Project Mischief 12 | Transfiguration II

2.5K 67 9
                                    



A criminal is also a good actor, so you better be the director.

Part 2

Hilary's Point Of View

Narito na ako ngayon sa living room at nagulat ako dahil nakita ko roon ang club mates ko. Sina Hale, Yuki, Nate, Ria, at Edward.

Kapwa sila nag-i-interrogate ng mga estudyanteng kasama ni Mayu sa bahay na ito nang maganap ang krimen.

"Ito ang listahan at mga personal informations ng mga kasama sa sleep over na ito." Sabi sa akin ni Officer Dave at saka inabot ang folder kung saan naroon ang listahan.

Tinignan ko iyon. Mula sa personal info's nila ay wala namang kahina-hinala kaya hindi ko itinuon ang atensyon ko sa records na iyon.

Napansin ko naman ang isang lalaking nakaupo lang sa sofa at parang naghihintay ng mag-i-interview sa kanya.

Nilapitan ko ito at napagdesisyunan ko na ako na lamang ang mag-ta-tanong sa kanya.

"Mawalang galang na, pero maaari ba kitang makausap. Sir," sabi ko rito.

"Leon Aleta." Sabi niya sa akin.

"Leon, nasaan ka nang maganap ang krimen?"

"Hindi ko alam kung anong oras nangyari ang krimen pero dalawang lugar lang ang pinuntahan ko sa buong oras na nandito ako sa bahay. Its either nasa kusina ako o nasa kwarto at natutulog.

"Masyado kaming napuyat kagabi kaya naman matagal-tagal din kaming nakatulog." Paglalahathala niya.

"Kaano-ano mo ang biktima?"

"Hindi kami blood related pero kaklase ko siya kagaya ng iba pang labing apat. Niyaya niya kaming mag-sleep over dito sa bahay niya dahil wala ang mga parents niya at wala siyang kasama. Kaya kami ang inaya niya." Sabi niya.

"Sa tingin mo. Sino sa inyo ang may motibo para gawin itong karumal dumal na pagpatay sa kaklase niyong si Mayu Maizono. Dahil either way, hindi natin maipagkakaila na every one and each of you is a prime suspect at posibleng isa sa inyo ang pumatay." Diretsong sabi ko.

"Wala po akong masasabi dahil exchange student lang po siya galing japan at ilang araw pa lang rin naman nang magsimula ang klase kaya naman inposibleng patayin namin siya." He has a point.

Pero sino naman kaya ang taong magagawang patayin ang isang exchange student galing japan na si Mayu Maizono kung kakasimula pa lang ng klase? That person may have a grudge towards her. A big one.

Maybe he or she hated her even before Mayu Maizono left japan to study here. But in what reason. Posible rin namang may nakaaway si Mayu Maizono rito, isa sa labin limang estudyanteng ito ang taong iyon. It might be their reason to kill her.

Pwede din namang may nagawa siyang hindi nagustuhan nang suspect kaya naman wala itong choice kung hindi ang kitilan siya ng buhay. But whatever the reason is, they don't have the rights to take a life.

Nilapitan ko si Ria na katatapos lang interview-hin ang isa pang estudyante.

"Kamusta?" Bati niya sa akin.

Umiling ako bago nagsalita.
"This case is a little harder than I thought. Lalo pa at napakarami ng pwedeng suspect. Did the police searched their things? Baka isa sa kanila ang may dalang screw driver na ginamit para baklasin ang doorknob ng banyo." Sabi ko sa kanya.

"Screw driver. Tama! Now that you have mentioned it. Sabi sa akin ng ininterview ko kanina na si Dianna Jaena ay bago raw sila magpunta rito ay nagbigay ng regalo sa kanila si Mayu sa eskwelahan nila. Mayrokn siyang tatlong taong binigyan ng tools. Si Harry Galahad, Lance Lim, at si Gerald Dumaliang. Pwedeng isa sa kanila ang pumatay." Sabi niya.

Project Mischief Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang