Chapter 34

2.4M 76.2K 133K
                                    

Chapter 34: Matt and Ace

Zein's Point of View

Natapos ang patimpalak na sobrang gulo, I mean is hindi ko na nasundan lahat ng nangyari. Ginulo ni Supremo lahat ng inayos ko.

Nagulat na nga lang ako at sya na ang partner ko at si Matt ay Kay Fritzy na.

"Bakit ikaw ang andito?! Where is Matt?!" Naguguluhang tanong ko habang nakatingin kay Supremo na nag-aayos ng kanyang neck tie sa kanyang black tuxedo.

Sinulyapan nya ako sa salamin na nakakunot ang noo kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng pagkailang lalo na't sariwa pa rin ang scandal na ginawa nya kanina.

"Pinagpalit ko ang partner natin, hindi kayo bagay ni Matt." Inosenteng sagot nito bago ibinalik sa pag-aayos ng buhok nya ang kanyang atensyon.

Damn! Rule manipulator!

"Why?" Sunod na tanong nya. "You want him?" Dugtong nya.

Hindi ko alam kung ano ang ibig nyang sabihin kaya hindi ko nagawang sumagot.

"You want to see his body?!"

Tangina!

Sa'yo pa nga lang hindi na ako makakatulog e. UGH!

"Pervert!" Singhal nya sa akin at halos malaglag ang panga ko.

Ako pa ang pervert? Sya nga itong bigla na lang pinunit ang tshirt at pumunta sa harap ko at kung anu-ano ang sinabi tapos ngayon, ako pa ang pervert?!

"Mas gusto ko naman na sya ang partner ko kesa sa'yo."

"I admit it, you are good with him." Natigilan ako sa sinabi nya at hindi ko na namalayan na nakalapit na sya sa akin.

I am in a long black gown. Hinawakan nya ang bewang ko at inilapit sa kanya. Napalunok ako habang nakatingin sa nakakunot nyang kilay at nakaawang na bibig. Damn! He look so innocent!

"But, you are best with me." Bulong nya.

Napailing na lang ako nang maalala ang mga nangyari kanina at the same time ay matawa. Naalala ko na naman kung paano nagpakilala si Supremo.

"You know my name, what's the purpose of this?" Inosenteng angal nya sa organizer nang nasa harap na sya at hawak ang microphone.

Sabi kasi ng organizer ay magpakilala raw kami na lahat naman ay nagawa namin pero lang sa huling contestant na nakikipagtalo pa.

"J-Just your name, Supremo." Nauutal na sambit ng organizer na halatang naiintimidate pa sa tingin sa kanya ni Supremo.

Humarap naman si Supremo sa crowds na na-crave na sa sasabihin ni Supremo. Nakanganga pa ang iba at parang hindi makapaniwala na ang nerd na supremo ay nagtransform into a burning hot guy that could melt you just by staring. UGH!

"Ms. Shion!" Napanganga ako nang tinawag ako ni Supremo kaya kahit na nag-a-alinlangan ako ay pumunta rin ako sa harap.

Ano na naman ito, Supremo?!

"You are my secretary, introduce my name."

Napalunok ako nang ibinigay nya sa akin ang microphone.

"Ace Craige, 18 years old. The Supreme Student Government President."

Hindi ko ulit maiwasang mamula habang inaalala ang kahihiyan na ginawa ni Supremo. It is a contest, pero nagawa nya pa ring pairalin ang kanyang pagiging Supremo.

"Ms Face of the year goes to..... Fritzy Saldivar."

Napapikit na lang ako nang umangal na naman si Supremo.

Hell University (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon