Chapter 30

303K 3.3K 123
                                    

Chapter 30


KEI'S P.O.V

Marahan kong iminulat ang mata ko at dahan-dahan akong humarap sa kanya. Nanlalamig pa rin ang kamay ko at pakiramdam ko nanghihina ang tuhod ko ngayong kaharap ko na siya. He's wearing a three-piece suit. Ang gwapo niya at amoy na amoy ko ang perfume niya na alam kong kina-adikan kong amoyin noon hanggang ngayon. Yung mata niya sobrang lalim ng tingin sa akin na para bang nilalamon ako ng mga ito dahil sa pagmamahal niya sa akin. Napansin ko pa ang pagkinang ng mata niya dahil sa saya. Inilahad niya ang kamay niya sa harapan ko na para bang bumalik ako sa high school nung panahong JS Prom ko, kabado ako at parang ito ang first date ko.

Dahan-dahan kong inangat ang kamay ko para mahawakan ang kamay niya. Napalunok ako nang magdikit na ang palad naming dalawa.

Marahan niya akong hinila palapit sa kanya at hinapit niya ako sa bewang ko. Ramdam ko ang mata ng mga tao sa paligid namin pero wala akong pakialam, dahil nakatuon ang buong sistema ko sa kanya lang.

Napapikit ako nang haplusin niya ang likod ko pababa, yung palad niyang alam kong punong puno ng pag-iingat sa akin, sobrang kinasabikan ko ang mga iyon.

"You look perfect." Bulong niya at halos malasing ako sa bango ng hininga niya. Amoy na amoy ko rin ang after shave niya.

Napalunok na naman ako nang marinig ko ang tibok ng puso niya. Napapikit ako ng sandali niyang ilapat ang mainit niyang labi sa labi ko. Limang segundo lang 'yon pero pakiramdam ko nababaliw na kaagad ako sa halik niya.

"Ikaw ang pinakamaganda ngayong gabi, baby. But I don't like your dress." Seryosong sabi niya. Napangiti ako, possessive pa rin siya. Na-miss ko talaga siya.

"Maraming nakatingin sa atin ngayon dahil ang sexy mo masyado. Balak mo bang akitin lahat ng lalaki dito sa exhibit ko?" Nakakunot na ngayon ang noo niya. Nginitian ko siya.


"Ikaw lang naman ang balak kong akitin sa exhibit na 'to... Because this is your night." Bulong ko sa kanya. Napansin kong namula ang tenga niya. Nahihiya na siya ngayon dahil sa sinabi ko, napansin ko rin ang magkasunod na paglunok niya.

Ngumisi siya nang hindi inaalis ang tingin sa mga mata ko. Inilapit niya ang labi niya sa tenga ko at halos magtayuan ang balahibo ko nang bumulong siya.

"Then, you got me. Naakit mo na ako, kahit na nakatalikod ka pa lang kanina."

"Ehem! Excuse me lang ha? Medyo rated SPG na kayo dito." Natatawang sabi ni Felix, mariin na ipinikit ni Kyle ang dalawang mata niya at kita ko sa mukha niya ang pagkainis sa nagawang pang iistorbo ni Felix sa aming dalawa.

Sandali niyang hinalikan ang noo ko at pagkatapos inilagay na niya ang kamay ko sa braso niya para alalayan ako. Humarap kami kay Felix.


"Wow. Ikaw ba 'yan tomboy?" Bawi ni Kyle sabay ginulo ang buhok ni Felix.

"Magandang tomboy." Natatawang sabi ni Felix. Ayaw niya lang siguro masira ang gabi niya sa pang-aasar ni Kyle sa kanya kaya tinanggap na lang niya ang pagtawag sa kanya nito ng tomboy.

Napansin ko ang nakangiting sila Tita Sabrina sa lugar namin. Kinawayan nila ako at nag thumbs up pa si Tito Michael. Nag-init ang mukha ko ng maisip kong pinapanood nila kami kanina ni Kyle.

Ngumiti na lang ako sa kanila kahit nahihiya ako, napatingin naman ako sa kaliwa ko kung saan naghahagikhikan ang mga kapatid ni Kyle.

Hindi binitawan ni Kyle ang kamay ko kahit na may mga nilalapitan siya para kausapin ang mga ito. Napapangiti pa nga ako sa tuwing ipapakilala niya ako hindi bilang girlfriend, kundi bilang fiancée niya. Pero kasabay non ang pagkirot ng puso ko nang maisip kong baka nag-propose siya kay Marie nung mga panahong malayo na ako sa kanya.

Mga isang oras na din bago matapos makipag-usap si Kyle sa ilang bisita niya, naiwan kami sa isang table. Nilingon niya ako at nginitian, bakit ba ang gwapo niya? Hindi ko napigilan ang sarili ko kaya naman nilamutak ko ang mukha niya, hinila hila ko ang pisngi niya.

"Baby, what are you doing?" Natatawang tanong niya.

"Ang gwapo mo." Wala sa wisyong sabi ko at patuloy pa rin ang paglamutak ko sa mukha niya.

"A-aray! Baby, pinanggigigilan mo ba ang mukha ko?" Nakatawang sabi niya. Hinuli niya ang kamay ko pero pilit ko pa ring nilamutak yung mukha niya.

"Argh! Bakit ganyan yung mukha mo?" Nakangiwing sabi ko, ang gwapo kasi masyado, sarap paglaruan ng mukha niya.


May lumapit ulit sa amin ni Kyle kaya naman hinuli niya ang dalawang kamay ko at pilit na ibinaba iyon.

"Mr. Cando kakaiba ngayon ang mga pictures na kuha mo, mas gusto ko ang style mo ngayon. Pwede ka ba sa wedding anniversary namin ng misis ko?" Sandali kong tinignan yon, artista siya, pero wala akong pake. Okay, binalik ko ulit yung tingin ko kay Kyle, pilit kong hinila ang kamay ko sa pagkakahawak niya at hinila ko ang magkabilang pisngi niya.

"Baby!" Sigaw niya pero nakatawa pa rin siya, at kahit nilalamutak ko ang mukha niya humarap siya dun sa artista.

"Sure, Denmark kaila...kailan ba yon?" Nahihirapang sabi niya dahil sa pang-gugulo ko sa mukha niya.

"Hahaha. Next week, ayos yang trip ng fiancée mo ha!" Pang-aasar nito bago kami iniwan.

"Hey, hey!" Suway niya saka mahigpit na hinawakan ang kamay ko at tinignan ako sa mata.

"Gwapo." Bulong ko. Ngumisi siya at mas lalong nanlaki ang mata ko dahil mas lalo siyang gumuwapo sa paningin ko.

Napansin niya siguro 'yon kaya mas lalo niyang hinigpitan ang kapit sa kamay ko.

"Baby, stop. Ang sakit na ng mukha ko, kung gusto mo mamaya mo na ako pang-gigilan, h'wag muna ngayon magsasalita pa ako sa harapan." Nakangiting sabi niya, pero nakatulala lang ako sa mukha niya. Ano bang nangyayari sa akin?

Napapikit ako ng halikan niya ang pisngi ko.

"Later." Bulong niya at hinalikan niya rin ang kamay ko.

Nagsasalita na ngayon si Felix sa gitna, hindi ko na naintindihan yung sinasabi niya dahil kumakain naman ako ngayon, nagutom ako. Bakit ganon? Napangiti na lang ako at umiling.

"Water?" Tanong niya sa akin, umiling ako. Napangiti siya sa akin at umiling-iling.

"Why?" Tanong ko.

"Nothing... Takaw." Pang aasar niya. Tinignan ko siya ng masama.

"Hahaha! Okay lang, maganda ka pa rin kahit ang takaw mo." Pang-aasar niyang ulit. Hinampas ko siya pero tinawanan niya lang ako.

"MR. KYLE CANDO!" Pareho kaming natigilan nang sumigaw si Felix sa mic. Nagtawanan naman ang mga bisita.

Tumawa si Felix.

"Pasensya na kayo, masyado talagang PDA yang dalawa na 'yan." Natatawang sabi ni Felix at sumenyas siya kay Kyle na lumapit dahil siya na ang magsasalita. Napatawa ako nang maisip kong kanina pa siguro siya tinatawag ni Felix.

Nanlaki ang mata ko nang halikan muna ako ni Kyle sa labi bago siya tumayo.

"Yieee!!" Sigawan ng mga tao. Pakiramdam ko nag init ang mukha ko sa ginawa niya.

Nakatulala lang ako sa kanya ngayong nakatayo na siya sa gitna. Napansin kong may isang parang malaking frame don pero nakatakip pa yon ng black na tela.

"Good evening, ladies and gentlemen." Nakangiting bungad niya.

"7 years ago, my Mom asked me kung ano daw bang gusto kong gawin? Ang sagot ko, hindi ko talaga alam." Nagtawanan lahat ng tao sa kanya, kasama ko na rin pala ngayon sa table ang family ni Kyle. Nakangiti silang lahat ngayong nagsasalita na si Kyle.


"Well, ganun naman yata talaga kapag tatapak ka pa lang ng college, maguguluhan ka. Pero dinala pa rin ako ng mga paa ko sa gusto ko, ang photography." Seryosong sabi niya. Lahat ng tao nakangiti sa kanya.

"Ang dami ngang nagsabi sana daw nag-model na lang ako gaya ng parents ko kasi ang gwapo ko raw." Pagyayabang niya. Nagtawanan na naman yung mga tao.


"Yuck! Kuya Kyle! Kadiri!" Sabay-sabay na sigawan ng mga kapatid niya. Tumingin siya sa pwesto namin.

"Gwapo pa rin." Pagpupumilit niya. Naghalakhakan na naman kami, pati ang Mommy niya naiiyak na sa katatawa dahil sa kayabangan niya.

"Pero seryoso, hindi ako nagsisisi sa napili kong career, dahil itong photography ang naging sariling mundo ko." Napangiti ako nang sabihin niya 'yon. Naalala ko nung kasasagot ko pa lang sa kanya, sinabi na niya sa akin na mundo niya ang photography.

"Nung nasabi ko naman sa sarili ko na mundo ko ang photography. Ang tanong ko naman bakit nga ba naging mundo ko 'to?" Nakatingin lang siya sa akin habang sinasabi ang mga yon, napakunot ang noo ko dahil medyo nalalabuan ako sa sinabi niya, pero kasabay non ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

"Isang araw nasagot na lang ang tanong na 'yon." Hinila niya ang itim na tela sa frame at napatakip ako ng bibig ko nang makita ko ang first picture naming dalawa sa office niya. Magkakasabay na hiyawan ang naging reaction ng lahat dahil sa itsura namin ni Kyle sa picture.

"Dahil dito ko pala makikita ang sarili ko na punong-puno ng saya."

Isang malakas na palakpakan ang narinig ko kasabay ng sigawan ng mga tao, narinig ko rin ang pang-aasar sa akin ng mga kapatid niya maging si Felix, pero unti-unti rin nawala 'yon sa pandinig ko dahil sa mga titig niya sa akin. Hindi ko na namalayan na tumulo yung luha ko. Ibinalik ko ulit ang tingin sa picture, napangiti ako kasabay ng pagtulo ng luha ko nang makita ko ang nakangiting si Kyle sa picture na titig na titig sa akin. Sobrang saya niyang tignan sa picture habang nakayakap ako sa kanya. Bakit hindi ko napansin 'to nung araw na kinuhanan niya yan? Ibang-iba yung ngiti niya, na parang ako lang yung babaeng ngingitian niya ng ganon, yung punong puno ng pagmamahal.

Hindi ko na namalayan na nasa harapan ko na siya at inalalayan akong tumayo, pinunasan niya yung luha ko.

"Sabi ko na nga ba iiyak ka. Baby, naman..." Nakangiting sabi niya habang patuloy na pinupunasan yung pisngi ko. Napansin ko ring medyo namumuo ang luha sa mga mata niya, pero mukhang pinipigilan niya.

"Kasi naman ikaw..." Umiiyak na bulong ko.

"Shhh... Kagabi ko lang din nakita kung gaano ako kasaya sa picture na 'yan. Naisip ko tuloy magiging masaya pa kaya ako kapag nawala ka? Sa tingin ko hindi na, dahil wala ng ibang makakapagpangiti sa akin ng ganyan kundi ikaw lang. Kasi ikaw lang naman yung babaeng minahal ko ng ganito."


Akin Ka [Published under Sizzle/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon