Chapter 27

63.3K 1.9K 500
                                    

Angelique's POV

"Shh. Wag kayong maingay baka mahalata ni mommy na gising na tayo." Saway ko sa kanila.

"Eh I'm so excited na kase talaga ate!" Maktol ni Sachel.

"I know bunsoy. Si ate din naman o. Gisingin niyo na si kuya, tapos na to."

"Ikaw na lang tumawag kay kuya Sachel. Liligpitin ko lang tong mga kalat dito." Utos ni Amour.

"Okay lang ba?" I asked her.

"Naman ate! Panigurado akong masarap din yan."

"Thanks Amour! Haaaay! I'm so excited na din!"

Pumasok na si kuya sa room namin. "Kuya we're ready na! Let's go?"

"Let's go to mom's room now." He ordered.

Magkakasabay kaming naglakad papunta sa room ni mommy.

"Bubuksan ko na ha?" Excited na sabi ni Sachel. "One.. two.. three.. Happy-"

"Wala si mommy?" I asked.

"Maybe she's already downstairs. Cooking for our breakfast." Kuya said.

"Oh edi tara na sa baba." Aya ko.

Nagsibabaan na kami pero si mommy wala.

"Manang. Si mommy mo?"

"Ay umalis iha. Nagmamadali nga e. Ako na daw muna ang bahala sa-"

"Kakaalis lang po ba?" Kuya asked.

"Oo iho. Baka nga hindi pa nakakalabas ng subdivision-"

"Get in the car now." Mabilis kaming sumunod kay kuya. "Fasten your seatbelts."

Tinry namin habulin si mommy but she's no where to find out until kuya's phone rang. "Hello?"

"Sino yan kuya?"

"It's tito Blake."

"Loudspeaker mo kuya!" Sabi ni Amour.

"Oo nga po kuya. So we can hear him. Hi tito Blake!"

"Wow. Gising na ang mga Dawson?" Sabi ni tito Blake. "By the way papunta dapat kami diyan sa inyo dahil nga birthday ni Ms. Keisha kaso nakita namin siyang nagmamadaling umalis kaya sinundan namin siya."

"Nasan kayo tito?"

"Andito sa Sampaloc Road. Sobrang bilis magpatakbo ni Miss kaya akala ko nahirapan kaming habulin."

"Just follow him tito. Susunod na din kami diyan." Bilin ni kuya.

"Okay. No problemo. Basta ilibre niyo kami mamaya ha. Ingat kayo diyan."

Nag-drive na nga si kuya. Mabilis pero safe naman. Iniinform din kami maya't-maya nila tito kung nasan na sila.

"Kuya sigurado ka bang andito sila?" Hindi ko napigilang tanungin. Nandito kami ngayon sa tapat ng lumang bahay namin. Ito yung bahay namin na sinunog noon but now it doesn't look like a house. It's more like a hide-out.

"Bakit naman pupunta si mommy dito?" Nagtanong naman si Amour.

"We need to find out. Tara na. Dahan-dahan lang kayo."

Binuhat ko si Sachel. "Ate may ginagawa ba si mommy na hindi natin alam?"

Niyakap ko siya. "Hindi ko din alam bunsoy. Basta may tiwala tayo kay mommy diba?"

Sinalubong kami nila tito pagbaba namin ng sasakyan. Nagmano naman kami sa kanilang lima.

"Tito kelan pa nagkaron ng ganyan diyan?"

"Hindi ko nga rin alam e. Matagal na namin hindi binalikan tong lugar na to kaya wala kaming alam na natayuan na yan ng ganyan." Sabi ni tito Chris.

"Sigurado ba kayong andiyan si mommy?"

"Asus. Kami pa ba ang magkakamali?" Psh. Andito na naman po ang pinakamayabang namin na tito.

"Let's go inside." Utos ni kuya.

Dahan-dahan kaming naglakad papasok sa loob. Tahimik at maingat. Nakaramdam ako ng kaunting kaba dahil hindi ko alam kung sino ang aabutan naming kasama ni mommy sa loob.

Andaming tanong ang naglalaro sa isip ko ngayon.

Anong ginagawa ni mommy dito?

Siya ba yung nagpagawa ng hide-out na to?

Para saan?

Sinong kasama niya?

May ginagawa na siyang masama?

"Walanghiya ka talaga! Huhu! Akala ko talaga kung napano ka na! S-sabi mo dun sa text naaksidente ka tapos.. tapos nahihirapan ka ng kumilos.. huhuhu. Tapos yun pala nange-echos ka lang! Grabe ka talaga!"

"Boses ni mommy yun a." Bulong ko.

"Shhh.." Saway ni kuya.

Naglakad kami palapit sa pinanggalingan ng boses at habang papalapit kami ay nadaanan namin ang mga red petals na nakakalat sa sahig... marami ding stick-o na mga nakasabit mula sa taas. Alam niyo yung pabitin? Parang ganun yung scenario.

"Sarap nito a!" Kumuha pa nga si tito Kane e. Nakigaya na din tuloy si Sachel na enjoy na enjoy sa pagkain.

"Siyempre kailangan kong tapatan yung sorpresang ibinigay ng BOYFRIEND mo MAHAL kong ASAWA.." Sabay-sabay na nanlaki ang mga mata namin. As in literal talaga! "Hinding-hindi ko pwedeng palampasin tong araw na to. Happy happy birthday wifey.."

Is this for real?!

"MOM?! DAD?!" Gulat at sabay silang napalingon saming lahat.

"ANAK NG! KAYO NA BA ULIT DALAWA?!" Bulyaw ni tito Kane ng makabawi siya.

Gusto kong mag-react pero hindi ko alam kung paano. Sila na ba talaga ulit?

Ngumiti si mommy pero agad din namang sumimangot sabay bunot ng baril ni daddy. "AKIN YANG STICK-O NA YAN KANE!" Sigaw niya bago hinabol ng paputok si tito.

Teka nga! Naguguluhan pa din ako. Ano na ba talagang nangyayare? Nananaginip ba kaming lahat?!

***

What's happening guys? For real na ba ang pagbabalikan nila?

MARRIED TO A MAFIA BOSS Book 3 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon