Biglaan talaga, kaninang umaga lang daw tinawagan si Mae na gusto raw ni Mr. Guiller na magpa-exhibit ka bukas. Alam mo naman si Mr. Guiller mahilig sa biglaan." Natatawang sabi ni Felix.

"Aish! Ang dami ko pang tatapusin, yung mga model pa ng Shoe Lace hindi ko pa nakukuhanan." Problemadong sabi ni Kyle.

"Don't worry sinabihan ko na si Tray na siya na muna ang bahala sa ibang model."

"Thank you, Felix! Sumasakit na ang ulo ko. Hey baby, maupo ka muna." Napalingon ako sa kanya.

"Nga pala bakit hindi mo isama si Kei bukas? Mas maganda siguro kung isama mo siya, panahon na rin para makita niya yung ibang obra mo sa photography." Natatawang sabi ni Felix. Tinignan ako ni Kyle.

Napatango naman siya.

"That's a great idea. Baby! Be my date!" Sabi niya sabay kinindatan ako. Nanlaki ang mata ko.

"Huh?"

"Anong oras Felix?"

"Hmm, 8pm sharp!" Sigaw nung Felix bago lumabas ng office ni Kyle.

Tumayo si Kyle.

"May surprise din ako para sa girlfriend kong malabo." Natatawang bulong niya. Hinila niya ako at pinaupo sa lap niya.

"Malabo?" Pagtataka ko.

"I'm sorry, baby. Pero kaya pinilit rin kitang isama ngayon dito dahil kailangan nating mag usap." Ma-awtoridad na sabi niya. Mukhang seryosong usapan ito, I guess?

"And?"

Hinigpitan niya ang yakap niya sa akin, ipinikit ko ang mata ko para mas maramdaman ko yung yakap niya.

"Hindi ka ba naninibago sa atin? Hindi na tayo katulad nung dati. Dahil ba 'to sa nangyari nung new year?" May halong pag-aalalang tanong niya. Iminulat ko ang mata ko.

"Marami lang talaga akong iniisip baby." Sagot ko saka lumunok ako.

"Ano bang sabi ko sa'yo? Boyfriend mo ako kaya dapat sinasali mo ako jan sa problema mo." Medyo may pagbabanta yung boses niya.


"I'm sorry..." Yun lang ang tanging nasabi ko. I know sweet siya, pero hindi naman pwedeng pakialaman niya pati mga problema ko. Hmm, well wala naman akong problema bukod kay Kei.

Biglang gumapang ang kamay niya sa hita ko kaya napalunok ako.

"Bumalik na tayo sa dati. Ayoko na ng ganito, yung parang walang pakialamanan. Umaalis ka na lang palagi ng walang paalam." Bulong niya habang nagtataas baba ang kamay niya sa hita ko. Damn it.

"Uhmm... So-sorry." Nauutal na sagot ko, bigla siyang umubo. Inayos niya ang dress ko at tumayo na siya.

"Nakalimutan kong nasa office tayo. Wala ba kayong lakad nila Jade?" Tanong niya. Siguro kailangan ko na ring umalis para makatakas sa mga tanong niya arg!

"Ahh! Yeah meron! Aalis muna ako!" Nakangiting sabi ko.

Hinila niya ako sa bewang at sandaling hinalikan sa labi. Sandaling halik na naman.

"Mag-ingat." Bulong niya. Tumango ako at lumabas na ng office niya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba.

Nag-ring ang phone ko mabilis kong sinagot 'yon.

"Hey! Magdala ka ng extra clothes! It's a pool party!" May party nga pala si Jasmin bukas at hindi ko pwedeng ma-miss 'yon! Tapos yung exhibit pa ni Kyle sumabay pa!

Napatigil ako sa paglalakad.

"I don't have a choice!" Padiyak ko.

Akin Ka [Published under Sizzle/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon