Chapter 14.1.2

30K 597 10
                                    

Published: September 9, 2013

CHAPTER 14.1.2

RICKY's POV

It's almost two months now at mukhang nahuli na rin sa wakas ang uncle ni Katie. Parehas kaming malungkot knowing na kailangan na ulit naming bumalik sa Manila. At masaya na rin kasi babalik na kami sa mga normal na pamumuhay namin.

At tulad nang dati, back to school na rin kami. Tulad nang pangako ng señor nakabalik kami sa school nang walang kaproble-problema. Mayaman nga sila, dahil sa pera at connections ay madali lang ang buhay para sa kanila.

Ngayon nga ay nandito na ulit ako sa canteen. Matapos kong magbakasyong grande sa probinsya, kuntodo kayod na ulit ako. Ang pinagkaiba nga lang siguro, mas excited na akong pumasok dahil sa minamahal kong girlfriend.

"Can I take your order, ladies?" I asked Katie and Liz in formal tone.

"Can I take you instead?" She sweetly asked in return.

"I'm on a duty, ma'am.  Maybe after work?  Will that be okay?" Nakangisi ko pang sabi sabay kindat sa kanya. I missed her.

"That would be fine.  I can't wait."  Sagot pa niya sabay hagikhik.  Mas kakaunti na kasi ang oras namin para sa isa't-isa dahil busy na kami sa school.

"I want to vomit right now." Nakasimangot pang umirap si Liz. Eversince n'ung malaman niya ang tungkol sa amin, palagi na niyang tinutukso si Katie. Papaano naman kasi nabasawan na rin ang pagiging dominante ni Katie sa kanya. Madalang na rin siyang masungitan. Though paminsan-minsan, lumalabas pa rin ang kamalditan niya lalo pa't panay pa rin ang lapit ni Alexa sa akin. Ang cute lang niya magselos. I like her being possessive of me and so am I to her.

"Tutor mo ako mamaya ha. Sabay ka na sa akin?" Tanong pa niya.

"Pupunta na lang ako. Baka naman mag-isip na ang papa mo kung palagi akong sasabay sa'yo." Mahinang sagot ko pa.

"Don't you think it's time to tell him?"

"Hmmm..." Napaisip ako at hindi ko rin sigurado ang dapat na isagot.  I was hesitant of course. I don't want to loose her. "Not now, baby baka mabigla ang papa mo. May right timing naman for everything."

Nalungkot man siya sa sagot ko pero sumang-ayon rin naman siya. Ayoko lang madiliin ang lahat. Masyadong naging mabilis ang mga pangyayari. Ayoko lang ding pag-isipan ako ng masama ng papa niya. Kung papayag nga lang siya, hanggang sana makatapos at magkapagtrabaho na ako tsaka na lang namin sasabihin sa papa niya. At least masasabi ko sa kanyang kaya kong buhayin si Katie anu't anuman.

********

KATIE's POV

Tulad nang mga nakakaraang araw, pormal kami ni Ricky kapag nagtu-tutor siya sa akin sa bahay. I actually missed 'yung normal days namin sa province nila. Nung bumalik kasi kami dito, bukod sa umikli na ang oras namin together, hindi pa namin mai-express ng maayos ang feelings namin for each other. Sa school naman parang lumalabas ang pagkamahiyain niya. Pero I know that he is trying his best. Medyo naiilang lang din daw siya sa school kasi nga popular ako dahil na rin sa family name ko.

"Hi." Hinihintay ko siya sa corridor. Ngayong araw sabay ang vacant namin.

"Hi." Ngumiti siya sa at mabilis niya akong hinalikan sa noo. Gosh, I missed kissing him. Matagal-tagal na rin a. He's not making a move lately. Am I not desirable to him?

"Nasaan na si Liz?" Bahagya pa niyang iginala ang tingin sa paligid.

"She's out on a date." Ipinulupot ko ang kamay ko sa baywang niya.

"Not here, baby..." Umiling pa siya at ibig kong madismaya.

"Mga student lang din naman ang nandito." Maktol ko pa.

"Pero kasi-"

"As if naman kilala nila si papa personally. Chillax ka lang okay?" Hinagod ko ang braso niya at napabuntong-hininga lang siya. Alam niya kung gaano ako katigas ang ulo ko.

"Can we watch a movie?" Kayag ko pa.  And I am hoping he'll agree right now.

"May tutorial tayo mamaya diba?" Kumunot pa siya.

"Bukas na lang 'yun. Hindi pa nga tayo nagde-date simula nang dumating tayo dito sa Manila." Ngumuso ako at nagpa-cute.  'Yung tipong mahihirapan siyang tanggihan.

"You have your ways, miss." Umiling siya pero ngumiti naman.

"Ano bang gusto mong panoorin?"

"I have no idea. Tingnan na lang natin."

"Fine." He responded while rolling his eyes.  Sabi ko na nga ba, hindi rin niya ako matitiis e.

Pumunta kami sa pinakamalapit na mall sa school. Pero siyempre bago pa man kami pumasok sa sinehan ay kumain muna kami sa fast food. Another first time for me dahil never pa akong kumain sa ganitong lugar. Normally, fine dining restaurants lang ang kinakainan ko. But of course, exemption ang canteen sa list ko.

"K-katie? Is that you?" Napatingin lang kami ni Ricky sa lalaking pilit akong minumukhaan. I think I've seen him before.

"Don't you remember me?" Maluwag siyang ngumiti at matamang tumitig sa akin.

"Albie?"

"Yeah." Tumango siya at kumindat pa sa akin playfully.

"OMG..." Namilog ang mga mata ko sa pagkagulat. My bestfriend! I immediately jumped at him at niyakap ko siya nang sobrang higpit! "Kailan ka pa dito?! Why didn't you even call me?!"

"Relax!" Pabirong sabi pa niya sabay hawak sa kamay ko. "I did try to call you pero 'yun nga lang, you're currently in a situation. So, ayoko muna makagulo at 'yun din naman ang sabi ng papa mo."

"OMG, you look great! You have no braces!" It's been years simula nang huling makita ko si Albie. We've been friends since elementary days. Kaya lang they move out of the country and started a new life abroad. Mayaman din ang family ni Albie and my father likes him a lot.

"You're looking great too. Ang ganda mo lalo ngayon." Pinisil pa niya ang pisngi ko.

Hindi ko naman naiwasang kiligin sa papuri niya. Super crush ko kasi siya noon. Kaya nga lang parang friends lang talaga ang turing niya sa akin. Ni minsan nga hindi man lang siya nagparamdam na type niya ako. Baka kung sakaling niligawan niya ako, baka nga siya pa ang boyfriend ko at hindi si Ricky. Shit! Si baby nga pala!

"Oh, I forgot." Tinapik ko siya sa balikat at mas lumapit ako sa tahimik kong boyfriend. "Si Ricky nga pala," Tumingin ako kay Ricky asking as if I can tell Albie that he's my boyfriend.

"I'm her tutor." Sabi pa niya sabay iniabot ang kamay niya kay Albie.

"Nice meeting you." Ngumiti naman si Albie. Sobrang neutral lang ng expression niya. "I'm Albie, Katie's very special friend." Nakipagkamay siya at maluwag na ngumiti.

"Nice meeting you." Pormal lang ang hitsura ni Ricky. Like his old expressions, still unreadable. Oh well,

"Ayoko nang makaabala pa sa early dinner ninyo. I need to go anyway. But you have to promise me to free your time once I call you."

"Fine!" I rolled my eyes on him and he just smiled. Gwapo rin ng lokong 'to a. Mas maganda pa ang balat niya ngayon.

"Bye," Paalam pa niya at mabilis akong hinalikan sa pisngi.  Nag-init nang husto ang pisngi ko sa ginawa niya.  Not that I'm not used to it or anything.  Normal naman na ang pakikipagbeso-beso.  I just felt awkward dahil kasama ko ang boyfriend ko.  "Ricky, Pare."  Paalam din naman niya dito.

Nakita kong tumango lang si Ricky pero parang medyo nabago ang aura niya.

"So, close kayo?" Seryosong tanong pa niya.

"Yeah, well, super." Tumango ako at wala naman dapat ipagsinungaling doon.

"Hmmm..." At 'yun na lang ang huling narinig ko sa kanya.

AND I LOVE YOU SOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon