Chapter 12

37.1K 1.3K 108
                                    


Nissan's POV

Napabuntong hininga ako. Ang tanga mo Nissan! Sinabi ng pamilya lang ang papapasukin at hindi bestfriend. Napahilamos ako ng mukha ko. Galit na sya at sigurado magsusungit na naman sya. Ang tanga mo kasi eh!

"Are you okay?" tumingin ako kay Kris at nginitian sya. Nagsulat ako sa whiteboard ko.

Kung hindi ba naman kasi ako tanga hindi 'to mangyayari.

"Hindi ko sasabihin na hindi mo kasalanan. Laos na yon eh. Hayaan mo na yun. Sa oras na nagkaayos na sila ng bestfriend nya, okay na ang lahat." nginitian ko sya. Sana.

Tinulungan ako ni Kris na linisin ang kalat. Sinabi ko na kaya ko na kaso makulit sya kaya hinayaan ko na sya.

"Pwede ba akong magtanong?" sabi nya habang kinukuha nya basag na vase.

Tumango ako.

"Pipe ka ba talaga?" napangiti ako at umiling. Alam kong tatanungin nya ako tungkol sa hindi sa pagsalita ko.

Ayoko lang magsalita.

"Why?" umiwas ako ng tingin. Hindi ako ready na sabihin ang nakaraan ko. Hindi ko pa kaya. "If you don't want to share okay lang. Nandito lang ako kung kailangan mo." nginitian ko sya.

Pagkatapos namin linisin ang sala. Pumanik na sa kwarto nya si Kris. Ako naman ay nilinis pa ang kusina.

Nagulat ako nung nasa likod ko si Left. Akala ko multo kasi nakaputi nya at medyo madilim kasi dito. Pinagmasdan ko syang kumuha ng tubig at naglakad palabas ng kusina. Napabuntong hininga na naman ako. Hindi man lang nya ako dinapuan ng tingin, halatang galit nga sya.

Kinabukasan maaga ako ng gising para magluto ng almusal nila Left. Yung usual na lutong almusal ang ginawa ko. Hotdogs, pancake, eggs, sandwitch at fried rice. Nagluto na din ako ng sopas dahil medyo malamig ngayon ang panahon. Saktong dumating si Kris paglapag ko sa lamesa ang mga pagkain.

"Goodmorning." nginitian ko sya at kumuha ng pinggan para sa kanya. "Wag na, ako na. May ma-beastmode pa." sabi nya at sya na ang kumuha ng pinggan nya. "Nissan kumain ka na din." umiling ako at nagsulat sa whiteboard.

Mamaya na kapag dumating na si Left. Nakakahiya naman nauna pa ako sa amo ko.

"Umalis na sya." sabi nya. Kumunot ang noo ko. "Hindi mo ba napansin? Pagkababa ko umalis na sya." umalis na sya na hindi man lang nag-aalmusal. Galit pa rin sya dahil sa katangahan ko.



Left's POV

"Kaliwa naman pansinin mo naman kami." hindi ko sila pinansin, dire-diretso lang ako naglakad papunta sa classroom.

"Kaliwa sorry na. Hindi ko naman sinasadya eh papalitan ko na lang yon. Hindi ba Classic Nota yon? Pinabili ko na si Mama non." napairap ako. Tumigil ako sa paglalakad at hinarap sila.

"Kapag naayos ni Jade yung skeleton mansion ko at dumating yung kapalit ng vase ko ay doon ko lang kayo mapapatawad." nagsimula ulit ako maglakad at iniwan sila don.

Mawawala lang ang inis ko sa kanila kapag ginawa nila yon. Pero kay maid, hangga't hindi sya sumusunod sa utos ko ay hinding hindi ko sya mapapatawad. Pinagsabihan ko na sya na pamilya ko lang ang papapasukin pero ano ginawa nya?

Hindi sa wala akong tiwala kanila Jade. Ang akin lang ay sumunod sya sa utos ko. Paano kung sinong mapangpanggap ang nagsabi na bestfriend ko sya at pinapasok nya? Tapos isa pa palang magnanakaw.

"Ayos! Oy Jade tapusin mo yung skeleton mansion ni Kaliwa nang makapaggulo tayo sa bahay nya." napatigil ako sa paglalakad at sinamaan ng tingin si Fin.

Mi Amore Series#1 My Mute MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon