Chapter 14

2.7K 124 23
                                    


Chapter 14 - Kabedon


The infinity pool is just so pretty, it looks like the pool is connected to the sea. Ngayon ko lang na-realize dahil busy ako sa pagtingin sa mga pandesal kanina. Sa gilid ng pool ay may hagdan pababa sa beach, pero mukhang mas trip ng Pyxis dito sa pool. Naghamon pa nga ng karera si Hunter, pabilisan daw kaming lumangoy.

We all accept the challenge, maliban kay Sam na siyang titingin kung sino sa amin ang unang makakarating sa kabilang dulo ng pool. Umahon muna kaming lahat para makaporma ng dive. Pyxis looks so serious, all seven of them!

I'm serious too! Hindi ako magpapatalo! Hindi ako magpapadistract sa mga pandesal nila.

"On your mark," Samantha says, "Go!"

Sabay-sabay kaming nag-dive. Napangiwi na lang ako dahil ang sakit sa dibdib! Hindi nga pala ako marunong mag-dive! Binilisan ko na lang ang paglangoy. Ang gagaling nilang lumangoy king ina! Lalo na si Jacin! Siya ang nauuna! Sunod si Tyler na kanina pa sumisisid, hindi pa siya umaahon mula kaninang nag-dive siya. Ang tagal ng hininga niya, ang haba kaya nitong pool!

To cut the story short, Tyler and Jacin won. Halos sabay silang nakarating sa dulo, followed by Hunter and Miles.

"I'm too old for this shit." Ice grunts, na mukhang tinatamad nang lumangoy.

"Ice, you're eighteen, not eighty." Natatawang sabi ni Noah, he and Aiden are almost at the end, but have stopped swimming dahil may nanalo na. Sinabayan nalang nila si Ice.

Huminto na rin ako sa paglangoy at sumabay sa kanila.

"Losers." Tyler mocks, pero sa'kin lang siya nakatingin.

Problema na naman ba niya?

Aiden rolls his eyes, "Yeah, yeah. Kayong dalawa na ang magaling."

"There has to be only one winner. What about a race to the beach?" says Jacin as he looks at me, "While carrying someone," Sumisid siya papunta sa likod ko. Sa gulat ko sumuot siya sa binti ko, hinawakan ako sa bewang at hinatak pa-upo sa balikat niya. Halos mabuwal ako nang umahon siya, hindi ko alam kung saan ako kakapit! Muntik ko na tuloy masabunutan ang red hair niya!

Nakaupo lang naman ako sa balikat ni Jacin—sa bare shoulders ni Sexy Jacin!

"Sounds fun, I'm in!" says Miles, umahon siya sa pool at pilit binuhat ang nagpupumiglas na si Samantha.

"Put me down, Miles Devane!"

"Ty, pahiram muna nang girlfriend mo." Jacin says to Tyler sa hindi ko maipaliwanag na tono. Umahon kami sa pool, napahawak na lang ako ng mahigpit sa braso ni Jacin na nakahawak pa rin sa bewang ko.

Tyler doesn't answer. Expressionless, he carries Ice on his back. Ang talim ng tingin niya sa'min ni Jacin!

"Hoy, Jacin." Pasimpleng bulong ko.

"Yeah?"

"Alam mo bang kayang-kaya kong baliin ang leeg mo dahil sa posisyon natin?"

Natawa siya, "Yeah, I know."

"Pasalamat ka brokenhearted ka."

Natawa ulit siya, "Well... Thanks."

"Gusto ko sanang magsabi ng encouraging words like 'kaya mo 'yan', 'time heals', 'makakapag-move on ka rin'. Pero baka nasabi na nila sa'yo 'yon. So I'm just gonna say drink coffee. It'll make you feel better, 'wag lang sosobra dahil baka mag-palpitate ka." Tulad na lang ng nangyayari sa'kin."

Pretending with the Snob (Pyxis #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon