Chapter 32

291K 3.3K 248
                                    


Chapter 32

KYLE'S P.O.V

Hindi ko alam kung ano bang ginawa ko para saktan niya ako ng ganito. Ganun ba talaga kapag nagseryoso ka na? Ikaw naman yung gagaguhin? Tapos mas triple pa yung sakit.

"I...love you too..." Halos ipagpilitan ko na lang yan sabihin sa babaeng kaharap ko ngayon, bullsht, hinahalikan ko ang babaeng hindi ko naman kilala.

Bumitiw na siya sa kamay ko at nakangiting nakipaglaro sa mga bata, ang gago ko! Bakit ngayon ko lang napansin na iba ang mga ngiti niya?

"Kyle! Kuhanin na natin yung mga stuff toys para sa mga bata." Natauhan ako nang magsalita sa harapan ko si Felix, mariin ko siyang tinignan. Sinong mag aakala na magkakatotoo pala ang mga sinasabi nitong isang 'to?! Hinila ko siya sa kamay niya at pinasakay sa loob ng sasakyan ko.

"Huy?! Problema mo?!Naghihintay yung mga bata!" Sigaw sa akin ni Felix!

"May kakambal si Kei." Seryosong bulong ko, halos ipagdiinan ko ang kamay ko sa manibela ng sasakyan ko. Nanggagalaiti ako sa sobrang galit na nararamdaman ko ngayon.

"Hahahaha! Ano ka ba?! Niloloko lang naman kita kanina! Nagpapapaniwala ka naman sa akin! Tar—"

"Bullshit! Alam kong gago pakinggan pero totoo! Paano nagkanunal si Kei sa kaliwang dibdib niya?! Tangina Felix, kabisado ko ang buong katawan ni Kei!!" Mariin kong ipinikit ang mata ko, ilang beses sila nagpapalit? Ilang beses na akong nagmumukhang gago sa harapan nilang dalawa?! Lalong lalo na sa kanya?

"Kyle...a-ano...Mahahalata ng mga bata na mainit ang ulo mo, kaya kumalma ka na muna. Tutulungan kita, pero sa ngayon yung mga bata muna. Naghihintay sila."

Mariin kong ipinikit ang mata ko.

"Mauna ka ng bumaba Felix, hindi ko alam ang magagawa ko kapag nakaharap ko siya." Tumango siya, hinawakan niya muna ang balikat ko bago siya bumaba. Itinuon ko ang mga mata ko sa babaeng kamukha niya, kaya ba iba ang pakiramdam ko minsan sa tuwing hahalikan ko siya? Kaya ba hindi na rin maganda sa pandinig ko ang mga salitang binibitawan niya dahil hindi siya si Kei iba na rin ang nararamdaman ko sa tuwing hahawakan niya ako. At hindi na rin nagwawala ang puso ko kapag kasama ko siya, minsan na lang. Minsan na lang kapag nararamdaman kong bumabalik ang dating siya.

Parang may kung anong nakabara sa loob ng dibdib ko na kahit anong oras magiging dahilan ng paglagot ng hininga ko.

Tinatanong ngayon nitong babae na 'to kung okay lang ako... Paano ako magiging okay kung alam ko sa sarili ko na iba ang kayakap ko buong magdamag. Ginagago ko ang sarili ko dahil ayokong tanggapin ang pagkukunyari niya. Ayokong tanggapin na niloloko ako ni Kei sa hindi ko malaman na dahilan.

Nakuha ko pa siyang isama sa studio kahit na alam kong hindi siya si Kei, hinalikan ko siya, niyakap ko siya, nagkunyari akong walang alam. Pero kahit anong gawin ko nasasaktan pa rin ako. Nasasaktan ako dahil ibang babae ang hinahalikan ko at hindi siya.

"Sigurado ka na ba?" Tanong ni Felix.

Tumango ako, nahilamos ko ang palad ko sa mukha ko at ikinuyom ko ang kamao ko.

"Hindi siya si Kei...Sigurado ako."

"P-pero bakit niya gagawin 'to?" Tanong niya sa akin.

"HINDI KO ALAM!!"

Nababaliw na ako kaiisip kung bakit niya 'to ginagawa! Makikinig naman ako sa kanya ! Yun ay kung hindi ko siya nakitang kayakap ni Tom sa loob ng sasakyan nito, nagwala ang puso ko kaya alam kong siya ang totoong Kei. Dahil ba dito kaya nagpapalit silang dalawa? Nasaan na ngayon yung isa? Nagtatago dahil may ibang lakad? Nagtatago para hindi ko makilala?

Hindi ko na namalayang tumulo yung gagong luha ko.Kahit alam kong nandyan na siya sa loob ayoko siyang lapitan, dahil alam kong kahit anong oras lalambot yung tanginang puso ko para sa kanya.

"She's my Kei..." Bulong ko.

"So what are you waiting for?! Hindi ba dapat kinakausap mo na siya?! Ayan na! Hindi ba gusto mong malaman ang totoo?" Desperadong sigaw sa akin ni Felix.

"Kapag nakikita ko ang mukha ng kahit sino sa kanilang dalawa, wala na akong ibang maramdaman kundi sakit. Sobrang sakit." Awtomatikong tumulo na naman yung luha ko, lumapit sa akin si Felix at pinunasan ang luha ko.

"Damahin mo lang yung sakit Kyle, dahil darating din yung araw na mawawala din yan." Isang pilit na ngiti ang ibinigay niya sa akin, niyakap ko siya!

"Langya kang tomboy ka!"

"I'm always here, ano ka ba? Best friend mo ako." Bulong niya, tumango ako at inayos ko ang sarili ko.

Natanaw ko na kaagad siya, likod pa lang niya ang nakikita ko pero rinig na rinig ko ang pagwawala ng dibdib ko! Dahan dahan siyang humarap sa akin at halos mapatiim ang bagang ko nang makita ko ang pekeng nunal sa kaliwang dibdib niya. Pinagmumukha talaga nila akong tanga, hindi iyon ang nakita ko sa isang kakambal niya kahapon. Ikinuyom ko ang isang kamao ko at pinipigilan ko ang galit na nararamdaman ko. Yes, I do love this woman, kulang na lang talaga pakasalan ko siya dahil sa pagkabaliw ko sa kanya, pero kasabay ng pagmamahal ko ngayon sa kanya ang pag apaw ng galit sa puso ko.

Pinilit kong maging normal sa harapan niya. Ang galing niyang rin umarte. Konting konti na lang maniniwala na ako. Tangina nung nakita niya yung picture naming dalawa umiyak siya, kagaguhan.

Nabura ng mga halik ko ang pekeng nunal sa dibdib niya...She's really my Kei, walang duda kaya sobra sobrang nagwawala ang puso ko. Magkamukha nga silang dalawa, pero alam ng puso ko kung sino siya.

Dahan dahan niyang inalis ang kamay ko sa pagkakayakap ko sa kanya, gusto ko siyang pigilan pero ipinikit ko na lang ang mata ko para hindi ko makitang iiwanan na naman niya ako at papalit na naman ang pekeng siya. Kahit nakapikit yung langyang mata ko sunod sunod na luha lang yung bumagsak! 

Akin Ka [Published under Sizzle/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon