America

1.3M 16.4K 11K
                                    

Asha's POV

"Bye Babe, bye babies." pagkatapos nya akong halikan ay yung dalawang sanggol na nasa kama naman ang hinalikan nya.

"Ingat." hinatid ko sya sa may pintuan.

Binalikan ko ang dalawang anak ko at kinarga ang isa.

"Im sorry .." binaba ko ulit sya at kinarga yun isa naman, nilipat ko sya sa crib at pinatulog.

Hanggang sa mahimbing na ang wala pang isang buwan na sanggol. Mabilis akong kumilos, kinuha ko ang baby na nasa kama at ang kanyang baby bag na nasa ilalim ng kama, kinarga ko yun at nagmamadaling lumabas ng unit.

Dumiretso ako palabas ng Hotel at sumakay sa cab at nagpahatid sa isang Filipino market. Pagbaba ko ay nakita ko na agad ang babaeng maghahatid sa nak ko kay Ate Ella.

"Oh Asha, ayan na ba yung batang ipapahatid mo?" tumango ako at nagmamadaling ibinigay sa kanya yung sanggol. Isinunod kong inabot yung baby bag. At ang perang pangbayad sa kanya.

"Aalis na kami at baka mahuli pa kami." kasabay ng pagtango ko ang pagtulo ng luha ko.

Naglakad sila palayo kasama ang anak ko, ang anak namin ni Jd. Nakita ko ang pagsakay nila ng sasakyan at ang paglayo nito sa akin.

Kahit masakit ay pinilit kong maglakad din, palayo sa anak ko, at papunta naman sa naiwan kong anak.

Lumuluha akong sumakay at nagpahatid pabalik ng tinutuluyan namin ni Jd. Wala sa katinuang naglakad ako hanggang makarating sa pinto ng kwarto namin. Pagbukas ko ng pinto ay hindi inaasahang pangyayari ang bumungad sakin.

Isang malakas na sampal ang natamo ko mula sa kamay ni Jd .. Hawak ang mukha kong nasaktan ay napaupo ako sa gilud ng pintuan may mangilan ngilan pang foreigner ang nakita kong nakakuha ng atensyon sa ginawa nya. Mas nabigla ako ng hinablot nya ang buhok ko at kinaladkad papasok, di ko magawang manlaban o pigilan.man lang sya, mas nangingibabaw ang kaba na nararamdaman ko ngayon, at tanging pag iyak lang ang kaya kong gawin. Binitawan ako ni Jd pahagis sa likod ng sofa kung saan tumama ang likod ko at napapikit ako.

"Jd.. " nagulat ako sa tunog ng pagsara ng pinto, halos magiba ang buong unit na tinutuluyan namin sa lakas ng pagbalibag nya.

"Saan mo dinala ang anak ko?!" buong lakas nyang sigaw sakin, natatakot ako, hindi sya ang Jd na nakilala ko, ang minahal, napakadali lang sa kanyang saktan ako. "Sumagot ka!" pagkatapos nyang sabihin yun ay hinawakan nya ang magkabila kong braso at tinayo ako, sinandal nyaki sa wall at hinawakan sa mukha gamit ang isa nyang kamay. "Di ka talaga sasagot?!" at isang sampal na naman ang natamo ko.

"Ibinigay ko kay Ate .." hirap na hirap na sabi ko, nanlilisik ang matang tiningnan nya ako at pinakawalan. Tumalikod sya at binasag ang vase na naabot nya sa side table.

Mas lalo akong naiyak ng humarap sya sakin na masama ang tingin, alam kong kaya nya kong patayin sa oras na ito. Takot ang lumayo sa kanya, ngunit nabangga ako sa pinakagilid ng sofa at napaupo, habang si Jd ay papalapit pa din sakin, pagapang akong lumayo at bago pa ko tuluyang makalayo ay nahagip nya ang buhok ko.

Wala akong ibang maramdaman kundi sakit habang hinihila nya ako at inupo sa single sofa. Umibabaw sya sakin at hinawakan sa leeg.

"All those months, pinilit kong intindihin ka, but look at what you do! You loose my patient! Halos pinatay mo na ko sa ginawa mo Asha! And now i'm giving up." tumalikod sya at tumuloy sa kwarto namin, kahit halos gumapang na ako sa sahig ay sumunod pa rin ako sa kanya. Nakita ko ang pag empake nya ng damit. Mga damit nya at damit ng anak namin.

"Jd please! Maawa ka!" kumapit ako sa paa nya ngunit isang pisik nya lang ay napalayo na ang mahina kong katawan. "Jd please .."

"Bakit Asha? Naawa ka ba sakin ng ilayo mo ang anak ko? Diba hindi naman? Pinili mong ipamigay ang anak natin and now pipiliin ko ding iwanan ka, you know what i realized one thing, you don't need my love, you don't deserve it, expect my attorney to annul our marriage. Coz I don't love you anymore. You're a f*cking, slut, whore, stupid, and most idiot person I know." nasaktan ako sa salitang binitawan nya.

Mr. Maniac meets Ms. Pervert (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon