Chapter 33

292K 3K 184
                                    

Chapter 33


MARIE'S P.O.V

Nagising ako na hinahalikan ni Kyle ang leeg ko. Napangiti ako.

"Kyle inaantok ako..." Bulong ko.

"Uhmm..." Yun lang ang sagot niya sa akin, tinignan ko siya na ngayon ay nasa ibabaw ko na.


"Kyle!" Hiyaw ko sa kanya ng maramdaman ko ang kamay niya doon.

Tumingala siya sa akin, iba yung mata niya ngayon pero kaagad din siyang ngumiti sa akin, kaya naman nginitian ko din siya.

"Umagang umaga ikaw talaga." Natatawang sabi ko.

"Morning." Matipid na bati niya, sandali niya akong tinignan sa mata pero kaagad din siyang nagbitiw, tinignan ko lang siya habang dahan dahan na itinataas ang tshirt ko, napaungol ako ng marahas niyang pisilin ang kaliwang dibdib ko.

"Ugh! Kyle..." Nahihirapang bulong ko, grabe. Ang init ng palad niya, pero tinignan ko ulit siya na ngayon ay pinaglalaruan ang nunal ko sa ibabaw ng dibdib ko.

"Hey, ano bang ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya, umiling siya pero patuloy pa rin ang paghaplos niya sa nunal ko.

"Tinitignan ko lang, baka sakaling mawala." Matabang na sabi niya.

"Bakit ayaw mo ba?" Nakapout na tanong ko.

"Gusto. Gustong gusto. Pinakapaborito ko yan sa katawan mo." Walang emosyon na sabi niya, magsasalita pa sana ako pero bigla niyang hinalikan ang labi ko! Nasasaktan ako sa ginagawa niyang paghalik sa akin pero kaagad kong sinabayan yon!


"Ahmm...Kyle..." Bulong ko habang hinahalikan niya ako.

"Stay still..." Mariin na bulong niya ng iyakap ko sa kanya ang mga kamay ko, tinanggal niya ang kamay ko na nakayakap sakanya at mahigpit na hinawakan ang pulso ko habang pababa ng pababa ang halik niya sa dibdib ko!

"Kyle! Nasasaktan ako!!" Sigaw ko pero hindi niya ako pinansin! Dammit! Hindi na halik ang ginagawa niya! Kinakagat niya ang dibdib ko!

"Shit!!" Sigaw ko at tinulak ko siya. Tinignan ko siya, nababaliw na ba siya?!

"I'm sorry... baby." Nakangiting sabi niya at sandaling hinalikan ang labi ko.

"Naglalambing lang ako. Sige na maligo ka na aalis tayo." Sabi niya saka lumabas ng kwarto, what's with him? Ugh! Kapag ako naman yung naglalambing parang wala lang, tapos ngayon.

Nasa loob na kami ng sasakyan niya, nakashades siya, nakasuot siya ng blue t-shirt at black pants, gulo gulo rin ang buhok niya na mas lalong nagpa gwapo sa kanya.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sakanya, nginitian niya ako.

"Surprise yon, kaya hindi ko pwedeng sabihin." Hindi nawala ang ngiti sa labi niya.

Maya maya pa nanlaki ang mata ko nang itigil niya ang sasakyan niya sa isang coffee shop! Dito nagtatrabaho si Kei.

"Kyle, bakit dito? Ang dami namang coffee shop na iba jan." Kinakabahang sabi ko, pero tinanggal niya lang ang seat belt niya, lumapit siya sa akin para kalagan din ang seat belt ko.




"Masarap daw ang coffee jan sabi ni Felix. May cakes din." Seryosong bulong niya, sobrang bilis ng tibok ng puso ko lalo na ng pagbuksan na niya ako ng pinto ng kotse niya.


"Welcome to Tammies Coffee Shop!" Sigaw ng mga waiter, agad hinanap ng mata ko si Kei pero wala siya, ibang cashier ang nakaupo, nakasumbrero ito ng coffee shop nila at tungong tungo, humugot ako ng malalim na hininga.

Nakakapit lang siya sa bewang ko, naglakad kami sa isang table malapit sa may cashier.

Pilit kong nginingitian si Kyle tuwing makikita kong titig na titig siya sa akin, maya maya lang may isang waitress ang lumapit saamin, may dala siyang cake na kulay green at halos mapakunot ang noo ko ng may kerokeroppi dun na kandila.

Inilapag niya ito sa lamesa.

"Thank you..." Nakangiting sabi niya sa waitress.

"K-Kyle, a-ano 'to?" Nauutal na tanong ko... Tumingin siya sa akin.

"Sabi ko na nga ba!!" Sigaw niya, pero nakangiti pa rin siya.

"Makakalimutan mo... Baby... Happy monthsary." Seryosong bulong niya, monthsary?

"Ahh...yeah! Happy Monthsary baby, pero bakit naman pambata yang cake mo?" Tinawanan ko siya para naman maiba yung mood namin! Pero napansin ko ang paglungkot ng mukha niya.

"Akala ko magugustuhan mo. Hindi ba favorite mo si kerokeroppi?" Bulong niya, napataas ang kilay ko, ghad napakaisip bata talaga ni Kei... Geez...Palaka? Duh, anong cute sa palaka? Psh.



"Ahh... Ano ba, naisip ko lang tutal naman monthsary natin di ba? Dapat yung mga black forest cakes o kaya chocolate baby, hindi ba mas sweet yon?" Nakangiting sabi ko sakanya, nagulat ako ng pisilin niya ang ilong ko dammit! Medyo masakit!

"Tama na, alam ko namang hindi mo magugustuhan 'to." Nakangising sabi niya at nanlaki ang mata ko nang lumapit siya ng kaunti at inabot ang labi ko ng labi niya, hindi katulad kanina mabilis at mapusok ang halik niya, samantalang ngayon dahan dahan na para bang ninanamnam niya yung oras.

KEI'S P.O.V

Natigilan ako nang makita ko ang sasakyan ni Kyle sa tapat, nakita ko pa ang sabay nilang paglalakad papunta dito! Kaagad akong pumasok sa loob at kumuha ng sumbrero.

"Oh Kei? Para lang yan sa mga server..." Puna ng isang waitress namin.

"Ah...ano malamig kasi!" Sht, anong klaseng palusot yon...

Narinig ko na ang pagpasok nilang dalawa, at halos manigas ako sa kinauupuan ko ngayong nakaupo sila sa gilid ko. Sa kanila pala ang cake na ginawa ko kanina, tuwang tuwa pa ako kanina habang ginagawa ko yon dahil si Kerokeroppi ang kandila at kulay green ang buong cake.

Yun pala ginagawa ko ang cake para mapasaya sila. Pilit akong nakikinig sakanilang dalawa, nahihirapan akong lumunok na para bang may nakabara sa lalamunan ko. Monthsary dapat namin ngayon at dalawang buwan na dapat kami ngayon...

Ayokong sumilip, pero ang traydor ng mata ko, pasimple ko silang sinilip at halos mag unahang tumulo yung luha ko ng makita ko kung paano niya halikan si Marie, punong puno ng pagmamahal yon...Nakapikit siya habang hinahalikan si Marie, para akong tinutusok ng kung ano sa dibdib ko... Ang tanga mo Kei ano bang tinitingin tingin mo sakanila, sila nga kasi di ba?!




Pero natauhan ako ng pagbukas ng mata ni Kyle nakatingin siya sa akin! Agad kong inalis ang tingin ko sakanila at nagkunyaring may gingawa sa kaha...

Pilit kong pinunasan ang luha ko pero tulo ng tulo ito...

Narinig kong umorder na silang dalawa, sobrang lakas ng tawa ni Kyle sa tuwing lalambingin siya ni Marie...


"I love you." Masayang sabi ni Marie sakanya!


"Mas mahal kita.....alam mo naman siguro yon." Seryoso ang boses niya, sht pakiramdam ko magiging bato na ako sa kinauupuan ko dahil sa mga naririnig ko. Bakit ba umaasa ako na sa akin niya sinasabi yon gayong hindi naman ako ang kasama niya?

"Miss?!Ano ba?! Yung sukli ko?!!" Natauhan ako ng sumigaw ang babae sa harapan ko.

"So-sorry po!!" Nauutal na sagot ko at inabot ang sukli nito.

"Aish, next time wag kang tumunganga jan!" Sigaw nito.

"Sorry po ulit..." Paumanhin ko, nanatili akong nakatungo, mabuti na lang at hindi nagtataka ang mga kasamahan ko sa ikinikilos ko.

Lumapit sa akin ang isang waitress namin.



"Kei napapansin ko lang kamukha mo yung isang guest natin, ayun." Bulong nito sa akin, napalunok ako at tinignan siya.




"A-ano ka ba? Namamalikmata ka ba?!" Natatawang sabi ko.

"Yun nga eh hindi kami namamalikmata, kanina pa namin pinag uusapan nila Angel na kamukha mo talaga siya! Iisipin namin kakambal mo yan, grabe parehong pareho kayo! Umamin ka nga kakambal mo yan noh?" Pang aasar nito sa akin, nanlalamig ang kamay ko at pinagpapawisan ako.


"Sira ka..." Yun lang ang naisagot ko.

"Ay! Ayan na! Magbabayad na yata sila!" Pabulong na sigaw nito sa akin. Ganito kasi sa amin kapag may reservation pinapayagan nilang pagkatapos ng kumain ang bayad dahil may ID silang iniiwan, mabuti na lang at hindi sa akin nakapagpa-reserve ang isa man sakanila dahil ako pa ang mag aabot ng cake sakanila.

Halos manginig ang kamay ko ng mapansin kong nasa harapan ko na silang dalawa, rinig na rinig ko ang bulungan ng mga kasamahan ko na kamukhang kamukha ko daw si Marie.

Napalunok ako ng ipatong ni Kyle sa harapan ko ang order slip na ibinigay sakanya ng waitress namin, kinuha ko yon at halos manlaki ang mata ko ng dumanggi ang kamay niya sa kamay ko.

Hindi ko na alam kung paano ko na-punch lahat ng inorder nila.

"2,678 po, Sir..." Bulong ko.

"Pardon?"

Tumikhim muna ako bago ako nagsalita ulit.

"2,678." Ulit ko, nakatungo pa rin ako!



Nakita kong dumukot siya ng tatlong libo sa wallet niya, inaabot niya yun sa akin kaya naman kinuha ko, pero ayaw niyang bitawan yung pera!

"Ganyan ba talaga kayo umasta sa mga customer niyo? Hindi kayo makatingin ng maayos." Sermon niya! Napalunok ako.

"So-sorry po Sir, m-may sore eyes po kasi ako baka mahawa kayo!" Ang tanga mo talagang magexcuse Kei!Narinig kong ngumisi siya, dammit ang sexy pa rin ng ngisi niya.


"Really? Buti pinapapasok ka ng Manager mo...Ngayon ko lang nalaman may nagkakasore eyes pala sa panahon ng January." Malamig na sabi niya at marahas na binitawan yung pera, mabilis kong binuksan ang kaha para ilagay yung pera at kumuha sana ng ipangsusukli sakanya.


"Sir ito na po yung i.d niyo." Magiliw na sabi ni Angel.

"Salamat." Mariin na sagot niya, iaabot ko na sana yung sukli niya pero bigla siyang nagsalita.


"Keep the change, pampagamot mo sa sore eyes mong kuno. Let's go baby..."

Mas lalo akong nahirapang huminga, sobrang lamig ng pakikitungo niya sa akin... Nami-miss ko na siya... Nami-miss ko na ang kaming dalawa.

"A-Angel sandali lang!" Sigaw ko sa kasamahan ko at hindi ko na namalayan na tumakbo ako palabas para habulin siya! Hindi ko na kayang malayo siya... Hindi ko na kayang tignan na iba ang kasama niya at hindi ako.


"Kyle!" Sigaw ko kahit na umandar na paalis ang sasakyan niya!


Para akong estatwa na nakatanaw na lang hanggang sa mawala na sa paningin ko ang sasakyan niya... Hanggang kailan ko ba titiisin 'to? Sa tingin ko hindi ko na kaya, dahil parang unti-unti akong pinapatay kapag nakikita kong palayo na siya ng palayo sa akin.


Akin Ka [Published under Sizzle/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon