MPML Book 2 (35)

3.5K 83 5
                                    


Pagkagaling sa trabaho, kasabay ko ng umuwi si Andrea. Bago pa yun dumaan muna kami sa bahay nila Mama para kunin yung mga gamit nya.

"Sigurado kana ba Karlota sa desisyon mong sayo na patirahin yang si Andrea?" Tanong ni Mama.

"Opo Ma, ililipat ko na sya ng school. Dun ko na sya papapasukin sa pinagtatrabahuhan ko."

Nasa sala kami ni Mama habang  nasa itaas naman si Andrea at nagiimpake ng mga gamit nya.

"Handa mo na bang ipakita kay Yuji si Andrea?"

Napabuntong-hininga ako.

"Nagkita na sila Ma." Halatang nagulat si Mama sa sinabi ko kaya agad naman syang tumabi sakin para makiusyoso kung ano daw nangyari.

Ayoko na alalahanin dahil nakakainis lang. Hindi dahil nagkita na sila at sinabi ni Andrea na new student sya, kundi dahil pagkatapos ng ilang minutong nagkausap at nagbonding ang dalawang mag-ama, bukambibig na sya ni Andrea sakin. Kesyo nakakatawa daw kausap si Yuji, sumasakay sa mga jokes nya, tapos tuwang tuwa pa daw sya dahil parehas silang may nunal sa bandang braso.

"Para kaming mag-ama dahil ang dami naming pagkakapareho tapos nagkakasundo kami, lahat ng riddle jokes ko nasasagot nya Mommy! Parehas kaming brainy hahaha"

Those were her exact words. Kakakilala palang nila pero nagustuhan na sya agad ni Andrea.

"Nasasagot ko rin naman mga riddle jokes mo ah?" Sagot ko pa sakanya kanina nung nasa sasakyan pa kami papunta dito sa bahay nila Mama.

"Right, I mean brainy tayong tatlo! Hahaha, imagine Mom? Meron pa palang taong makakasagot ng mga riddles ko bukod sainyo. Mr. Salvatore must be smart huh?"

I just sighed and put my focus on the road. I really don't want her to talk about his father, dahil iniisip ko palang na may asawa't anak na yung Papa nya alam ko na agad mararamdaman nya pag nalaman nyang tatay nya si Yuji. Ayoko namang masaktan yung anak ko dahil may iba ng pamilya yung tatay nya, alam kong alam na nya yun since 7 years old sya dahil nakwento ko na yun sakanya, ayoko parin dumating sa point na masasaktan sya sa pangalawang beses. Nasaktan na nga sya nung kinwento ko sakanya yung nangyari samin ng Papa nya.

"Anong naging reaksyon ni Yuji ng makita nya si Andrea? Pumasa ba sa taste ni Andrea si Yuji? Alam mo naman yang anak mo, madamot pagdating sayo. Nagkapalagayan ba sila ng loob?"

Napabuntong hininga ako ulit.

"Yuji answered all her riddles kaya yun hangang hanga sya. Ma, kung makikita mo lang silang dalawa kanina, super close nila tapos..."

I paused.

"Tapos?" Tanong ni Mama.

"Ang sarap nilang titigan. Ang sarap sa pakiramdam na naguusap at nagtatawanan yung mag-ama ko, Ma. Masama ba kong ina? Masama ba yung ginawa kong pagtago kay Andrea sa Papa nya? Ayoko lang naman na madawit pa yung anak namin sa pamilya nya. Ayokong masali sya sa gulo namin ni Yuji."

"Pero Karlota, anak nyong dalawa ni Yuji si Andrea. Kahit ilang beses mo syang ilayo para hindi sya masali sa gulo nyong dalawa, madadawit at madadawit parin sya dahil sya ang bunga ng pagmamahalan nyo noon."

Napatayo naman ako sa kinauupuan ko at huminga ng malalim. Naiiyak na naman ako sa tuwing naaalala ko yung dati. Kahit kasi napakatagal na nun, hindi ko maitatangging masakit parin.

"Mom, I'm ready! Let's go sagow!" Sigaw ni Andrea habang nasa hagdan sya at dala dala na nya yung maleta nya.

Tumalikod muna ko para punasan yung ilang luhang pabagsak na sana bago ko hinarap si Andrea.

My Professor, My Love 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon