Chapter 16.2.3

28.4K 600 8
                                    

Published: September 15, 2013

********

CHAPTER 16.2.3

RICKY’s POV

            This is really uncomfortable!  Pagpasok ko pa lang sa may garden nila ay nalula na ako sa kasosyalan nang pagkakaset-up ng lugar.  Naka formal suits lahat ng mga bisitang lalaki at mga naka night gowns naman ang mga kababaihan.  Damn it!  It’s a complete mistake to come here!

            “Ricky!”  Si Liz na nakangiti pang sinalubong ako. Jeez, she’s so pretty and yeah, sobrang sosyal.

          “H-hey…”  I cleared my throat.  “Si Katie?”

          “She’s waiting for you.  Nand'un siya sa loob.  Walang masyadong bisita d'un.”  Kumindat pa siya.  “Tara, samahan na kita.”

          “Salamat.”  Tumango ako at kinakabahan ako lalo.  Pero bago pa man kami tuluyang makapasok sa may sala ng mansion ay nakita na rin namin 'yung bestfriend ni baby, si Albie.

            “Oh you’re here!”  Nakangiting bati niya sa akin.  Mukha namang sincere ang pagbati niya.

            “Hey,”  Tinanguan ko siya at tipid na ngumiti.

            “I think Katie’s inside.  Let’s go!”  Tinapik lang niya ako sa balikat.  Hindi ko maiwasang makaramdam nang panliliit.  Sa mga suot pa lang, iwan na iwan na ako.  Samantalang ako, soft pants at sky blue na long sleeve lang ang suot ko. I am totally out of place. 

            Tulad nga nang sabi ni Liz, halos walang tao doon and immediately I met her gaze, my lovely baby.

            “Ricky…”  Nagningning ang kanyang mga mata at tila gigil pang kinagat ang kanyang labi.  She’s happy to see me.  Her eyes said it all.

            “Happy Birthday…”  Sinubukan kong maging pormal kahit na sa totoo lang ay gusto ko siyang yakapin at halikan.  She’s just way too beautiful. Hindi ko alam kung ano ang tawag sa suot niya. Light pink siya na halos puro lace, may intricate designs at may thin lining lang para itago ang ilang parte ng kanyang katawan. Medyo nakalitaw ang balikat niya, at ang cut ng tela sa lower part ng kanyang gown ay mas mahaba sa likod kaysa sa harap.  She looked young and gorgeous on it.

            “Thank you.”  Tinitigan pa niya ako nang husto.  “You look so handsome.”  Mapaglarong sabi pa niya at pinipigilan ang mangiti nang maluwag. 

            “I don’t think so.”  

          “I do think so.”  She lovingly locked her gaze at me.  Nakalimutan yata naming may kasama kami.

            “Tama na muna 'yan!”  Nakaismid pang sabi ni Liz and she rolled her eyes.

            “Hey, ako muna okay?”  Si Albie na para bang humingi pa nang permiso sa akin.  “For you, my dear…”  May iniabot siyang glossy box na kulay pink. Kahon pa lang, mukhang mamahalin na ang laman.

            “Naku, thanks Albie ha!”  Tinapik niya si Albie sa balikat.  Surprisingly, hindi ako nakaramdam nang selos.

            Binuksan niya ang kahon at napabuntong-hininga na lang ako.  Damn it, necklace din ang gift niya.  May necklace din kasi akong ibibigay sa kanya.  Silver necklace na may heart pendant. Walang panama sa diamond necklace na bigay niya.  Great!  This is just great!

AND I LOVE YOU SOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon