9| First Love

1.8K 72 17
                                    


LUHAN'S POV

He just looked at me like I'm just a stranger... na parang hindi niya ako kilala na para bang ngayon lang kami nagkita. I was expecting more... That he will just smile...a friendly smile. That's all.

Umiling-iling ako at pilit ngumiti sakanya at pinapasok siya.

Halika ka pasok ka. ” Pumasok na siya na may dala-dalang bagahe. So all this time he's  not here in the philippines?  Nasa Canada pala siya?

Saan ko pwedeng ilagay tong bagahe ko? ” Tanong niya na hindi tumitingin saakin. Iniiwasan niya ba ako?

Just put it beside the couch. ” Sinunod niya naman yung sinabi ko at napatingin saakin. Bigla na lang kumabog nang napakalaks yung puso ko. Fuck fuck fuck this is not right!

Nasaan sila? ” Napatingin ako sa mukha niya. Wala pa din nagbago sa mukha niya. Maputi, matangos ang  ilong at mataas parin ang baba nito. Napatingin naman ako sa buhok niya, medyo messy ito at umiba na ang kulay nito noon color black ito ngayon ay grey na.

Hey, ” Nabalik ako sa realidad ng kinaway-kaway niya yung kamay niya sa mukha ko. Bwisit ka Luhan tumino ka nga!

A-ahh nasa dining room na silang lahat kumakain na. ” Tumango lamang siya at nagsimula nang maglakad. Binagalan niya yung takbo niya at pinauna akong maglakad. Sumunod lang siya sa likod ko hanggang sa nakaabot na kami sa dining room.


Yifan pare! Nandito ka na pala! ” Tumayo silang lahat at lumapit kay Kris na kababago lang dumating. Pumunta na lang ako sa upuan ko at umupo na. Sumunod naman silang lahat pagkatapos nilang batiin si Kris at nagsimula nang kumain. Kumuha ako mg sandok para sa seafood ni Sehun ng magtama ang mga kamay namin ni Tao at napatingin kami sa isa't-isa. Sinamaan ko siya ng tingin at bumulong.

Ako ang naka una. ” Tinaasan niya ako ng kilay at tinapik palayo yung kamay ko na naka hawak sa sandok.

Back off I'm the WIFE. ” Diniinan niya talaga ang pagkasabi ng 'WIFE'. Bwisit ka Tao.

Napangiti ng matagumpay si Tao. Lalagyan niya na sana ng seafood si Sehun sa bowl ng magsalita si Sehun.

Stop. I want my wife to put seafood on my bowl, Tao. ” I grinned at inagaw yung sandok kay Tao at nilagyan ito ng seafood sa bowl niya.

Ang sweet naiinggit ako! Tawagan ko nga si Kyungsoo. ” Sabi ni Kai at siniko naman siya ni Chanyeol at nahulog ang iPhone nito.


naramdaman kong may nakatingin saakin at for the second time nagtama na naman ang mga mata namin pero may kakaiba akong nakikita sa mga mata niya na para bang nagmamasid ito sa isang bagay. Binalewala ko na lang iyon at binalik na lang ang tingin ko kay Sehun na tahimik kumakain. May dumi sa gilid ng labi ni Sehun at nakita kong naghahanap na si Tao ng pampunas kaya inunahan ko na siya at pinunasan na yung dumi sa gilid ng labi niya. At nang pupunasan na sana ni Tao yung dumi sa labi ni Sehun ay wala nang dumi dito. Napangisi ako ng makita kong namumula na ito sa galit.

Oh Luhan's Revenge ; hunhanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon