Kabanata 36

4.4K 101 4
                                    

Kabanata 36 ~ Dinner

Pagkatapos ng misa ay hindi ko pinapansin sina Rex at Kuya Zein.

Sobrang naiinis talaga ako sa kanila.

"Liz, let's have a dinner in our house. Matagal-tagal ko na ring hindi nakakasama ang bff ko. Tonight, punta kayo. Magluluto ako ng marami." ani Mrs. Fiona.

"Nakakahiya naman." wika naman ni Mama Lizia.

"Nahiya ka pa. Sa tagal nating magkaibigan ay ngayon ka pa mahihiya. Basta pumunta kayo. Maghihintay kami." wika nito bago umalis at magpaalam.

Umuwi muna kami.  Sumakay kami sa van namin at si kuya ang nagdra-drive.

Kawawa naman si Kuya.

Pupunta kaya sila Mama? Kung ganoon ay makakapasok ako sa bahay nina Rex.

Maganda kaya bahay nila? Mansyon?

Siguro, mayaman sila sa pagkakaalam ko.

Nagpalit muna kami damit at pinagsuot ako ni Mama ng dress na  above the knee kahit ayaw ko.  Remember? Hindi ako mahilig mag-dress.

Tahimik lang ako sa loob ng sasakyan.

Musta na kaya si Denice at si Gabbie?

Busy kasi ako lagi kaya hindi ako makadalaw kina Denice.

Tumigil ang sasakyan namin sa mataas na gate. May guard din dito.

Ito na kaya iyon?

Automatic na nagbukas ang gate at pinasok na ni kuya itong van na sinasakyan namin. 
Ipinarada niya sa gilid ng bahay.

Bumaba na kami at tinuring sa amin ng isang made kung saan kami pupunta.

Nakita namin sila na nakaupo sa madisenyong upuan at may babasaging lamesa.

Ang laki! May chandelier na malaki sa gitna.

Umupo na ako at hindi ko na hinintay na ayusin nino man ang uupuan ko.

"Mabuti at napagbigyan niyo ang gusto ko."

"Maaari ba namang hindi ka namin pagbigyan." nakangiting ani Mama.

"Yaya,  makikilabas nga no'ng mga niluto ko. " Sabi Mrs. Fiona at naglabasan ang mga katulong.

Nice, bongga ang daming nilutong foods.

Mapapasarap na naman ang chibog ko.

Pagkatapos mag-pray ang hindi na ako nahiyang kumain dahil ako ang unang-unang kumuha ng adobong baboy.

Yumyum. Ang sarap!

"An charap nyamon po nyong ni.. nilutcho niyo. " halos mabulol kong sabi.

"Hahaha, mabuti at nagustuhan mo. Sige kain ka pa. " masaya nitong sabi.

Yehey! Kain pa raw ako.

"Hija dahan-dahan ka at baka mabulunan ka. " wika ni Mama.

Nahiya tuloy ako bigla.

Uminom ako ng tubig matapos ang mahabang pagnguya.

Feeling ko mabubulunan talaga ako.

Pagkatapos kumain ay nagkaroon ng kaunting usapan.

"May girlfriend na pala ang anak niyo." ani Mama sa nanay ni Rex.

Bakit ba love life ang laging napag-uuspan?

Sawang-sawa na akong makarinig ng mga ganoon.

"Yes, alam na namin 'yon.  Actually ipinakilala nga siya sa amin ni Rex kaninang umaga at dito na rin namin siya pinag-launch. Mabait naman ang batang iyon. Boto nga ako sa kaniya para kay Rex. " masayang sabi ng nanay ni Rex.

Unveiling the Secrets of the Innocent PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon