21

46.8K 958 35
                                    







Chapter 21




Kaarawan na ng patay!! Awoooo.. Kdie I'm so corny.. Hihi, kasi naman po si Shane niloloko ako may multo daw sa kwarto ko ang pangalan daw ShaBie, para talagang bata kung minsan yon, pero sabagay bata pa naman talaga kaming dalawa.





"Iha! Nandyan na ba ang kandila?!" Sigaw ni Tita Marie saakin, pupunta na kasi kami sa pantsong, para bisitahin si Mama at Papa.




"Opo Tita!" Sagot ko!




"Oh! Halika na at hinapon na tayo sa pagdalaw sa mga Papa mo! Baka mamaya tayo po ang dalawin non!" Humahagikhik na sabi ni Tita!




"Edi maganda Tita para naman mayakap ko siya!" Masayang sigaw ko.




"Sira kang bata ka! Kung yayakapin ka man ng Papa mo puro buto na ang mararamdaman niya sayo! Napakapayat mo na!" Sermon saakin ni Tita,sumakay na kami sa kotse na ginagamit ni Tita sa meat shop.





"Ikaw ba Abhie eh nililigawan nung dalawang lalaki na palaging nasa bahay? Nako sinasabi ko lang sayo, pinapayagan kitang makipagkaibigan o ligawan pero h'wag na h'wag ka munang magbo-boyfriend jusko napakabata mo pa!" Litanya ni Tita habang nagmamaneho!





"Tita! Hindi naman po boyfriend! Kaibigan lang!" Natatawang sabi ko, hindi ko naman talaga boyfriend si Shane at Stan, kaibigan ko lang sila. Yun nga lang espesyal yung saamin ni Shane! Hihihi.





"Nako nako, eh kung mag agawan nga lang sa upuan yung dalawa na yon parang magsasapakan na para lang makatabi ka! Pagkukukurutin ko kayo sa singit eh!" Hiyaw ni Tita, tinawanan ko nalang si Tita dahil grabe siya magreact!





Pagkadating namin sa pantsong tinulungan ko na si Tita magbitbit ng bulaklak at pagkain namin dalawa, marami pa ring tao kahit na hapon na, yung iba yata mag-o-over night.





Pero napanganga kaming dalawa ni Tita ng makita namin si Shane na nakaupo dun sa gilid ng puntod nila Mama! May bulaklak ng nakapatong dun at kandila!





"Oh? Mukhang nililigawan pati ang magulang mo eh, tapos sasabihin mo saakin hindi ka niyan nililigawan?" Bulong ni Tita, umiling iling ako.




"Tita ano ka ba kaibigan okay."




"Sus.."





"Shane!!" Sigaw ko, napatingin siya sa pwesto namin ni Tita at kaagad siyang tumayo para kuhanin ang mga bitbit namin.





"B-bakit ka nandito?! Wala ba kayong patay?!!" Sigaw ko sakanya, tinawanan niya lang ako.




"Nagpunta na kami kaninang umaga, nagpababa nalang ako sa driver namin dito.." Paliwanag niya, umupo ako sa tabi niya at sinindihan ko na yung kandila.





"Shane.." Napatingin si Shane kay Tita, nagtawanan kami dahil si Papa pala ang kinakausap niya!





"Nako Shane! May nanliligaw na dito sa anak mo! Shane din ang pangalan!" Nakangising sigaw ni Tita, nanlaki ang mata ko! Hindi lang yon parang nag iinit yung mukha ko dahil sa sinabi ni Tita!





"Pa! Hindi totoo yan!" Sigaw ko, narinig kong ngumisi si Shane.





"Defensive." Bulong niya! Napatingin ako sakanya pero napalunok ako ng ngitian niya lang ako.





"Narinig mo na Shane? Mukhang nililigawan talaga, ano? Kukurutin ko na ba sa singit itong si Abhie?" Tumatawang sabi ni Tita.




"Tita naman!!!" Sigaw ko, pero tinawanan lang ako ng tinawanan ni Tita, si Shane naman pinisil lang ang ilong ko at nginitian ako.




Napahawak ako sa pisngi ko, nag iinit ang mukha ko sa sobrang kahihiyan.



Sandali kaming natahimik nila Tita, hanggang sa magyaya si Shane na maglakad lakad dito sa sementeryo, ayos din ang galaan namin ngayon eh noh? May mga kabataan din naman na pagala gala ngayon dito sa sementeryo, actually grupo grupo sila.





"Sabi nila madami daw multo dito.." Panimula niya, natawa naman ako!




"Natural sementeryo kaya 'to Shane!" Sigaw ko sakanya.




"Pero isa lang yung hina-hunting nila.. Ikaw yun Abhie!" Natatawang sabi niya.





"Ang corny mo talaga Shane!" Sigaw ko sakanya pero tinawanan niya lang ako, napatingin ako sa kamay naming dalawa ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.





"Take my hand..will fly to the sky.." Kumakantang bulong niya.




"Lakas mo." Pang aasar ko sakanya, maganda naman ang boses niya pero palagi lang siyang pabulong kung kumanta.





"Seryoso ka?" Tanong niya, inalalayan niya akong makaakyat sa isang puntod.





"Sorry po!!" Sabi ko dun sa puntod, patigil kaming pareho ni Shane ng mapansin naming walang bulaklak o kahit isa manlang na kandila yung puntod.




Napaupo kaming dalawa dun, binasa ko yung lapida.



••Jean Cristobal••



Kamamatay lang niya last year.



"Bakit walang dumalaw sakanya?" Tanong ko kay Shane.




Nagkibit balikat lang siya.




"Saglit lang Abhie.." Tumayo si Shane at parang may kinapa kapa siya sa bulsa niya, at napangiti ako ng makita kong may isang kandila siyang kinuha mula sa bulsa niya at lighter.




Sinindihan niya yung kandila dun at itinayo sa lapida ni Jean, nakaramdam ako ng lungkot ng mabasa kong 15 years old palang siya ng mamatay siya.




"Ang bata pa niya Shane, kasing edad lang natin siya." Bulong ko.




Nagdasal muna kami ni Shane sandali, pagkatapos naisipan namin na dun nalang muna kami para may kasama si Jean ngayon, kawawa naman kasi siya walang dumadalaw sakanya.




"Hayaan mo Jean, sa tuwing dadalawin ko si Papa pupuntahan na rin kita, dadalhan kita ng bulaklak." Nakangiting sabi ko, napatingin saakin si Shane.




"Magpromise ka sakanya." Seryosong sabi niya, tinawanan ko si Shane.




"Promise Jean.." Bulong ko.




Napatingala ako sa langit, medyo madilim na rin at may mangilan ngilan na stars na akong nakikita.




"Siguro Jean isa ka din sa mga stars na yan." Sabi ko..




"Sa tingin mo Shane??" Pero hindi niya ako sinagot, paglingon ko sakanya nakapikit lang siya habang nakatingala.




Napailing nalang ako, napaka antukin niya. Dahan dahan kong inilapit ang mukha ko sa may tenga niya para sana sigawan siya pero bigla siyang humarap kaya naman nadali ng labi niya yung labi ko!!




Kaagad akong lumayo at nagtakip ng bibig! Parehong nanlaki ang maa naming dalawa! Nadali lang Abhie! Nadali lang!




Pero bakit naramdaman kong mainit yung labi niya? Napansin ko ang sunod sunod na paglunok niya.




"Ah..a-ano.." Hindi ko malaman kung anong sasabihin ko! Unang una nakakahiya talaga dahil ako yung lumapit sakanya! Ako yung naglapit ng mukha ko sa tenga niya tapos bigla siyang lumingon kaya nagkabanggaan yung labi namin!




Ang init ng mukha ko at alam kong namumula ako.. Nag iwas ng tingin saakin si Shane at kagaya ng ginagawa niya kapag nahihiya siya umuubo siya.




"Pang anim Abhie." Bulong niya, tinignan ko siya!




Lumingon ulit siya saakin, ngayon hindi na nakasulat sa mukha niya ang pagkapahiya, nakangiti na siya at mas lalong nanlaki ang mata ko ng magsalita siya.




"Pang anim na gusto ko sayo.. Ang labi mo."



****

Crush Kita Konti LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon